Chapter 25

61.7K 1.1K 27
                                    

MADILIM na nang lisanin nila ang kubo. Wala silang imikan sa loob ng kotse pauwi. Si Moana'y nagpapasalamat sa katahimikan. Itinuon ang paningin sa karimlan sa labas. They made love. Para sa kanya'y it was a fantasy come true. Tuluyan ng pinawi noon ang bangungot na ginawa ng mga kidnappers niya. Natitiyak niyang sa mga susunod na gabi ng buhay niya'y ang alaala ng nangyari sa kubo ang pupuno sa isipan niya.

At hindi niya pinagsisihan ang nangyari. The pleasure outweighed the pain. Ipinagkaloob sa kanya ni Vince iyon sa ikalawang pag-angkin nito sa katawan niya. Ipinagsalikop niya ang braso sa katawan sa kaisipang iyon. Strange that she felt so aroused again by the mere thought.

Inabot ni Vince ang control ng aircon sa kotse at hininaan iyon. "You're cold."

"A—little," she lied.

Muling namagitan ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa mansion.

Nilinga ni Moana si Vince. "T-thank you..."

Ngumiti ang binata. "Para saan?"

"F-for taking me home, of course."

Inabot siya ng binata at kinabig. Hinagkan sa noo. "I'll marry you..." wika nito na inabot ang door handle. "Let's get inside and talk to your—"

"No."

Nagsalubong ang mga kilay ni Vince sa monosyllabic na iyon. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"You don't have to propose marriage dahil lang sa nangyari kanina."

"Sino ang nagsabing nagpo-proposed ako?"

Nagdikit ang mga kilay niya roon. "Sinabi mo lang."

"I said I'll marry you. I wasn't proposing, It was a statement and you cannot contest a statement, Moana." Nahihimigan niya ang amusement sa tinig nito bagaman mariin ang pagkasabi. "I'll talk to your mother and tell her about us."

"No." Ulit niya. "Kung anuman ang motibo mo sa pagdadala sa akin doon, it was served. I'm sure there will be no more nightmares at nagpapasalamat ako sa iyo. But marriage is out of the question," determinadong sabi niya.

"Moana," nagbabanta ang tinig nito.

"No, Vince. Hindi kasama sa pantasya ko mula pa noon ang kasal. I had this stupid crush on you since I was fifteen. I was curious for my first real kiss and wanted it to be you. Now, I'm more than satisfied," binuksan niya ang pinto. "Goodbye, Vince..."

"Damn you," he gritted his teeth at marahas na inabot ang braso ng dalaga. "Something special happened between us, Moana, huwag mong itanggi iyon. And there was always this special thing between us way back then...at nagkaroon iyon ng katuparan kanina. And I will marry you, period!"

She smiled bitterly at pinakawalan ang braso. "People don't marry because they felt something special for each other. Raffy was special but I didn't want to marry him just as I don't want to marry you."

"All right," he snapped at pinakawalan ang braso niya. "Pag nagbago ang isip mo ay sabihin mo sa akin dahil hindi mo na maririnig sa akin iyan!"

She frowned. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"There will be no more statement or proposal, whatever!" naiirita nitong sabi. "At least, iyong magmumula sa akin. If you want to marry me, ask me, propose to me!"

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Pero hindi magkapuwang sa dibdib niya ang humor ng sinasabi ng binata. Tinalikuran niya ito at lumakad patungo sa bahay. Naririnig pa niya ang malakas na rebolusyon ng sasakyan nito.

Damn him to hell pero hindi niya kailangan ang kasal ng dahil sa obligasyon! Kung inalok ni Vince iyon bago nangyari ang pagtatangka sa kanya ay baka ipagsigawan niya sa mundo ang kaligayahan.

Sa may hagdan ay nasalubong niya si Hector na nakangisi. "Saan kayo nanggaling ng lo—ni Vince, Moana," biglang nag-iba ang tono nito. "Hindi ka pa lubusang magaling, hija..."

Naningkit ang mga mata niya. "Get out of my way!" At nilampasan niya ito. Sa itaas ay naroon si Adrienne. Nagdududang nilingon niya si Hector na tila maamong tupa.

