Chapter 23

56.3K 1.1K 19
                                    

NASA hospital na si Moana nang pagbalikan ng malay. Mukha ni Vince ang namulatan niya.

"V-Vince..." namamaos niyang usal. Ilang sandaling inikot ang paningin sa puting silid. Nang magbalik sa isipan ang pangyayari ay pinanlakihan ng mga mata. Pinakiramdaman ang sarili. Nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan ay pahisteryang umiyak.

"Hush, sweetheart, you were not raped," mariin at tiyak na wika ng binata. Nahulaan ang nasa isip niya. Ginagap ang mga kamay niya at ikinulong sa sariling mga palad nito.

Sandali siyang natilihan. "I—w-wasn't r-raped?"

"Tiniyak ng mga doctor," he whispered at sa pinakabanayad na paraan ay pinahid ng palad ang mga luha niya sa pisngi. She flinched. Nagtagis ang mga bagang ng binata sa ginawi niya at agad na inalis ang kamay.

"A-ang Mommy? Nasaan ang Mommy," she asked in half-hysterics.

"Nasa kabilang silid, kasama si Hector. Inatake ng asthma nang malaman ang nangyari. But she's fine. She wanted to be here with you pero ipinayo ng doktor na magpahinga at bukas na kayo mag-usap," paliwanag nito.

Hindi sumagot si Moana pero sige sa tahimik na pag-iyak. Napilitang tawagin ni Vince ang doktor. Tinurukan nito ng sedative ang dextrose tube niya.

Inabot ni Moana ang braso ni Vince at sa inaantok na diwa'y: "D-don't... leave me..."

Yumuko si Vince at bumulong. "I won't. Nandito pa rin ako paggising mo."

"She'll be fine, Mr. Saavedra. Normal ang histerya niya sa simula," assurance ng doktor bago lumabas.

"But it isn't normal that she flinched from me." Habang pinagmamasdan niya ang dalaga'y nagpupuyos ang dibdib niya sa galit sa mga lalaking gumawa noon kay Moana. She's black and blue and bruised.

Nangingitim ang magkabilang pisngi at putok ang mga labi. May sugat sa balikat, dibdib at tiyan sanhi ng mga kagat. Nangingitim ang isang braso sanhi marahil ng pagtama sa pinto ng sasakyan. May sugat sa kabilang paa.

Gusto niyang pataying muli ang mga taong gumawa noon. Kung hindi dahil sa pag-awat ng ama na kasunod niya'y baka dalawang tao ang napatay niya.

SA LOOB ng isang linggong lumipas makalabas ng ospital ay hindi lumalabas ng bahay si Moana. Kahit si Adrienne ay hindi mapilit ang anak na mamasyal upang malibang. Si Vince ay gabi-gabing naroon at dinadalaw siya.

"Nakaalis na ba ang boyfriend mo?"

Mula sa pagkakahiga ay napabangon ang dalaga at ipinulupot sa katawan ang kumot. Hindi niya namalayan ang pagbukas nito ng pinto.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Singhal niya kay Hector. "Get out! Get out!"

"Relax, relax..." itinaas ng lalaki ang dalawang kamay. "Nakikipag-usap lang ako, Moana..."

"Manhid ka ba? Hindi kita gustong makausap! Get out of my sight, Hector. I feel sick everytime you're near! And you're nothing but a maniac just like those two bastards!"

Naningkit ang mga mata ni Hector sa sinabi niya. "Napakatayog mo, Moana. Napakapalad mo sa pagkakaligtas sa dalawang kumidnap sa iyo," pagkatapos ay unti-unting ngumisi. "Next time your lady luck might desert you," tinalikuran siya at lumabas ng silid.

Mabilis siyang tumayo at ini-lock ang pinto at nanginginig ang katawang muling nagbalik sa higaan.

Baka sa susunod ay hindi ka na makaligtas...

Pinanginigan siya ng laman roon. Curled herself in a fetus-like position at mahigpit na ipinikit ang mga mata at ibinaon sa unan ang mukha.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon