Chapter 13

54.5K 1.1K 26
                                    

GRADUATION.

"Congratulations, darling," si Henry at Adrienne nang tanggapin ni Moana ang medalya bilang salutatorian.

"Thanks, Mom, Dad," nakangiti niyang sagot. Inikot ang mga mata sa karamihan ng tao. Sa halip ay si Katie ang natanaw na palapit. Ang kaibigan ang tumanggap ng karangalan bilang Valedictorian. Kumawala siya at sinalubong ng yakap ito.

"Congratulations!" Sabay nilang bati sa isa't isa.

"Congratulations, hija," si Henry na sumunod at kinamayan ang dalagita.

"Thank you, Sir..."

"Ano ang balak mong kuhanin sa kolehiyo, Katie?" Interesadong tanong ng matandang lalaki. "Pagdating ng panahon ay may posisyong maghihintay sa iyo sa pabrika man o sa bangko, hija..."

"Naku, marami pong salamat, Sir," nakangiting sagot ni Katie. "Pero hindi ko po tiyak kung matutuloy kami sa pagma-migrate sa Canada. Naroon na po kasing lahat ang mga kamag-anak ng Papa."

Hindi pinansin ni Moana ang pag-uusap ng ama at kaibigan. Nakita niya si Vince sa unahang hilera ng upuan kasama ng mga ibang graduates. Akma siyang hihiwalay upang lapitan ito at batiin din nang hawakan siya sa braso ng ama.

"Sa bahay na, hija," sinulyapan nito si Vince. "Nagsisimula na ang pagtawag para sa mga kolehiyo. Ibinilin ko na kay Mr. dela Serna na papuntahin si Vince sa atin mamayang gabi," nilinga nito si Katie. "Please come, Katie. I am giving my daughter a small party. Invite all your friends, MM..."

"Oh, Dad!" Bulalas niya. Hindi niya alam ang sorpresang iyon ng mga magulang.


NANG gabing iyon ay nasa mansion ng mga Lang ang halos buong staff ng San Ignacio Textile Mills at ng bangko. Nagliwanag ang buong lawn sa napakaraming ilaw.

"Some small party, huh?" Natatawang komento ni Katie.

"Yeah. And I'm so happy, Kat. I feel like a debutante."

"Maliban sa absent ang gown at cotillon..." si Raffy. Nagkatawanan ang tatlo at pare-parehong nag-high fives.

Maya-maya'y kinalabit ni Katie si Moana na binati ng ilang empleyado. Nasa gate nakatuon ang mga mata. "Here's your dreamboy," bulong nito. "dashing in old faded blue jeans and white sports shirt. Pasalamat ka at hindi ko type ang older men na ala-Billy Ray Cyrus, no matter how sexy," pagkatapos ay kinanta ang kantang pinasikat ng sensual foreign singer. "Don't break my heart, my achy breaky heart..." sinabayan pa iyon ng dalagita ng sayaw.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Raffy. "Ewan ko ba diyan sa kaibigan mo kung bakit hindi sa akin magka-crush gayong mas guwapo akong di-hamak kay Vince. Matanda na ang lalaking iyan, ah..."

"Shucks!" she made a face bago mabilis na iniwan ang dalawa. Sinalubong si Vince na inikot ang tingin sa paligid. Ang ibang mga empleyadong kilala ang binata ay kinawayan ito. Alanganing gumanti ng ngiti at kaway si Vince.

"A party?" Gulat nitong wika paglapit niya. "Your father invited me here for a party? At... hindi niya sinabi sa akin."

"I was surprised myself," ikinawit niya ang braso sa braso ng binata. "Let's dance..." yakag niya at hinila sa gitna ng dancing floor ang binata.

"I wasn't prepared for this..." napilitang hapitin ni Vince ang dalagita. Isang old song ang nakapailanlang.

"Omigosh!" aniya. Paanong na-squeeze ang kantang iyan sa mga—oh!" hindi na niya tinuloy ang sinasabi. Ang mga magulang niya ang nasa malaking component.

If I loved you

Time and again I would try to say

If I loved you...

Words wouldn't come in an easy way...

Idinikit niya ang mukha sa dibdib ng binata at nilanghap ang cologne nito. Musk.

"That's Dad's favorite song..." bulong niya. "Would you believe I have memorized the lyrics already?" Tumingala siya and sang it along with the tape.

"From the movie Carousel..." sagot ni Vince.

"Yeah. I saw the old video. The man died nang hindi naipaalam sa asawa kung gaano niya kamahal ito. I cried watching it, you know..."

Ngumiti ang binata, nasa mga mata ang tenderness para sa kanya. "Silly you..."

Pomormal si Moana. "The movie really touched me, Vince. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi kailangang itago ko sa dibdib ang damdamin ko para sa isang tao. Baka by the time na gusto kong sabihin sa kanya iyon ay huli na..."

Isang tikhim ang pinakawalan ni Vince.

"And you know what I felt for you," patuloy niya. "I like you, Vince, so much. I know I sound a broken record but I love you already... "

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. Hinapit ang dalagita. Softly kissed her hair.

"You only knew the words, Moana, but you can't even begin to know the meaning of..." bulong nito, painfully. "Years from now, you won't even remember you told me that."

"I don't want to argue you with that. Maybe yes, maybe no," she sounded wise and pleased by herself.

"You're much too young, Moana, and you will always be my sweetheart," he whispered huskily. "Someday, someone will come along. Someone you will really love at pag sumagi sa alaala mo ang bahaging ito ng kabataan mo'y magtatawa ka..." he gave a bitter smile.

She was about to say something nang tapikin ni Rigo dela Serna sa balikat si Vince. Nginitian nito si Moana. "Excuse me, MM, pero ipinatatawag ng Daddy mo si Vince sa library..."

Parehong nagkatinginan ang dalawa. Si Vince ay nagsasalubong ang mga kilay. Wala siyang ideya kung bakit siya kakausapin ni Mr. Lang. At sa nakikita niya sa mukha ni Moana ay natitiyak niyang wala rin itong alam.

Nagpatiuna si Rigo.

"Vince..."

"I'll talk to you later," wika nito at sumunod na sa nakatatandang lalaki.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon