Chapter 6

59.1K 1.2K 30
                                    

WALA sa loob na nag-angat ng ulo si Vince. Mukha ni Moana ang nadapuan niya ng tingin na nakatitig sa kanya mula sa di-kalayuan.

Kanina pa ba siya tinititigan nito?

Hindi niya gustong magbaba ng tingin. Young and yet the kind of face painters loved to paint. At kung hindi myth si Helen of Troy then she must have looked like this girl, a face that launched a thousand ships.

He sighed, binawi ang tingin at tumayo. Dinampot ang management book at lumakad patungo sa building. Sa totoo lang ay hindi sila gaanong magkakilala ng dalagita. But he noticed her everywhere. At karaniwan na'y nakatitig sa kanya.

Unica hija si Moana Marie. Ang ama nito, si Henry Lang, isang Filipino-Chinese, ay ang mismong major stockholder ng textile company sa bayan nila, ganoon din ang San Ignacio Rural Bank kung saan siya nagtatrabaho bilang apprentice.

Maliban kay Mr. Rodrigo dela Serna na isa ring stockholder at manager sa textile mills ay hindi nila kilala ang talagang may-ari ng pabrika hanggang nitong nakaraang taon. Mula sa Amerika'y dumating ng San Ignacio ang mag-anak na Henry at Adrienne Lang kasama ang kaisa-isang anak upang permanenteng manirahan sa San Ignacio.

Maraming maganda at anak-mayaman sa San Ignacio subalit agad na napansin si Moana sa buong campus dahil sa simula'y hindi ito marunong magtagalog. Pangalawa'y tipikal westerner ang dalagita sa kilos at pananamit. Sa unang anim na buwan ng dalagita'y mas malapit ito sa mga kaibigan at kaeskwelang lalaki. Some girls hated her dahil natatakot ang mga itong ang kani-kanilang boyfriend ay maakit ni Moana na siyang nangyari.

Una silang nagkita nito nang minsa'y magtungo ng opisina si Moana at makita siya. And that was last semester, she was even younger. Palabas siya ng silid ni Mr. Lang at sa pagliko sa pasilyo'y di-sinasadyang magkasalubong sila at mabangga niya ito.

"Ouch!" tili ng dalagita na muntik nang matumba kung hindi maagap na nahawakan ni Vince sa braso.

"I'm sorry..." ang sabi ng binata. "Are you all right, kid?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Moana sa pagtawag ng binata sa kanya. Nakalimutang bahagyang nasaktan sa pagkakabangga sa tila pader na dibdib ng lalaki.

"D-do I look like a kid?" Stupid question. She's fifteen, naka-uniporme at naka-pony tail ang buhok.

Lihim na napailing si Vince. These little girls, nagmamadaling magdalaga, tulad din ng kapatid niya. Twelve pero gusto nang hilahin ang mga taon upang tumanda.

"Are you all right, young lady?" Amused nitong pag-ulit.

Wala sa loob na tumango si Moana. Hindi maalis ang mga mata sa mukha ng binata. Si Vince ay binitiwan na siya at tumalikod.

"Hey, wait!"

Nahinto sa paghakbang si Vince at muling niyuko si Moana.

"Yes?"

"Do you work here?" Isang tango ang isinagot ng binata.

Her breath caught in her throat. Ngayon lang niya nakita si Vince nang malapitan. And she was fascinated by his dark brows and eyes. Makakapal na kilay at mga pilik-mata. Mahaba pa yata sa mga pilik niya.

"M-my Dad own this bank," parang loka niyang sinabi. At huli na para bawiin. Hindi dahil gusto niyang ipagyabang iyon pero wala siyang mahagilap na sasabihin. At hindi niya gustong maputol ang pag-uusap nila.

A slow smile spread across Vince's face. "Tell me something I don't know."

"I'm—sorry," aniya. "Nalito mo ako. I couldn't help appreciating your eyes. Unusual para sa isang Pilipino."

Lumapad ang ngiti ng binata. "Ganoon ka kahusay tumingin ng mga mata?"

Ang pagkapahiya niya'y unti-unting natunaw dahil sa ngiti nito, warm and heart-stopping.

"I—I saw you at the campus..." she said.

"Night student," tipid nitong sagot, nakangiti pa rin. "See you, Miss Lang..."

Magmula noon ay lagi na niyang nahuhuling nakatingin ito sa kanya. Wala sa loob siyang umiling. Isiniksik sa isip na desi-seis lamang si Moana.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon