Chapter 17

53.6K 1.2K 7
                                    

NASA opisina na siya'y nagpupuyos pa rin ang dibdib ni Moana. Kalahating oras na siya sa harap ng computer ay wala pa rin siyang masimulang gawin. Hindi na siya nagtuloy sa conference room nang dumating dahil isang oras na siyang huli.

Hindi niya napunang bumukas ang pinto at pumasok si Vince.

"'Morning, Moana. Wala ka sa meeting," bungad nito. "Ang sabi ng Tita Adrienne ay kasunod ka na niya..."

Nag-angat siya ng mukha upang maipon lamang sa lalamunan ang paghinga. Vince in Barong Tagalog. Breathtakingly gorgeous. Sa pormal mang kasuotan o sa kupasing maong.

"G-good morning..." pautal niyang sagot. "Tinanghali ako ng gising, sorry..."

"Ibibigay sa iyo ni Attorney Caparas ang minutes ng meeting," naupo ito sa gilid ng mesa niya at nakayukong pinagmasdan siya. "Kagabi lang kami nagkausap ng Tatay, Moana," wika nito sa banayad na tinig. "At nabanggit niyang malimit mo silang dalawin ni Janet..."

"Hindi dahil nawala ka'y mapuputol na rin ang ugnayan ko sa pamilya mo, Vince..." bahagya niyang iniatras ang swivel chair dahil iilang pulgada lang ang layo ng binata sa kanya. She could feel the musky scent of his cologne.

Four years ago, ang damdamin lang niya ang angkin ni Vince, ngayon pati mga senses niya. At ang nakapagtataka, hindi na siya kasing-vocal na tulad noon sa pagsasabi kay Vince ng nasa dibdib niya. Totoong nagkaroon siya ng reservation dito at marahil dala ng maturity subalit hindi binago ng apat na taon ang damdamin niya dito.

"Thank you," sinserong wika nito. "Puring-puri ka ni Janet. Sabi niya'y para siyang nagkaroon ng 'ate' sa katauhan mo."

Wala siyang maisagot doon. Bahagyang napahiya dahil lumalabas na sinikap niyang maging malapit sa pamilya nito and that she's still carrying Vince's torch.

Inikot ang swivel chair pabalik sa computer. "This is a busy day, Vince," aniya sa pinakamalamig at pormal na tono. "At alam kong pagkatapos ng meeting ay maraming trabahong naghihintay sa iyo."

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Vince sa pagtalikod niyang iyon. Ipinagkamali nito na dahil iyon sa nangyari nang sinundang gabi.

"So, galit ka pa rin sa akin?"

"Hindi ako naga—"

"Is the invitation still open?"

Nagsalubong ang mga kilay niyang humarap dito. "What?"

Inabot ni Vince ang swivel chair niya and rolled it towards him. At pagkatapos ay niyuko ang dalaga. Pinaglakbay ang mga mata sa mukha niya.

"Sa paglipas ng mga taon, kung ano-ano na ang ipinangalan mo sa akin, Moana. Coward, hypocrite, at mukhang nag-alinlangan ka pa yata sa pagkalalaki ko," she opened her mouth to say something pero nagpatuloy si Vince. "Palitan natin iyong salitang hypocrite ng iron-control, Moana. Pero gusto kong luwagan ng kaunti ang control kong iyon," she was mesmerized as fraction by fraction ay lumalapit ang mga labi ni Vince sa kanya. Until finally, idinampi nito ang mga labi sa mga labi niya, in an incredibly gentle kiss.

On instinct, she closed her eyes. And Vince tasted each corner of her lips. Then parted her surprised lips with his mouth and deepened the kiss. Nagkabuhol-buhol ang isip ni Moana. Sa pagkamangha, she remained passive. At may pakiramdam siyang tila siya isang sako ng bigas na lumaylay sa upuan.

Makalipas ang ilang sandali'y pinakawalan ni Vince ang mga labi niya. "You've been wanting that kiss for as far as I could remember, Moana. Now that I obliged, what? Have I satisfied your curiosity?" Singlamig ng yelo ang tinig nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Wala siyang mahagilap na sasabihin. You've been wanting that kiss...

Obliged. He was obliged to kiss her. Period. And it hurt so much. Pero hindi niya kayang ipakita ang sakit dito.

"T-thank you. That was...wonderful." Ang tanging nasabi niya kasabay ng paglunok.

Ang inis ni Vince ay unti-unting naglaho. A slow grin crossed his face. "After years of anticipating what it would be liked if we kissed, iyan lang ang sasabihin mo?" natatawang tanong nito.

"A-ano'ng gusto mong sabihin ko?" bahagya nang naglagos sa lalamunan niya iyon. She could still feel on her throbbing lips the warmth of his kiss.

Muling yumuko ang binata at hinawakan siya sa baba. "If you can't find a better word than 'thank you...'" he whispered. "ako meron, and—"

"Don't say anything!" natauhan siya sa tila trance niyang kinalalagyan. Itinuwid ang sarili in a dignified fashion. "I'm sorry if I'd been so foolish all those years you've known me. Forget about it, Vince, forget about last night. Let's treat each other like...like friends. As we used to," idinagdag niya ang huling sinabi. Muli siyang tumalikod at hinarap ang computer.

Tahimik na lumabas ng silid niya si Vince.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon