"HIHINTAYIN na lang kita dito sa scooter, Jan. Dalian mo at late na tayo at naku, uulan pa yata. Mababasa tayo," si Marisol, ang classmate ng dalagita. "Bakit naman kasi nakalimutan mo iyong report mo sa Biology."
"Akala ko'y nailagay ko na sa bag ko kagabi," sagot ni Janet kasabay ng paglabas ng susi mula sa bag.
Sinusian ang harapang pintuan at pumasok. Patakbong pumanhik sa itaas sa silid niya. Kasalukuyan niyang binubuksan ang drawer ng study table ng biglang ihampas ng hangin ang kurtina at pumasok ang ambon. Bahagya lang niyang nilingon at kinuha mula sa drawer ang naka-folder na report.
Hindi na isinara ang drawer sa pagmamadali at lalabas na sanang muli nang maramdaman ang pagpasok ng anggi sa silid niya. Binalikan ang bintana upang isara. Nailapat na niya ang sliding capiz window nang muli niya itong binuksan. May nahagip ang mga mata niya labing-limang metro mula sa kinatatayuan niya sa ilalim ng mga punong-niyog.
"S-si... Ate Moana ba iyon?" Halos manliit ang mga mata niya sa pagtiyak kung si Moana nga ang nakikita niya. Pagkatapos ay napasinghap at nanlaki ang mga mata.
Hindi na itinuloy ang pagsasara sa bintana at mabilis na tumakbo pababa. Nasa bungad na siya ng pinto nang muling matilihan at bumalik sa sala. Dinampot ang telepono.
SI VINCE ay inikot ang mga mata sa mga nakapaligid sa conference room. Naroon lahat ang accounting heads ng limang branches ng San Ignacio Rural Bank sa mga karatig bayan. Kasama si Adrienne at Hector.
Tumikhim siya at naupo. "Good afternoon, everyone. Nasa harapan ninyo ang agenda ng meeting na ito at nasa akin na ang mga report ninyo. Let's put the meeting in order..." nilinga ng binata ang executive secretary na siyang kumukuha ng minutes.
"I second the motion..." si Adrienne na bagaman hindi head ng alinmang department ay naroon bilang bise-presidente. Idinikit ang sarili kay Vince at may ibinulong. "Where's Moana?"
Bago pa nakasagot si Vince ay isang warning knock ang narinig at pumasok ang isa pang sekretarya.
"Sir... excuse me, but your sister is on line A and—"
Bahagya lang ang paggalaw ng muscles sa mukha ng binata. "Miss Perez, this is a closed door meeting. Didn't I tell to hold all incoming calls?"
Napalunok ang sekretarya. "S-sinabi ko po, Sir...but she said it's emergency..."
"Take it, Vince," ani Adrienne. "We can wait..."
Impatiently, tumayo ang binata. Tinawid ang door blinds kung saan pribadong silid niya ang kabila.
"Hello," pagalit niyang sagot bagaman halos pabulong. "What is it this time, Janet? I am in the middle of a meeting..."
"K-kuya..." ang kabilang linya at tuloy-tuloy na ang sinabi. Nagsalubong ang mga kilay ng binata na nilinga ang conference room bagaman hindi nito natatanaw ang mga tao roon.
"Are you sure it's Moana?" kinakabahang tanong niya.
"Nasisiguro ko, Kuya," nilinga nito ang pinto. "Gusto kong sundan, dala ng classmates ko ang scooter niya." Nasa tinig ni Janet ang excitement at determinasyon. "Sa tabing-dagat kami magdadaan."
"Take my CP, Janet, nasa tabi ng phone," utos nito sa kapatid sa tila naghahabol na paraan. "Maintain your distance and please, be careful," nang maibaba nito ang telepono ay mabilis na bumalik sa conference room at niyuko si Adrienne. "Preside over. May emergency akong aayusin."
Nalito ma'y tumango si Adrienne at sinundan ng tanaw ang paglabas ni Vince.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)
Romance"Shut up, Moana, I don't kiss little girls with braces!" Moana Marie was fifteen and had this stupid crush on Vince Saavedra, cool and drop-dead gorgeous. But her feelings for him was way out of line. Walong taon ang tanda nito sa kanya, may girlfr...