CHAPTER 09

41.8K 1.4K 62
                                    

Ash Primo McKnight

Ace's POV

Binuksan ko ang pintuan at naunang pumasok. Agad naman silang sumunod.

"So, why are we here? In the infirmary? Sinong may sakit?" tanong ni Ash.

Humarap ako sa kaniya bago lumingon sa nakahigang babae.

Bumagsak din ang tingin niya sa babae at napaatras. Now, naramdaman din niya ang naramdaman namin noong una namin siyang nakita. So pati siya.

"W-Woah? Who is she?" puno ng kuryusidad na tanong niya.

"Fiona Renee Evergreen," maikling sagot ko.

"Evergreen? Hmm." aniya. "What's with her? She seems... dangerous," nag-aalinlangan niyang dugtong.

"That's why you're here. You need to know who and what she is, and know what her seal is," pahayag ko.

Kating-kati na akong makilala ang babaeng ito. I don't know her at hanggang hindi namin alam kung sino siya ay hindi kami safe. By the looks of her, she looks powerful... and dangerous.

"May seal siya? Where? Let me see," aniya.

Lumapit siya sa babae at nakita niya nang malapitan ang seal.

"What is this?" wala sa sarili niyang tanong at tinrace ang seal ngunit agad siyang napatigil nang mapaso siya.

"She's weird," komento niya at pinakatitigan ang seal ng babae.

"Alam mo ba ang seal na iyan?" tanong ko.

"I don't exactly know." sagot niya at nilingon ako.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Her seal looks like a Royal vampires' seal pero may naiba, kaya hindi ako sigurado kung bampira ba talaga siya," paliwanag ko.

Tumango lamang siya. "What if bampira talaga siya?" tanong niya.

"It's either we'll kill or train her. It depends," balewala kong sagot.

"Are you sure? Don't you think that it's a crimen?"

Nilingon ko siya. "Of course! And excuse me, brother. I am not a criminal. Who knows, iyang babaeng iyan ang kriminal."

Nagkibit balikat lamang siya at may kinuha sa bag niya. "I have here the books. Pag-aaralan ko muna siya. Hindi ko alam kung ano siya. But first, dito muna siya. Hangga't wala tayong alam tungkol sa kaniya, hindi natin siya pwedeng saktan."

Tumango kaming lahat. Bakit ba kasi dumating pa ang babaeng ito rito? Dagdag problema lang siya e.

"I'll just go to the library. I'll start reading, baka may mahalungkat pa ako tungkol sa seal niya," ani Ash.

Tumango ako. "Thanks, man."

"Anything for my brother," sabi niya at nilingon saglit ang babae bago lumabas na.

Tahimik kaming nakatingin sa babaeng walang malay at parang anghel lang na natutulog.

"Pero ang ganda niya, 'no?" biglang imik ni Blake.

Sinamaan ko siya ng tingin.

———

Ash's POV

Paglabas ko sa kwarto ay huminga ako nang malalim.

"Hoh! That was... intense," bulong ko sa sarili.

"Now, let me go to the business."

Pagpasok ko sa library ay pumwesto ako sa pinakasulok ng room, my usual place. Medyo nagulat pa nga ang ibang studyante na nandito nang makita ako, pati ang librarian ay hindi makapaniwala. Well, I understand. Ilang taon na rin noong last akong nakabisita rito. I was—no, I am busy exploring the different worlds. And so far, ang interesting na mundo ay ang Witchery World.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon