Chapter 9

53.6K 1.1K 6
                                    

"HI."

Mula sa pagsasalansan ng mga palay sa kamalig ay nag-angat ng pawisang mukha si Vince. Nagsalubong ang mga kilay nang makilala ang may-ari ng tinig.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong nito sa dalagita na nakasabit pa sa likod ang bagpack. Inabot nito ang kamiseta na nakasabit sa may poste ng kamalig. Pagkatapos ay tumanaw sa may daan habang pinupunasan ng pawis ang mukha at katawang kumikislap sa pawis. "Sino ang kasama mo?"

She gave a hesitant smile. "Nagpababa ako sa driver namin dito. Where's everybody?" She asked sociably kasabay ng paglinga sa paligid.

"Nasa classmates niya si Janet," sagot ng binata na ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid na labing dalawang taong gulang at grade six. "Ang Papa'y nasa munisipyo na. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang sadya mo rito, Moana? Sabado ngayon at walang pasok."

Nagkibit siya ng mga balikat. "I—I just thought you can help me with my Trigo."

Matagal na tinitigan ni Vince ang dalagita. Sixteen years old at nasa huling taon sa high school. With exotic eyes and flirtatious dimples. In pony tail and braces. Natitiyak nito, hindi iyon ang uri ng brace na uso ngayon sa mga kababaihan para maging in at magmukhang sosyal. He'll bet na ang halaga lamang ng braces nito'y benta na ng mga kopra nila sa ta-tatlong ektaryang niyugang pag-aari ng ama.

"Hey, are you still with me?" si Moana sa binata. "Hindi ka na kumibo. Ang sabi ko'y magpapatulong ako sa iyo sa Trigo ko."

"Sure," sagot ni Vince. "Maliligo lang ako. Hintayin mo ako sa swing..."

Bahagya siyang tumango at sinundan ng tanaw si Vince na pumasok ng bahay. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa swing. Naupo roon kasabay ng pagtanaw sa loob ng bahay. Ginawa na niya ang lahat ng paraan para mapalapit dito at mapansin nito. Mapalapit, yes. They have become closer. Pero iyong pansin na gusto niyang mangyari ay hindi.

Since that day on the beach ay lalo nang sumidhi ang naisin niyang mapansin ng binata. This stupid crush she had on him ay hindi na naalis sa nakalipas na mga buwan at sa halip ay lalo pa yatang lumalim. Kung tutuusin, pagkatapos ng insidenteng iyon sa mga miembro ng sorority ay nagkaroon pa siya ng isa pa uling boyfriend. Boyfriend na hindi naman tumagal ng isang linggo. Agad niyang ikinumpara ito kay Vince at sa tingin niya'y mga totoy ang mga classmates at ibang manliligaw.

Walong na taon ang tanda ni Vince sa kanya. Panggabi sa SIC at graduating ngayong taon na ito. Anim na taon ang ginugol sa kolehiyo dahil working student. Lahat ng umaga sa loob ng isang linggo ay ginugugol ng binata sa bangko bilang messenger-trainee.

Biyudo na ang ama nito na isang hepe ng pulisya sa bayang iyon. Hindi mahirap ang pamilya pero hindi rin naman mayaman bukod pa sa may isa pa itong kapatid na babaeng nag-aaral sa elementarya. At hindi biro ang pagkuha ng abogasya.

And Vince treated her like his little sister.


Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon