Chapter 26

59.6K 1.1K 12
                                    

HUMIHIKBING pinanonood ni Moana ang ina sa ilalim ng oxygen tent mula sa salamin ng ICU. Si Hector ay nasa loob at tahimik na pinagmamasdan ang asawa.

"She's going to make it, sweetheart," si Vince na kinabig ang dalaga sa dibdib nito. "normal na ang paghinga niya bagaman hindi pa nagkakamalay..."

"Hindi ako makapaniwalang hindi alam ng Mommy na walang laman lahat ang sprayer niya? Hindi siya ganoon ka-careless..."

Hindi kumibo ang binata. Ipinagtataka din nito iyon lalo at kamakailan lang ay sinumpong si Adrienne nang hika matapos ang nangyari kay Moana.

"Halika at ihahatid na kita sa inyo," inakay siya ni Vince palabas. "Get some sleep."

Wala siyang lakas para tumanggi. She's physically and emotionally drained. Sa bahay ay inihatid siya ni Vince hanggang sa silid niya.

"Magpalit ka ng pantulog at magpapaakyat ako ng gatas kay Yaya Seling..."

"Don't baby me, Vince," nahahapong wika niya. Bagaman ang totoo'y gusto niyang yakapin ito. Makasama sa buong magdamag and feel safe in his arms.

"But you're my baby, Moana," dinampian siya nito ng halik sa labi but she caught his lips and kissed him back with longing.

Vince groaned inside her mouth. Pagkatapos ay pinakawalan siya. "Hey...hey..." he said raggedly as he stared into her flushed face. "Give me credit for consideration, sweetheart," he said in an amused tone at hinapit siya. "Feel that? Kung ako ang masusunod ay dito ako matutulog. Pero babalik ako ng ospital..." binitiwan siya nito at humakbang na palabas ng silid. Huminto ito sa pinto at nilingon siya. "Sleep tight and dream of me," kinindatan siya nito.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama. She wanted to think what life would be without Vince, kasabay noon ay ang tila basag na kristal na humihiwa sa dibdib niya.

Huminga siya ng malalim kasabay ng pagbuo ng desisyon. She wanted him in her life. At alam niyang mahal siya nito. Anumang uri ng pagmamahal iyo'y tatanggapin niya magkasama lamang sila. And she would be foolish to refuse him.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon