Chapter 4

68.4K 1.3K 24
                                    

Malayo na ang natatakbo ng kotse'y nanatiling walang imikan ang dalawa na lihim namang ipinagpasalamat ng dalaga. Nahihilo siyang talaga dahil sa nainom na alak. Ini-recline niya ang upuan ng bahagya at inihilig ang ulo sa sandalan at ipinikit ang mga mata.

"Tequila," basag ni Vince sa katahimikan sa matabang na tono. Ni hindi siya nilingon. Nanatiling nakatutok ang mga mata sa madilim na daan.

"Wonderful!" sarkastikong linga niya rito. "Nalanghap mo lang sa akin at alam mo na kaagad ang ininom ko. Connoisseur of wine ka na rin ba? Kasama ba iyon sa ipina-master sa iyo ng Daddy?"

"What does that mean, Moana?" marahan ngunit mapanganib nitong tanong.

Huminga siya ng malalim. Ibinaba ang salamin sa bintana ng kotse at hinayaang haplusin ng panggabing hangin ang mukha. "I'm sorry," mahinang wika niya. "No offense meant, Vince. I know you could make it on your own without the company's scholarship. Siguro nga'y nahihilo na ako," dere-deretso niyang sabi.

"Apology accepted but I guess I'll have to talk to Raffy's parents. Hindi dapat nilang pinahintulutang painumin kayo ng—"

"No!" biglang napaangat ang likod ng dalaga mula sa sandalan at nagmulat ng mga mata. "I—I mean...walang alam ang mga magulang ni Raffy tungkol sa pakikialam ko sa bar nila. Kahit si Raffy ay kanina lang nalaman."

"You expect me to believe that?" paismid na wika ng binata. "Wala ang mga magulang ni Raffy. Puro kayo mga kabataan roon at inabutan ko kayo ng boyfriend mo sa hindi magandang tagpo at sa dilim!"

"Vince, maniwala ka, nagsasabi ako ng totoo!" Hindi niya gustong mapagalitan si Raffy ng mga magulang dahil totoong walang kinalaman ito sa pag-inom niya ng alak. "M-mag-isa lang ako kanina at pinanonood ang dagat nang...nang dumating si Raffy..."

"Sinadya mong magtungo sa tabing-dagat dahil alam mong susundan ka niya," tuya nito. "C'mon, Moana, hindi mo kailangang ipagtanggol pati ang boyfriend mo at—"

"Hindi ko boyfriend si Raffy!"

He gave a sarcastic smile bagaman hindi nito inaalis ang mga mata sa daan. "I witnessed the torrid kissing, remember? Alin na lang sa dalawa, nagsisinungaling ka or you're playing with fire, sweetheart..."

"He kis—" hindi niya itinuloy ang isasagot. "Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan. And don't call me that meaningless and useless endearment!"

Nilinga siya nito sandali. Isang buntong-hininga ang pinakawalan. Pinalipas muna ang ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita. "Four years..." banayad nitong sabi. "And you've changed a lot. You've grown into a beautiful woman at normal lang na magkaroon ka ng seryosong relasyon. Hindi tulad noon. And I'm glad it's Raffy. Kilala ko ang batang iyon..."

Umikot ang mga mata niya at ibinagsak ang likod sa sandalan.

"Hello, Mr. Vince Saavedra? Nice to see you back. It's been four long years. How have you been? I missed you, you know. Did you miss me too?" patuya at tuloy-tuloy niyang sinabi.

Nagpreno ang binata at nilingon siya. Opened his mouth to say something then closed it again. Twisted the corner of his lips in a smile and then gave a shout of laughter.

Nakasimangot niyang ipinagkurus ang mga braso sa dibdib. Hinarap siya ni Vince at nakatawa pa ring kinabig siya patungo sa dibdib nito.

"I got the message," he whispered smiling. "I'm sorry..."

"You should be," kumawala siya mula rito. Hindi siya niyakap ni Vince sa paraang gusto niyang gawin nito. Para dito'y siya pa rin ang fifteen-year-old girl na lagi na lang nitong pino-protektahan. "Apat na taon kang nawala. No letters, no phone calls, no nothing—"

"That's unfair. Nag-overseas ako nang mag-asawa ang Tita Adrienne," nangingiti nitong sinabi.

"All right, one phone call sa loob ng apat na taon," naiiritang pahinuhod niya. "Then out of the blue, bigla kang nagbalik, and here you are, back to being the big brother image."

Muling pinatakbo ng binata ang sasakyan. Sandali siyang nilingon. "Old habits are hard to die, don't they?"

"I'm not a young girl anymore, Vince..." itinuon niya ang paningin sa karimlan.

"Yeah," he whispered to himself. Iyon lang at hindi na muling nagsalita at nag-concentrate sa daan. And she wanted him so much to talk. About him, about her. And for the life of her, hindi niya makuhang magsimula ng usapan na tulad noong araw.

Makalipas ang ilang sandali pa'y nasa harapan na sila ng mansion.

Bago pa nakababa si Vince ay nabuksan na niya ang pinto sa tabi niya at bumaba. Sumunod ang binata at inihatid siya hanggang sa may portico. Huminto siya at humarap dito. Hinawakan sa lapel ng polo at doon din nakatuon ang mga mata.

"Hindi ko boyfriend si Raffy," pabulong niyang sinabi. Narinig niyang bahagyang tumikhim ang binata. "Hinalikan niya ako dahil nagalit siya nang linawin ko ang relasyon namin...bilang magkaibigan. At nagpapasalamat akong dumating ka. I wouldn't know how to handle him," she explained idiotically. Nang hindi pa rin sumasagot si Vince ay idinagdag niya: "And I missed you so much."

"When did the braces go?" finally ay nagsalita ang binata kasabay ng paghawak sa baba niya at itinaas.

"Braces?" Sandaling nagsalubong ang mga kilay ng dalaga, then rolled her tongue around the back of her teeth. Tumiim ang mukha ni Vince at matalim na huminga. Then a smile spread across her face. "Oh, yes. I can't remember when, big guy. What comes to my mind at this minute ay iyong sinabi mo..." sinalubong niya ng tingin ang nagtatanong na mga mata ng binata. "You said you don't kiss little girls with braces..."

"Oh."

"I'm not a little girl anymore, Vince, and my braces are gone," she challenged and raised her chin. Isang pilyang ngiti ang nakatago sa mga mata niya.

She saw something in his eyes and for a fleeting moment ay inakala niyang hahagkan siya nito. Subalit pinakawalan ni Vince ang mukha niya. Took a sigh at kinuha ang susi sa kamay niya at mabilis na humakbang patungo sa pinto at ito na ang nag-susi at itinulak pabukas ang pinto.

"Goodnight, Moana," wika nito sa pormal na tono.

Humakbang siya patungo sa entrada. Huminto sa mismong harap ng binata.

"Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa iyo, Vince," wika niya sa nagbabagang mga mata. "Kung hindi dahil sa mga naging girlfriends mo noong araw na wala nang ginawa kundi ang ipagyabang ang affair nila sa iyo ay baka isipin kong bakla ka!"

Nag-isang linya ang mga mata ni Vince. "I'll pretend you didn't say that, Moana, at na iyan ang epekto ng tequila."

"Yeah," she hissed. Ilang beses na ba siyang tinanggihan ng lalaking ito. "Keep on pretending," itinuro niya ng daliri ang dibdib nito. "as my self-appointed big brother at na hindi ka naapektuhan sa akin. Hypocrite!" pagkasabi noo'y pumasok siya sa malaking pinto at pabagsak itong isinara.

Sandaling itinulos sa pagkakatayo ang binata. Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan at tumingala sa madilim na kalangitan.

Sa silid niya sa itaas ay sumilip sa bintana si Moana at inaaninag sa dilim ang papalayong sasakyan.

"Vince..." usal niya. Marahang ibinaba ang siwang sa blinds. Isinandal ang sarili sa dingding kasabay ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon