Chapter 33

113K 2.5K 235
                                    

Chapter 33
I'll do the right thing


Hawak niya ang aking baywang palabas ng Prime Nite. Wala siyang imik mula pa ng hilain niya ako palabas. Kumakalabog ang dibdib ko sa kaba. Miss na miss ko siya at gusto ko siyang makita pero hindi sa ngayon.

"Damon, si Ruru.." naalala ko si Ruru.Hindi naman ito nagsalita at nakita ko sa hindi kalayuan ang kotse ni Alex dahil nakita kong sapilitan niyang pinasok doon si Ruru.

Nanahimik ako ng makita iyon. Kahit paano nawala ang pag aalala ko. Si Alex ang ex ni Ruru. Si Alex ang dahilan kung bakit nagrebelde si Ruru. So ,sana si Alex ang makakagamot nito.

Nakapark ang sasakyan ni Damon sa gilid lamang ng sasakyan na inuupuan ni Radleigh at Clinton. Si Rad ay may kasama nang babae. Nakahawak siya sa baywang nito habang nakatayo sa harap niya ang babae at umiirap sa kanya habang si Rad naman sa nguso ng kotse nito. Si Clinton naman ay walang 'pake doon at nakatutok lamang sa cellphone at may earphone sa tainga.

"Ewan ko sayo Rad! Bwesit ka!" sabi ng babae na nadinig ko habang palapit kami.

"Frix baby,I'm sorry. Alright?" Malumanay na sabi ni Rad.

Pero napangisi si Rad nang makita kami ni Damon.

"Found her, finally." he teased.

"We have to go.." malamig na sabi ni Damon.Padabog namang tumayo si Clinton na tila galit sa katext nito.

"Alis na rin ako." Sabi ni Clinton at umalis.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Damon at nakita ko pang umigting ang panga niya ng masulyapan ang hantad na hita ko.

Pumasok agad ako dahil sa kaba at inayos ang seatbelt.Pumasok rin agad ito. Sakto din na nagring ang cellphone ko sa text ni mama.

Kinuha ko iyon at binasa.

"Qluie Zandria.." banta ni Damon at 'ramdam ko ang ngingit niya.

"Inuwian kita at nalamang nasa bar ka at ngayong kasama kita may katext ka? Wow." sarkasmo ang boses nito.

Umiling ako.
"Si mama to Damon."

Hinilot nito ang sentido niya. He look so tired. Anong oras kaya itong dumating?

"Replyan mo na sakin ka matutulog. Tatawagan ko siya mamaya." mahinahon na sabi niya saakin ngayon.

"M-May pasok bukas--" alibi ko na pinutol na niya.

"Don't make me mad..." sabi nito at pinaandar ang makina bago mabilis na pinatakbo ang ang kotse niya.

Napahawak ako sa sariling upuan dahil sa kaba. Sinusulyapan ko siya minsan kung mag oovertake. Seryoso lamang siyang nakatingin sa harapan at umiigting ang panga.

I cleared my throat hindi na pinansin ang mabilis niyang pagtakbo ng sasakyan.

"Anong oras ka dumating?"

"Three hours ago." malamig na tugon nito.

Nanahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam e. Hindi ko alam na uuwi siya ngayon! I felt guilty! Dapat pala natulog na lang ako sa bahay! Tsaka paano niya ako nahanap?

Gusto ko siyang tanungin pero dahil sa nakita kong pagod niya hindi ko nalang tinanong.

Hanggang nang magpark siya at sa lift ay tahimik lang kaming dalawa pero tulad nang dati, hapit niya parin ang katawan ko kaya amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.

Nang nasa tamang palapag ay agad naming tinungo ang pamilyar na pinto ng kanyang suite. Isang swipe lang nang card niya doon ay agad iyong bumukas at kasabay ang ilaw doon.

MistakesWhere stories live. Discover now