Chapter 8

54.5K 1.2K 5
                                    

Sa bahay na muna ng mga magulang ni Vince tumuloy ang dalawa upang kuhanin ng binata ang owner-jeep ng ama. Iginala ni Moana ang paningin sa kabahayan. Makintab at malinis ang sahig na narra. Antigong narra ang sofa na may solihiyang uway sa gitna. Uncluttered. Walang extrang kasangkapan maliban sa talagang ginagamit. Lahat ay mga matatandang gamit ang naroroon. Marahil ay mga minana pa mula sa mga magulang ng magulang ng binata.

"Ano ang gusto mong inumin?" Tanong nito habang inilalabas mula sa medicine cabinet ang pulang gamot at bulak.

"Just plain water, please..." tinitigan niya ang gamot na hawak ng binata. Inilapag iyon ni Vince sa center table at sandaling pumasok sa kusina. Paglabas ay may dala nang isang basong tubig at inabot sa kanya.

"T-thank you..." uminom siya at halos maubos ang laman ng baso. Inilapag iyon sa mesa.

"Tumalikod ka at titingnan ko ang likod mo at baka nagkasugat," utos nito.

Hindi niya gustong sumunod pero hindi rin niya gustong mag-protesta. Tumalikod siya at itinaas ang blusang uniporme. Tiniis ang embarassment nang mahantad dito ang likod niya at manipis na bra.

"Anak ng...!" Usal ni Vince kasabay ng matalim na paghinga. Mapupulang mga latay ang nasa likod ni Moana. A sudden anger rose inside him para sa gumawa niyon sa dalagita.

Dinampot nito ang bulak at binasa ng gamot na pula. "It's going to hurt like hell, kaya mo ba?"

"H-hindi ako takot sa gamot..." lakas-loob niyang sagot.

"Vince ang pangalan ko," wika nito habang dahan-dahang inilalapit ang bulak sa latay. She stiffened and held her breath nang maramdaman ang hapdi. "Ikaw, ano ang tawag sa iyo?" Sinikap ng binatang mawala sa hapdi ang pansin ng dalagita.

"MM, s-short for Moana Marie..." muli siyang napasinghap and bit her lower lip para hindi mapatili. Naramdaman niya ng hipan ng binata ang likod niya pagkatapos ay ibinaba nito ang blusa.

"Sana'y latay lang iyan at hindi matuloy magsugat or you will have a lot of explaining to do, sweetheart," wika nito na ginulo ang buhok niya na tila siya bata. "Ayusin mo ang sarili mo at tara na. Baka hinahanap ka na sa inyo..." dinampot nito sa bookshelves ang susi ng jeep at nagpatiunang humakbang patungo sa pinto.

Sandaling nanatili sa pagkakaupo si Moana at sinundan ng tingin si Vince. Sweetheart... It probably meant nothing to him pero hindi niya maiwasang hindi ngumiti ng lihim.

"Hey..." si Vince na lumingon.

Dinampot niya ang bagpack at sumunod. Sa sumunod na mga sandali'y walang kibuan ang dalawa sa loob ng jeep hanggang sa makarating sa pinakamaganda at pinakamodernong subdivision sa bayang iyon. Itinuro ni Moana ang kalye patungo sa kanila.

"T-thank you..." aniya dito bago bumaba.

"Anytime," ani Vince. "And Moana Marie..."

Nahinto sa pagbaba sa jeep ang dalagita at lumingon. "Don't try to please anyone. Just be yourself. Alam kong mahirap mag-adjust sa bagong kapaligiran at bagong mga kaibigan. True friends will love you for what you are."

Ngumiti siya at lumitaw ang dimple sa magkabilang pisngi. "Are you my friend now?"

"You bet."

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Where stories live. Discover now