The Escape
Fiona's POV
“Bilisan niyo, baka mahuli tayo," mahinang sambit ni Blake.
“Wait lang naman," pabulong naman na sagot ni Brieve.
Ewan ko lang kung anong nakain nila pero hindi pa nga sumisikat ang araw ay ginising na nila ako. Buti nalang talaga naka-proper pantulog attire ako kagabi.
“Ano ba kasing nakain niyo at naisipan niyong tumakas sa Academy? Anong meron?" natatawa kong tanong.
Ngumisi lang silang lahat. Aba, ningisihan lang ako ng mga loko.
“Wag niyo akong ngisi-ngisihan ah!" biro ko sa galit na tono.
Lumapit si Blake sa akin at inakbayan ako.
“Don't worry, binibining Fiona. Hangga't nasa puder ka namin, walang mangyayaring masama sa ‘yo," nakangisi niyang sabi.
“Che!" sabi ko at pabiro siyang siniko.
“Dude, fuck off," biglang turan ni Ash.
Natatawang lumayo sa akin si Blake at si Sophia na naman ang inakbayan.
“H'wag mo ‘kong maakbay-akbayan, Blake. Masasampal talaga kita," ani Sophia.
“Bakit ba ang init ng ulo niyo sa ‘kin?" kunwaring nagtatampong tanong ni Blake.
“Hindi, Blake. Ganito ka lang talaga namin kamahal," sagot ni Brieve at tinapik siya sa balikat.
“May tao ba d'yan?" narinig naming sigaw ni kuyang man in black.
Nagkatinginan kaming lahat sabay takbo. It felt like there was a big wild creature chasing us because the adrenaline rush was present. Tumatawa kaming tumatakbo kaya mas kinapos kami nang hininga. Pero parang wala lang ito kay Brieve. I almost forgot na air Pouvoirer pala siya kaya wala siyang problema sa hangin.
“Oh, c'mon, Brieve! No using of pouvoir!" reklamo ni Ash.
Ningisihan lamang siya ni Bri at nagpatuloy sa pagtakbo, until we reached the opening of the town.
“That was epic!" tumatawang sigaw ni Sophia.
Natatawang umiling na lamang kami at tumingin sa harapan namin.
“WELCOME TO MAGIC WORLD'S TOWN! WHOOP! WHOOP!" sigaw ni Blake at sumayaw-sayaw at biglang tumakbo.
Natatawang sumunod na lang kami sa kaniya. Halatang masyado siyang excited.
We are wearing a disguise para hindi kami makilala. Mahirap na, ayaw naming masira ang araw na ito.
Una naming pinuntahan ang tyangge ng lungsod. Kahit hindi pa sumisikat ang araw, aligaga at gising na gising ang diwa ng mga tao rito.
Bigla ko tuloy'ng naalala si Nica. Nilingon ko ang pwesto niya noon ngunit wala siya doon. Iba na ang nagtitinda.
“May souvenir shop doon. Tara!" sigaw ni Sophia at hinila ang kamay ko.
“Oh, oh! Wait lang, h'wag excited," natatawang ani ko. Nilingon ko rin ang iba at sinabing sumunod sa amin.
Pamasok kami sa loob at tiningnan ang mga binibenta nila.
“Eto, oh! Couple bracelet," saad ni Sophia at pinakita sa amin ang simple na kulay blue at pink na bracelet.
“Akin ang pink, girl," sabi ni Blake at umaktong bakla.
“Sige, bro. Eto oh, sayo na," sagot naman ni Sophia at pinabuo ang boses niya para magboses lalake.
Sinuot nila ang bracelet kahit hindi pa bayad. Tsk tsk. Mga trip talaga nila.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Red-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED | SELF-PUBLISHED "And you're from?" "Earth, of course!" natatawa kong sagot. Natawa lamang siya sa sagot ako. "Specific, iha. Sa Witchery World ka ba galing?" And that caught my attention. I stared at her blankly before blinking a few time...