Chapter 3

72.8K 1.4K 28
                                    

"KANINA pa kita hinahanap, nandito ka lang pala," ani Raffy na nilapitan siya sa ilalim ng punong talisay. Nakaupo sa bangkong kawayan na sadyang inilagay roon. Tahimik na nakatanaw sa dagat na ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng kaibigan. "Ano ang ginagawa mo rito sa dilim?"

Nagkibit siya ng mga balikat at nilingon ang binata. Mula sa kinauupuan niya'y naririnig niya ang maharot na musika mula sa loob ng malaking bahay.

"I'm tired, Raf. I'd rather sit and watch and drink..." itinaas niya sa bibig ang kopita ng alak.

May naamoy ang binata at agad na kinuha ang kristal sa mga kamay niya. Inamoy ito.

"Tequila! MM, my mother will have my ass sa sandaling malamang ito ang iniinom mo..." itinapon nito sa buhangin ang laman ng kristal at ibinaba sa mesang yari din sa kawayan ang wine glass. Punch drink lang ang ipinahintulot ng mga magulang ni Raffy na inumin ng mga nagpa-party.

Nagkibit siya ng mga balikat. "Gusto ko lang uminom."

"Gusto mo lang uminom? My foot! We've been friends since I am a sperm and you an egg para hindi ko malaman kung may problema ka, MM. Paglabas mo ng bahay ninyo ay ganyan ka na."

She gave a throaty laugh, bahagya nang tinatalaban ng nainom. Naging magkaibigan sila ni Raffy noon lamang na dumating siya ng San Ignacio when she was fifteen. "You are exagerrating, Raf..."

"All right, five years," pahinuhod ng binata. "And I knew you too much para hindi ko malamang may problema ka. Out with it, MM."

"Five years..." ulit niya sa pabulong na paraan. Kasing-tagal din ng pagkakilala ko kay Vince.

"Ang stepfather mo na naman ba? Did he make a pass at you?" Pagalit nitong tanong kasabay ng pagtiim ng mga bagang.

Huminga siya ng malalim. Hinayaang isipin ni Raffy na si Hector ang dahilan kung bakit biglang nasira ang mood niya. "You know I hated that leech, Raf. My father didn't like him when he was alive."

"And I don't trust him either," mariing wika ng binata. "Kung nagtatanan na ba naman tayo di nakahiwalay ka na sa kanila," dugtong nito sa seryosong paraan.

Muling tumawa ng malakas si Moana sa sinabi ng binata. Nagdilim ang mukha ni Raffy doon. Mahigpit siyang hinawakan sa braso.

"Huwag mo akong pagtawanan, MM!"

"Come on, Raf," she was still smiling. Napakadali niyang tumawa dahil sa epekto ng alak gayung kani-kanina lang ay punung-puno ang isip niya sa mga alalahanin tungkol kay Vince at sa muli nilang pagkikita. "Hindi kita pinagtatawanan. Sa sinasabi mo ako natatawa..."

"At ano ang masama sa sinabi ko?" Nasa tinig pa rin nito ang galit. "Ang alam ng lahat ay girlfriend kita. You never denied it."

"And didn't confirm it either," aniya na sumeryoso. Nakikita na niyang totoong galit si Raffy. At hindi niya gustong pati ang kaisa-isang kaibigan ay magalit pa. "I obliged dahil kahit papaano'y naitaboy ko ang mga manliligaw na hindi ko gusto..."

"So you've used me! I've been behaving like a real gentleman pagdating sa iyo, MM, dahil gusto kita...mahal kita. But don't use me," pagkasabi noo'y bigla nitong hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga at siniil ng halik.

Nabigla ma'y hindi pumalag si Moana at hinayaan ang binatang hagkan siya. Little shivers ran down her spine sa ginawang iyon ni Raffy. Ang katawan niya'y gustong lunurin ang sarili sa halik nito subalit hindi ang isip. Akma na niyang itutulak ang binata palayo nang isang malakas na tikhim ang siyang naging dahilan upang pakawalan siya ni Raffy.

"Vince!" Bulalas ng dalaga nang malingunan ang tumikhim.

"It's almost twelve o'clock, Cinderella," ani Vince, in a voice as cold as ice. Kahit sa dilim ay prominente ang anyo. "Let's go, lest you turned into a pumpkin..."

"Vince?" Nagtatakang usal ni Raffy na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalaga at sa bagong dating. "Vince Saavedra!" He exclaimed nang marehistro sa isip ang pangalan at maaninag nito sa dilim ang bagong dating.

"Why are you here? And I thought you were just kidding," magkasama ang iritasyon at pagkamangha sa tinig niya.

"Moana, tinawagan ako ng Mama mo para sunduin ka," he said patiently. "Now, be a good girl. Let's go," ulit nito.

"Huwag mo akong tratuhing bata, Vince!" paasik niyang sabi. "Hindi ako sasama sa iyo. Uuwi ako kung anong oras ko gusto!"

"Kailan pa nagbalik ang bodyguard mo, MM?" Nairita ring tanong ni Raffy sa patuyang paraan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vince. "All right, kung hindi mo pa gustong umuwi ay tara sa loob," inabot nito ang braso niya at hinila. "naroon ang party at wala rito sa dilim."

"Bitiwan mo si Moana, Vince!"

Sandaling nilingon ni Vince si Raffy. "Stay out of this, Raffy," mahinahong babala nito.

"Hindi ako natatakot sa iyo," sagot ng binata na nag-iigting ang mga bagang. "Tama si Moana, hindi na kami mga bata na kaya mong manduhan tulad noong araw. Alam ng Tita Adrienne na nasa mabuting kamay siya. And my parents are arriving from Manila anytime now..."

"Magtigil kayong dalawa!" hiyaw ni Moana bago nakasagot si Vince. Hindi siya nakatitiyak kung hindi nga nito papatulan si Raffy. Alam niyang mahaba ang pasensiya ng una subalit kung maghahamon ang huli'y baka magkaroon ng gulo. "I am coming with you," pagalit niyang wika sa nakatatandang lalaki. Pagkatapos ay nilingon si Raffy. "I'll call you when I reach home," at nagpatiuna na siyang lumakad ng mabilis.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora