Chapter 49.

123K 3K 368
                                    

Chapter 49
Let me go




Bakit kung ano pa ang hinahangad ,bakit 'yun pa ang binabawi?Bakit yung mahalaga, 'yun pa ang nawawala. Bakit yung pangarap ay siya pang kinukuha.

Nasa punto na ako na sana binigyan ako ng pagkakataon na masilayan man lang siya. Bakit ang aga aga? Maraming tanong na hindi ko kayang sagutin.

Mali ba ako? Is it all my Mistake? Masyado ba akong pabaya na kahit katawan ko hindi ko mabigyan importansya? Kasalanan ko lahat dahil wala akong alam.

Wala akong alam na may buhay na pala sa sinpupunan ko. May buhay na namatay dahil sa kapabayaan ko.

Kung sana nalaman ko lang hindi sana aabot sa ganito.

Nasa punto na ako ngayon na sumusuklam sa isang tao. I hate Venice so much. Kung hindi sana siya masama hindi niya ako sasaktan. Pati tuloy yung walang ka muwang muwang na anghel ay nadamay. Hindi ko rin masasabi na wala akong kasalanan dahil may pagkukulang din ako.

Minulat ko ang aking mata at tiningnan ang katabi ko. But then again,walang bakas na Damon na tumabi sa akin.

Pang of pain strike my heart. Parang nilulukot ang puso ko. Mag iisang buwan na ganito parati. He's cold as ice. Kung mag uumagahan kami sa umaga. Kakain lang kami ng tahimik. Sasagutin niya ang tanong ko at sasagutin ko rin ang tanong niya.

Hindi ko magawang isipin na ako ba sinisisi niya na nawala yung anak namin?

Nakunan ako. Dalawang buwan na pala akong buntis noon at hindi ko man lang alam. Wala naman kasing signs. Bakit gano'n?

Nasa isang bahay nga kami pero parang ang layo niya. Minsan natutulog nalang ako na mag isa. Kung tatanungin ko siya kung bakit siya ginabi sasagutin niya lang ako na marami siyang ginagawa sa opisina.

Pero alam ko na hindi iyon ang rason. Alam kong galit siya pero hindi niya maipakita sa akin. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Halos isang buwan din na palagi dito sina Ma'am Sonya at mama sa bahay. Isang buwan na sobrang nalungkot ako.

Pinaalis ni Damon si Venice sa company bilang head ng architecture. The results? Pinull-out ng papa ni Venice lahat ng shares nito sa kompanya ni Damon. Pero hindi iyon naging kawalan kay Damon. Mas lumago pa nga ngayon ang kompanya. Paano bang hindi ? Dahil halos ipaligo na ni Damon ang mga papeles sa sarili nya. Binababad niya ang sarili niya sa trabaho.

Mas sumobra ang pagkamature niya ngayon. Naligo ako at nagbihis ng t shirt at cotton shorts. Pagka baba ko sa kusina maayos na iyon. Umikot ako sa gilid non ay dining area ay may pagkain na natatakpan.

Napangiti ako. Damon cooked this. Malamig nga siya sakin pero maalaga pa din sya. Pero hindi ako sanay sa ganito.

Parang bumalik 'yung dati 'yung time na sinusuyo ko siya. 'Yung time na ayaw niya sa akin. Parang lahat no'n ay bumalik eh.

Mas nasaktan ako sa nangyari. 'Yung feeling na wala akong nagawa. Gustong gusto kong sabunutan si Venice. I am tired of being nice dahil inaabuso na. Ayoko nang maging mabait.

Matapos kong kumain ay pumunta ako sa aking botique. May pwesto kasi ako sa isang mall dito. Dahil wala kasi akong makakapag abalahan ay iyon nalang ang ginawa ko. Wala pang dalawang linggo ito nabubuksan at marami nga ang namimili.

Mga authentic bags,sandals,stilletos,accesories for males and females,may cosmetics,contactlenses etc. Mas malaki ito sa karaniwang may pwesto dito. Glass wall ito kaya kitang kita ang pamilihin namin sa loob.

Si Janet yung inaasahan kong mag manage dito dahil nakitaan ko siya ng abilidad sa sales talk. Pinalanganan ko ito na Ruby. Wala lang. Kasi ito yung plano kong ipapangalan ko sa magiging anak ko sana kung babae.

MistakesWhere stories live. Discover now