"Kumain ka na ba, Moana?" Si Adrienne.

"Hindi ako nagugutom, Mommy," tuloy-tuloy siya sa pasilyo patungo sa silid niya. "Matutulog na ako. Goodnight..."

Si Hector na pumanhik ay inakbayan ang asawa at inakay sa silid. "Huwag mo nang pansinin ang anak mo, darling. Nasanay na ako sa masamang pakikitungo niya sa akin. Magsasawa din iyan," hinagkan nito sa batok si Adrienne kasabay ng pagsara ng pinto. "I want you, Adrienne..." inakay nito ang babae sa may kama.

"P-please, Hector..." iniwas niya ang mukha. "A-alam mo ang sinabi ng doktor."

"Ikaw ang nakakaalam ng katawan mo, darling," patuloy ng lalaki. Dinadama ang maseselang bahagi ng katawan ng babae na bagaman tumatanggi ay unti-unting naapektuhan.

Patuloy sa paghalik si Hector at bumaba sa dibdib ng asawa ang mga labi at nagtagal roon. Ang isang kamay ay nasa ibaba ng tiyan ni Adrienne at humahaplos.

"H-Hector..." hinabol ni Adrienne ang paghinga, sunod-sunod na tila nalulunod. Patuloy si Hector sa ginagawa, mariing hinagkan sa mga labi ang asawa. Nagpumiglas si Adrienne at pilit itinutulak ang asawa. Kinakapos na siya ng paghinga. Ilang sandali ang pinalipas ni Hector bago pinakawalan si Adrienne na naupos sa mga bisig nito patungo sa kama.

"A-Adrienne?"

"Hmnghh...hnnghh..." she flared her nose trying to breath. "A-ang... s-spray ko, Hector..." inabot nito ang drawer sa night table at binuksan. Hirap na kinapa roon ang sprayer. Nahagip iyon ng kamay at dinampot at ini-spray sa bibig subalit walang laman. "S-sa tokador...may isa roon..." utos nito sa asawa.

Sumunod si Hector at kinuha mula roon ang asthma sprayer. Nagmadaling ibinigay sa asawa. Subalit tulad ng isa'y wala rin itong laman.

"You must have consumed them, Adrienne..."

"S-sa...ibaba...hngghh...sa l-library..." hirap na utos nito at hawak-hawak ang dibdib.

Atubiling lumabas si Hector. Nilinga ang tahimik na pasilyo. Nasa kusinang tiyak ang lahat ng katulong at naghahapunan. Lumabas ng silid at isinara ang pinto.

Si Moana na nakadama ng gutom ay lumabas ng silid. Nahagip pa ng tanaw ang likod ni Hector bago bumaba. Nasa tapat na siya ng pinto ng mag-asawa nang may bumagsak na tila nabasag.

"Mommy?" Pinihit niya ang seradura at nanlaki ang mga mata nang makitang nakahandusay sa sahig si Adrienne katabi ang natabig na lampshade at pigurin. Nakadilat ang mga mata. "Mommy!"

Patakbong lumabas uli ang dalaga at sumigaw. "Yaya Seling! Yaya!" Pagkatapos ay tumakbo sa sariling silid at kinuha mula sa drawer ng tokador ang sprayer ng ina na sadyang nakakalat sa buong bahay. Patakbo ring nagbalik sa loob at nakasalubong ang matandang babae at si Hector.

"Ano ang nangyari kay Adrienne," ibinalya ni Hector ang pinto. "Oh, god!"

"Yaya Seling, tawagan n'yo agad si Vince. Nasa daan pa siya, dali!" Nagpa-panic niyang sinabi. Lumuhod sa tabi ng ina at ini-spray dito ang gamot. "Mommy...please...!" umiiyak niyang itinapat sa bibig nito ang sprayer. "Mommy, please breath..."

"Walang laman lahat ang sprayer niya nang atakehen siya," si Hector. "Inutusan niya akong bumaba at baka may laman ang nasa library pero wala na ring laman ito..."

"Mommy..."

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon