Chapter 30

114K 2.6K 87
                                    


Chapter 30
Lost my appetite

Nakakagat ako sa kuko ko habang tinitingnan ang binigay sa akin ni Damon na black tube dress. May pares iyong pearl earrings na alam kong mamahalin.

Tinititigan ko palang ang damit ay naiimagine ko na ang mangyayari mamaya. Bagay kaya sa akin ito? Pinilig ko ang aking ulo at nilagay sa kama ang dress at pares na stilletos nito.

Nagtext muna ako kay mama na may dinner kami ni Damon kaya gagabihin ako.
Tulad ng dati ay naglinis muna ako ng bahay. Nagluto ng hapunan para kay mama. Nag laba na din ako ng aking uniform. Saktong natapos ako ay alas sais na.

Pawis na pawis ako na pumasok pabalik sa aking kwarto.Kakaiba ang kaba ko ngayon ang dami kong naiisip na mangyayari mamaya. What if,hindi ako gusto ng mamaya niya? What if ,suplada ang mamaya niya? Oh god,' wag naman sana.

Dahil alas syete ako susunduin ni Damon ay madalian akong naligo. Nagtapis ng tuwalya ng lumabas. Pinatuyo ang aking buhok ng blower,naglagay ng moisturizing lotion.

Sinuot ko ang dress na may foam na pala sa dibdib kaya hindi na pala kailangan ng bra.

Saktong sakto ito sa akin.Nakangisi ako habang minamasdan ang aking katawan sa tokador. Hanggang itaas ng tuhod ko ito.

Sinunod ko ang aking buhok at dito ako nahirapan ng sobra. I tried to ponytail it pero hindi ako nagandagan sa resulta. I pouted at naghanap ng electric curler sa drawer. Ang alam ko matagal na ito pero itatry ko kung gumagana pa.

Sinuklay ko ang aking buhok at kumuha ako ng hibla at inikot sa electric curler. Pinatagal ko ito doon at nang kinalas ko ito doon ay kumulot iyon! At ang ganda tignan!

"Ang galing!" I giggled at inulit ulit pa sa ibang naiwan na hibla. Na aliw ako sa pagku-curl ng buhok at hindi namalayan ang oras at napapitlag nalang ng may bumusina sa labas.

"Shit!" agaran ang pag tayo ko at tinignan ang sarili sa salamin.Napangisi ako. God! Ang ganda ko! Parang hindi ako!

Nang marinig ang katok sa pinto ng bahay ay kinabahan na ako sa magiging reaksyon ni Damon sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at kinuha ang pouch na black ko na may lamang konting pera at cellphone ko.

Parang mapapaupo ako sa sobrang kaba ng lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nilapitan ang pinto.

I opened the door and there I saw Damon wearing a black long sleeve at slack. Napansin ko na nagpagupit ito pero nanatili ang shave sa kaliwang gilid nito.

Pinasadahan ako ng tingin.Hanggang sa tumama ang aming tingin.

"A-Alis na tayo?" sabi ko at ngumiti.

Napatingala siya at nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya.

"Ang ganda mo." Inangat nito ang dalang bulaklak na may tsokolate

"Thanks!" kinuha ko iyon. "Ilalagay ko lang sa loob." umalis ako doon at nilagay sa bakanteng vase ang bulaklak at nilagay sa ref ang tsokolate.

Nakahilig na ito sa pinto at nakapamulsa mas lalong nadepina ang tangkad nito.
Naobserbahan ko lang na silang apat na magpipinsan ay mga matatangkad . Gusto ko tuloy isipin na may mga lahi ang mga to? Pero wala naman. Si Don Raymundo ay pure Pilipino 'ganon 'rin si Ma'am Sonya. Talagang nag gagwapuhan lang ang mga ito siguro.

Ang alam ko kasi kay Damon ay nag lilift siya ayun sa narinig ko. Nakita ko na 'rin siya noon na nag push ups sa gym at parang sanay na sanay na siya.

Mahigpit ang hawak ko sa aking pouch habang nasa byahe kami.Tulad ng kanyang nakagawian ay hawak hawak niya naman ang aking kamay habang ang kaliwa niya ay hawak ang manibela.

MistakesWhere stories live. Discover now