Chapter 18

53.5K 1.2K 27
                                    

NANG gabing iyon ay bisita niya si Raffy.

"I'm leaving, MM..."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Leaving where?"

Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Kahit saan. Malayo sa mga parents ko. I'll try to make it on my own...nang hindi umaasa sa kanila..."

"But why? Nagkagalit ba kayo ng Papa mo?"

Muling nagkibit ng mga balikat ang binata. "Sort of. Siguro'y tama ang Papa. Walang direksiyon ang buhay ko..." malungkot nitong tinitigan si Moana. "I love you, MM, you know that. Pero alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin. And even if you love me, too, hindi pa rin kita kayang aluking magpakasal. I have nothing to offer you. Aasa din lang ako sa mga magulang ko."

"Hindi ba kita kayang pigilin sa pag-alis mo?" Malungkot niyang sabi.

Umiling ang binata. "I thought it over last night, pagkaalis mo at nang dumating ang Papa at Mama. We had a few arguments. Nothing serious though it made me realize na walang nangyayari sa buhay ko. Magulo sa bahay nang dumating sila, nagiging wild na ang mga kaibigan natin at wala akong maidadahilan. I'm glad na nakaalis ka na..."

"Oh, Raf. I'll miss you..." niyakap niya ito.

Kinabig siya ng binata. "I'll miss you, too. Take care of yourself. Mas magaan ang loob kong umalis dahil nandiyan na uli si Vince. Alam kong hindi ka niya pababayaan. He loves you..."

Hindi niya kinontesta ang huling sinabi nito. Kung ano man ang ibig ipakahulugan ni Raffy doon ay hindi siya interesado. When he kissed her, nagpaubaya siya. The kiss lasted for a few seconds bago siya binitiwan nito.

"Got to go..."

Tumango siya at inihatid ng tanaw ang binatang tumalon sa mababang veranda. Tumalikod siya upang pumasok sa loob nang makitang nakatayo sa may pinto si Vince. Mukhang hindi pa umuuwi. Bagaman nakabukas na ang tatlong butones ng Barong Tagalog.

"K-kanina ka pa riyan?"

"I witnessed the kissing scene, as usual," matabang nitong sinabi.

Nag-init ang mga pisngi niya. "Sumusulpot ka sa mga eksenang hindi kailangan, Vince..." paasik niyang sinabi.

"Seryoso kayong nag-uusap ni Raffy, kasalanan ko bang hindi mo napuna ang pagdating ng sasakyan ko?"

"Kung ang Mommy ang kailangan mo, kanina pa siya tulog. Sinumpong na naman ng asthma."

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng binata. "I need to talk to her, Moana, pero siguro'y bukas na lang. Kung hindi makakapasok ang Tita Adrienne ay ako na ang pupunta dito."

"May problema ba?"

Matagal bago sumagot ang binata. "Nothing serious. Tungkol sa trabaho ko. Kailangan ko pa rin ang tulong ng Mommy mo. Goodnight, Moana..."

"'Night..."

Subalit hindi pa nakakailang hakbang si Vince nang muli siyang lingunin. "May problema ka ba sa pinansiyal, Moana?"

Nagdikit ang mga kilay niya. "Bakit mo tinatanong iyan?"

"Nothing. Just curious. May problema ka ba sa pera?"

"Bakit ako magkakaproblema financially, Vincent?" Naiirita niyang tanong. Hindi niya naiintindihan kung bakit itinatanong ng binata iyon. "And to tell you frankly, hindi sakop ng trabaho mo ang tungkol sa pansarili kong suliranin. Financial or otherwise!"

Matagal siyang tinitigan ng binata bago ito tumalikod. Hinintay niyang makaalis ang sasakyan nito bago siya pumanhik sa itaas.

Papasok na siya sa silid niya nang lumabas sa master's bedroom si Hector.

"Nakita kong dumating si Vince," wika nito. "Ano ang kailangan niya?"

"Ano ang malay ko," paangil niyang sagot. "Nang malamang tulog na ang Mommy ay nagpaalam na."

"So, hindi ikaw ang kailangan niya," ngumisi ito. "At inisip ko pa namang pagkatapos mong makipaghalikan kay Raffy ay kay Vince naman..."

Isang sampal ang dumako sa pisngi ni Hector bago pa ito nakaiwas. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya.

"Slut!" Galit nitong hinatak siya papasok sa sariling silid. Pagkatapos ay isinara ang pinto ng paa.

"Bitiwan mo ako!" Piglas ni Moana. "Sisigaw ako, hayup ka!"

"Sumigaw ka hanggang gusto mo at nang magising si Adrienne at muling atakehin!" Babala nito at pagkuwa'y marahas siyang niyakap at tangkang halikan.

Iniwas niya ang mukha at sa leeg dumapo ang bibig ni Hector. Halos mabasag ang ngipin niya sa galit nang hagkan nito ang leeg niya pababa. Hindi siya nagpumiglas at hinayaan ang lalaki.

"That's better," wika nito habang hinahagkan siya. "I know you will like this, Moana. Bata at walang muwang si Raffy... hindi ka niya kayang paliga——" nakulong sa lalamunan nito ang paghinga kasabay ng pagbitaw sa dalaga at napaupo sa sahig hawak ang harapan.

Si Moana ay patakbong tinungo ang pinto at binuksan ito. "Yaya Seling... Yaya Seling..." tawag niya sa matandang yaya sa tonong lagi niyang ginagamit. Upang kung marinig man ni Adrienne ay hindi ito mag-aalala.

"You'll... pay for this..." paungol na wika ni Hector na nagmamadaling lumabas ng silid niya. Hindi pa ito gaanong nakalalayo nang lumitaw sa may bungad ng hagdan si Yaya Seling.

"May kailangan ka, hija..." nagsalubong ang mga kilay na sinulyapan nito si Hector na paikang lumakad.

Isang pilit na ngiti ang binitiwan niya at sinikap kontrolin ang panginginig ng tinig. "M-magpapakuha sana ako sa inyo ng gatas pero nagbago ang isip ko. Pasensiya na po kayo..."

"Kuu, ang batang ito. Iyon lang, e. Siya, magpapanhik pa rin ako ng mainit na gatas at baka muling magbago ang isip mo," naiiling na muling tumalikod ang matanda.

Isinara ng dalaga ang pinto at ini-lock. Pinakawalan ang sunod-sunod na paghinga sa galit na nararamdaman.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon