Chapter 11

52.2K 1.1K 7
                                    

LUNES. Wala na siyang klase at pauwi na subalit naisip na bumili muna ng softdrink sa canteen. Palabas na siya nang makitang papasok ng canteen si Vince at Veron. Si Veron ay nakakapit sa braso ng binata na tila makakawala ito. Her young heart couldn't take the sight of them.

Minabuti niyang sa kabilang exit lumabas subalit nakita na siya ng binata.

"Hi. Wala pa ba ang sundo mo?" Wika nito na huminto sa tapat niya. Si Veron ay matalim na huminga at ipinagkurus ang mga braso sa dibdib.

Pero hindi siya sumagot, ni hindi rin niya tiningnan ang lalaki. Nilampasan ito at tuloy-tuloy na lumabas.

"Moana," akma itong hahabol subalit nahawakan ni Veron sa braso.

"Vince, akala ko ba'y nagugutom ka kaya mo ako niyaya dito sa canteen..." hinila nito ang binata patungo sa counter.

Nagpahinuhod si Vince pero mula sa salamin ng canteen ay sinundan ng tanaw si Moana patungo sa gate.

"Alam mo, mas gusto kong isiping girlfriend mo ang batang iyon kaysa sa akin." Naiiritang sabi nito.

"Bata. You're right," tiim-bagang nitong sagot. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit lagi mo na lang ginagawang issue ang closeness namin ni Moana."

"Paano lagi mong kinukunsinti ang spoiled brat na iyon. Tingnan mo nga, tinanong mo lang kung dumating na ang sundo, ni hindi ka tiningnan at—" biglang nagsalubong ang mga kilay ng dalaga as realization dawned. "Yess..." anito na may kasamang panunuya. "Come to think of it, nakasimangot ang babaeng iyon sa tuwing nakikita niya tayong magkasama. Nagseselos siya, Vince!"

Hindi sumagot si Vince. Inabot ang canned softdrink sa cooler at muling tinapunan ng tingin ang daan patungo sa gate pero hindi na nito nakita si Moana.

Si Veron ay malakas na tumawa. "Oh, boy, that girl had a crush on you, Vince..."

"Shut up, Veron!" babala ng binata.

Pero hindi mapigil sa pagkaaliw ang dalaga na may kasamang pagtuya. "And look at that... nagsawa na siguro sa mga kasing-edad niya at ikaw naman ang napagtuunan ng pansin. Knowing her, she'll try her best para akitin ka. Poor little rich girl," umiiling nitong wika, still smiling. "or shall I say poor little flirt..."

Halos pahagis na ibinalik ni Vince sa cooler ang lata ng softdrink. "I've lost my appetite," naningkit ang mga matang wika nito at lumabas ng canteen. Naiwang nagngingitngit si Veron.

"Watch out, Veron," si Joey na tinapik sa balikat ang dalaga. "Alam mo naman ang reputasyon ni Moana sa campus. And no one can resist her. Bukod sa talaga namang maganda'y super-yaman pa. At ang boyfriend mo'y sa bangko ni Mr. Henry Lang nagta-trabaho."

"Huwag kang demonyo, Joey!" Galit nitong baling sa binata. "What can a sixteen-year old do? I know Vince, hindi niya papatulan iyon," at padabog na lumabas ng canteen ang dalaga.

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon