Chapter 22

56.6K 1.1K 33
                                    

"WOW!" si Marisol. "Tingin ko ba sa iyo'y si Nancy Drew..."

"Wala na bang ibibilis itong scooter mo?" Aniya na hinaplos ang mukha dahil nahihilam sa ulan. Ang CP ay itinaob at sinasanggahang mabasa. Tumaas ang leeg upang tanawin ang lumang kotse na siyang pinagsakyan kay Moana. "Baka maiwala natin sila?"

"Kung patungong Maynila ay baka sakaling mahirapan tayong humabol, Jan," itinodo ng dalagita ang motor. "Pero patungong libis ang kotseng iyon. Nakita mo't lumiko pakanan. Kung hindi ko kabisado ang short cut baka nakalayo sila."

"Ano ang gagawin nila sa Ate Moana? Baka mga kidnap for ransom gang iyan, ah..." yumuko siya dahil nasabit ang mukha sa sanga ng isang puno. Habang nasa kabilang daan ang sinusundan ay sa landas naman ng tao ang binaybay ng dalawang dalagita. Natatakpan sila ng mga puno.

Nag-ring ang cellphone na hawak ni Janet.

"BITIWAN ninyo ako!" Sigaw ni Moana. "Ano ang kailangan ninyo sa—" nakulong sa lalamunan niya ang paghinga nang biglang hablutin ng may hawak sa kanya ang kanyang damit at mapunit ito.

"Labanos, pare!" Wika ng isang lalaki. "Gusto kong papakin kaagad ang tsinitang ito."

Ngumisi lang ang isang lalaking siyang nagda-drive. "Alalahanin mo ang usapan, Santos. Hindi siya gagalawin..."

"Mga walang—hmnp!" Napaungol ang dalaga. Hinablot ng lalaki ang bra niya at ang magaspang nitong kamay ay buong kapangahasang pinakialaman ang kanyang dibdib. Tumili si Moana kasabay ng panlalaban.

"Aba't!" Isang sampal ang ibinigay sa kanya ng tinawag na Santos nang tadyakan niya ito. Bumagsak sa may pinto ng sasakyan si Moana at halos mahilo.

Muli siyang inabot ng lalaki at hinalikan sa mga labi. Muli rin siyang nanlaban. Nang kagatin niya ang lalaki sa bibig ay sinikmuraan siya nito. May kung ilang sandaling nawala sa kanya ang paghinga. But she couldn't afford to faint. Tumatanggi ang isip niyang panawan ng malay. Hanggang sa unti-unting magmaliw ang sakit at muling pumasok ang hangin sa baga niya.

"Easy, pare, baka, mapatay mo iyan bago pakinabangan..." paalala ng nasa driver's seat. "At wala sa usapan ang rape, Santos. Binabalaan kita..." dugtong nito na tumingin sa rear view mirror.

"Bakit ba, eh, papatayin din naman ito pagkatapos pagpasasaan," nakangising sagot ng lalaki. "Mag-i-enjoy na muna ako sa katawan ng babaeng ito nang hindi kailangang reypin..." pinaglaro nito ang kamay sa dibdib ng dalaga.

Muli ay tumili sa matinding sindak si Moana. Tiling alam niyang walang makaririnig. Bukod sa sarado ang sasakyan ay malakas ang ulan sa labas.

Ang lalaki'y yumuko at pinaghahagkan ang leeg niya, kinakagat ang mga balikat at dibdib na tila hayok. Bale-wala ang pagtitili at panlalaban niya. Naiipit siya sa sulok ng sasakyan at nakadagan sa kanya ang lalaki.

Nang ang mga kamay nito'y dumako sa pantalon niya upang buksan ay inubos niya ang lakas upang maitulak ito kasabay ng muling pagtili. Subalit paos na siya'y hindi niya natinag ang lalaki.

"Iyan ang gusto ko sa babae, 'yong parang tigre," ngumisi ito kasabay ng hingal sa pinaghalong pagnanasa at pagsupil sa panlalaban niya. Umaatras ito habang ibinababa sa mga binti niya ang pantalong maong niya.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang mahantad ang hubad na katawan ng dalaga. Inalis nito ang hook ng pantalon at akmang ibababa ang zipper. Nanlaki ang mga ng lalaking nagda-drive at hindi agad napuna ang palikong daan.

"Put... pare," malakas nitong mura nang muntik nang mabangga sa puno. "Madidisgrasya tayo niyan, eh. Pati ako'y—" humihingal nitong sabi. Pasulyap-sulyap sa rear view.

"Patayin na lang ninyo ako, mga hayup kayo!" Sigaw niya. Nanginginig ang laman sa takot at sindak.

"Huwag kang mag-alala dahil doon din ang tungo mo," ang lalaking tinawag na Santos. Nanghilakbot si Moana. She will be raped, ipatutubos at pag natanggap na ang pera'y saka papatayin.

Muli'y dinaluhong siya ng lalaki at pinaghahawakan ang dibdib habang ang bibig ay halik at kagat ang ginagawa sa katawan niya pababa. Nagdurugo na ang mga labi niya. Gusto niyang maduwal sa ginagawa ng lalaki sa katawan niya. Wala na siyang lakas sa kapupukpok at sabunot dito. Tila hindi iniinda iyon ng lalaki na sa wari'y lalo lamang nahayok.

Nang maramdaman niyang dalawang kamay nitong ibinababa ang panty niya'y tila buong kamalayan niya ang gustong magdilim. Again, she refused to pass out. She has to hang on.

Kasabay ng pagkalubak ng sasakyan ay ang ubos-lakas niyang pagsipa sa lalaki na ikinasadsad nito at tumama ang ulo sa may pinto. Sandali lang ang pagkatumba nito at nang makabango'y inundayan siya ng sunod-sunod na sampal.

"Tama na iyan," ang lalaki sa driver's seat at inihinto ang sasakyan. "Narito na tayo..."

"Tang... na! Nasaktan ako, ah. Napaka-gago mo namang magmaneho!"

"Eh, sa hindi ko nakita ang malaking lubak," katwiran nito. Ipinara nito ang sasakyan sa harap ng isang abandonadong bahay-kubo. Ni hindi matatanaw ang bahay dahil sa nakapaligid na makapal na mga puno at halamang malalago. "Ilabas mo na iyan..."

"Anak ng tokwang... ginaganahan na ako't lahat, eh..." reklamo ni Santos. "Sana'y binagalan mo..." hinablot nito ang kamay ni Moana at hinila. "Tara! Sa kubo natin ituloy ang romansa!"

Pahablot nitong inilabas ng sasakyan ang dalaga na hindi malaman kung paano tatakpan ang kahubaran sa gitna ng malakas na ulan. Tanging punit na T-shirt ang suot at sinikap ipagsalikop. Isang matulis na bagay ang nagpatapilok sa kanya sa paghakbang at napaluhod siya sa lupa. Napahiyaw siya sa matinding sakit.

"Iyan ang hirap sa mayayaman, saksakan ng lampa!" Hiyaw ng lalaki. "Bilisan mo at nababasa na ako!"

Sa pagkabagsak ay hindi sinasadyang nahawakan ng dalaga ang isang matulis na patpat. Naglabasan ang mga ugat niya sa kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa dalawang-dangkal na patpat. At sa kabila ng pagod, ginaw, sakit ng katawan, takot at sindak, ay buo ang loob sa binabalak gawin. Kumuha siya ng lakas sa kamay ng lalaking humihila sa kanya. Ang mga mukhang hilam sa luha at tubig-ulan ay iisang bahagi ng katawan ng lalaki ang nakikita. Kasabay ng pagtayo niya'y buong lakas na isinaksak pataas sa pagitan ng dalawang binti ng lalaki ang patpat.

Nakipag-agawan sa malakas na ulan ang hiyaw ng lalaking nalugmok sa lupa hawak ang harapan. Ang lalaking nauna lang ng ilang hakbang ay agad na lumingon kasabay ng pagpilit ni Moana na makalayo sa lugar na iyon. Inabutan siya ng lalaki at isang malakas na suntok sa sikmura ang tuluyang nagpawala ng malay kay Moana at bumagsak sa nagpuputik na lupa.

"D-dugo!" Sindak na sigaw ng lalaking natusok ni Moana. "T-tulungan mo ako! D-dalhin mo ako sa ospital!"

"Put—! Mahilig ka kasi! Kung hindi mo ba naman—" nahinto sa pagsasalita ang lalaki nang mula sa bukanang daan ay lumitaw ang kotse ni Vince.

Sa kalituhan, agad na binunot ng lalaki ang baril sa beywang at pinaputukan ang parating na sasakyan. Napilitang iliko ng binata ang kotse. Pagkatapos ay mabilis na bumaba at ikinubli ang sarili sa unahan ng sasakyan.

"Anak ng...! Saan galing iyan?" Ang lalaki at hindi malaman kung saan kukubli. Nasa hantad na lugar sila. "Akala ko ba'y—"

"Nag-iisa lang," si Santos na halos hindi makahinga sa matinding sakit ng harapan. Hinugot ang baril sa tagiliran. "At hindi pulis, paputukan mo uli..."

Nang tumaas mula sa likod ng sasakyan si Vince ay iniumang ng lalaki ang baril subalit naunahan ito ng binata. Sa gitna mismo ng dibdib ang tama ng lalaki at walang buhay na bumagsak.

Sindak na nilinga ni Santos ang kasama na humalo ang dugo sa putik at ulan. Muling ibinalik kay Vince ang paningin sabay taas ng kamay upang marahil ay sumigaw ng pagsuko. Subalit nasa kamay na itinaas ang baril at inakala ni Vince na magpapaputok ito. Muling umalingawngaw ang putok mula sa baril ng binata.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Where stories live. Discover now