Chapter 15

54K 1.1K 12
                                    

"VINCE..." muling usal ng dalaga habang nakatitig sa kisame ng silid niya.

Four years. She even thought na marahil ay sinusulatan ni Vince si Veron. Subalit makalipas ang isang taon ay nabalitaan niyang ikinasal si Veron kay Joey at sa kabilang bayan na naninirahan ang dalawa.

Sinulyapan niya ang isang music box sa tabi ng lampshade niya. Gaano na ba katagal iyong nakalagay doon? Tatlong taon ba? Inabot niya iyon at pinihit ang susian at saka muling inilapag.

Umikot ang mumunting figure na nagsasayaw. Isang babae at lalaki kasabay ng tugtuging nagmumula sa music box. If I loved You. Sa kabila ng galit niya kay Vince ay hindi niya magawang itapon ang regalo nitong ipinadala mula sa Amerika. Perhaps he really had a hard time looking for the right gift that would make her remember him.

Nang tanggapin niya ang regalong iyon ay sandaling nawaglit ang sama ng loob niya rito. Sama ng loob na nadagdagan sa paglipas ng mga taon dahil hindi nito sinasagot ang mga sulat niya. At ang pinakamatindi sa lahat ay nang sulatan niya ito tungkol kay Adrienne. Iyon ang pinaka-trying times niya mula nang mamatay ama, ang pag-aasawang muli ng mommy niya.

"Hi, Toni," bati niya sa sekretarya ng ina. "Nandiyan ba ang Mommy, ipakikita ko lang itong report ko," at bago pa nakasagot ang sekretarya'y tuloy-tuloy siya sa pagpihit ng seradura ng ina para lamang manlaki at masindak sa nabungaran.

"Mommy!"

Mabilis na kumawala mula sa mga bisig ni Hector Francia si Adrienne. Lumatay ang guilt at pagkapahiya sa mukha. Si Hector ay kalmanteng lumakad pabalik sa visitor's chair at naupo.

"A-ano ang ibig sabihin nito, Mom?" Magkahalong galit at pagkamangha ang nasa tinig niya. Hindi na naisip na bukas pa ang pinto ng silid ng ina at naririnig at nakikita sila ng mga empleyado ng bangko.

"M-Moana, hija..." si Adrienne na hindi makatingin ng deretso sa anak.

Inabot ni Hector ang sigarilyo sa mesa at nagsindi. Matapos magbuga ng usok ay nilingon si Adrienne. "Why don't you tell your daughter about us, Adrienne..."

"Hector, please. There's nothing to tell." Pakiusap nito sa lalaki.

"Ano ang dapat sabihin, Mommy?" Ang galit sa dibdib ay nahaluan na ng matinding kaba.

"Your mother and I are getting married, Moana," ani Hector bago pa nakapagbuka ng bibig si Adrienne, na hindi rin inaasahang sasabihin ni Hector iyon.

"N-no! No!" Mabilis siyang tumakbong palayo sa silid ng ina. Ang ibang mga empleyado'y sinusundan siya ng nakikisimpatiyang tingin.

Wala siyang nagawa kundi ang mag-iiyak. Kung wala sa tabi niya si Raffy ay baka kung ano na ang naisip niyang gawin.

"Please, MM, you will make yourself ill. Wala tayong magagawa kung gustong mag-asawa uli ng Mommy mo. She's only forty four at maganda. At may pangangailangang—"

"Pero bakit sa Hector na iyon, Raffy? I hated him. My Dad didn't like him!" Halos pahiyaw niyang sambit. "Una niya akong niligawan at nananayo ang balahibo ko sa tuwing lalapitan niya ako. Pagkatapos ay heto at pakakasal sila ng Mommy!"

Si Hector Francia, thirty four years old, at siyang pumalit sa puwesto ng ama nito. Ang matandang accounting manager ng bangko ay nag-resign nang magkasakit at di nagtagal ay namatay. At dahil na rin sa matagal na paglilingkuran ng matanda ay kinonsidera ni Henry Lang si Hector bilang kahalili. Sa pagkakaalam nila'y sa Maynila dating nagtatrabaho ang lalaki.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Raffy. "And I don't like him either, MM. Pero desisyon ng Mommy mo iyon. At mayroon siyang sariling buhay at pangangailangan..."

"And I thought she loved Daddy so much..." pahikbi niyang sinabi.

Isinulat niya kay Vince ang bagay na iyon. She received an overseas call from him. But she was so disappointed dahil bukod sa ilang minuto lang silang nag-usap ay hindi niya narinig dito ang inaasahan niya.

Makalipas lang ang dalawang linggo ay isang civil wedding ang ginanap sa pagitan ni Hector at Adrienne. Ni hindi sinaksihan ni Moana iyon. Nasa bahay siya ni Captain Saavedra nagpalipas ng maghapon. At kung hindi pa nito ipinilit na ihatid siya nang malapit nang gumabi'y mas nanaisin pa niyang manatili sa bahay nito kasama ang bunsong kapatid na babae ni Vince.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon