Chapter 16

52.1K 1.1K 25
                                    

TANGHALI na nang magising kina-Lunesan si Moana. Alam niyang ngayon ang unang araw ni Vince sa bangko. Nagmamadaling pumasok siya ng banyo. Makalipas ang ilang sandali'y lumabas ng shower room nang nakatapis lang ng tuwalya. Tuloy-tuloy sa tokador upang patuyuin ng blower ang buhok nang mula sa salamin ay makita niyang nakatayo sa may pinto ng silid niya si Hector.

Marahas siyang lumingon. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Asik niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Hector sa painosenteng paraan. At hindi niya maikakailang magandang lalaki ito. At bata. And daddy niya'y mahigit sampung taon ang tanda sa mommy niya. Hindi kataka-takang maakit ang mommy niya sa lalaking ito.

"Hindi ka nagsasara ng pinto, Moana," banayad na wika ng lalaki. Hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nagsalubong ang mga kilay niya roon. "Wala siyang natatandaang binuksan niya ang pinto ng silid niya. Pagkagising ay dumeretso siya sa banyo.

Naniningkit ang mga matang lumakad siya patungo sa pinto. "Get out!"

"Okay, okay..." wika nito na itinaas ang kamay. Pagkatapos ay banayad na nagsalita. "Huwag mong gawin sa amin ito ng Mommy mo, Moana. Para na rin kitang anak, hija..."

"Anak? My a—," napigil ang pagmumura niya nang matanaw ang ina sa likod ng lalaki. Pabagsak niyang isinara ang pinto sa matinding galit sa stepfather. Hindi niya maintindihan kung ano ang gusto nitong palabasin.

Muli niyang ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kabila ng pagngingitngit ng loob. Isang mahinang katok ang narinig niya kasabay ng muling pagbukas ng pinto. Pumasok si Adrienne na nakabihis na.

"Moana," si Adrienne. Pormal ang mukha.

"May kailangan kayo sa akin, Mommy?" Pormal din niyang sagot.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Adrienne bago nagsalita. "Sinabi sa akin ni—ng Tito Hector mo na—"

"Hector, dammit!" Galit niyang harap dito.

"Nawawalan ka na ng galang sa akin, Moana," mariing saway ni Adrienne.

"I'm sorry," walang emosyong paumanhin niya. "Ngayon, ano na naman ang sinabi sa inyo ng lalaking iyon?"

Itinaas ni Adrienne ang dalawang kamay, in a helpless way. "H-hindi ko alam ang iisipin ko. S-sinabi niyang...inaakit mo siya... na sadya kang humaharap at nagpapakita sa kanya nang—"

"What?" Nabitin sa ere ang blower niya.

"At kanina'y sinabi niyang pinagsasabihan ka niyang magsara ng pinto pag nagbibihis dahil sinasadya mong buksan upang makita ka niya..."

Tumaas-bumaba ang dibdib niya sa matinding galit sa stepfather. Halos magbuga ng apoy ang paghinga niya. "And you believed him, of course..." patuya niyang sinabi.

"You hated him..."

"Right," she snapped gritting her teeth. "I hated him. I hope you will bear that in mind. Hated him so much that I couldn't stand the sight of him. I'll scream to death if he so much as touch me!"

"Moana..." nagugulumihanang umiling si Adrienne. Hindi malaman kung sino sa asawang kauli at anak ang paniniwalaan.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa lalaking iyon, Mommy, maliban siyempre sa magandang mukha, period!"

Isang malungkot na iling ang ginawa ni Adrienne. "He's my husband now, Moana. And I hope that you two will get along..."

"Not in this life, Mother!"

Bumuntong-hininga si Adrienne at nanlulumong tinungo ang pinto. "Mauuna na ako sa iyo. Hurry up at may meeting ang board ng ten. Malapit na ang alas-dies," marahan din nitong isinara ang pintuan ng silid.

Tila nahahapong naupo sa stool ng tokador ang dalaga. Pumasok sa isip ang sinabi ng ina. Inaakit mo siya...

Leech!

Mabilis siyang nagbihis at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas. Nasalubong niya si Hector sa may punong hagdan.

"So, nauna pa ang among pumasok sa opisina kaysa isang ordinaryong empleyado, huh?" Painsulto niyang sinabi.

Mahigpit siyang hinawakan ni Hector sa braso. "Mag-iingat ka sa sinasabi mo, Moana. Alalahanin mong ako na ang asawa ng ina mo."

"Will I ever forget that?" Patuya niyang sagot sabay bawi ng kamay. "At ano iyong sinasabi mo sa Mommy na inaakit kita?"

"Didn't you?" Nakangising wika nito. Hinagod siya ng tingin.

"Tsk... tsk..." aniya. "Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng guts para sabihin sa Mommy iyon. Dapat sa iyo'y sa karnabal, mahilig ka rin lang sa ilusyon. Pero sorry, Hector, hindi ko type ang mga taong mahilig sa free ride." Pagkasabi noo'y nilampasan niya ang lalaki.

"Kakainin mo ang sinabi mo, Moana!"

Umismid lang siya at tuloy-tuloy na lumabas.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Where stories live. Discover now