CHAPTER 02

55.8K 1.6K 48
                                    

Hoodie Man

Fiona's POV

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Tapos na ang day off ko kahapon kaya dapat ay magtrabaho ako ngayon, lalo na't ako lang mag-isa. Less gastos man, less income naman dahil wala na akong kasama sa pagtra-trabaho. Ako ang naglilinis sa baboyan nina Madam Marie— siya ay mabait at ang tinuturing kong ina, kasama ko siya mula pagkabata at tinulungan niya akong mabuhay— which is may 200 pesos akong nakukuha. Honestly, 200 pesos is merely enough. Sa kuryente pa lamang at iba pang gastusin ay wala na. But I need to be patient, and besides, I am used to this world... I belong here.

Pakatapos maligo sa at isuot ang nag-iisang matino kong damit; a black V neck shirt and a fitted jeans, ay pumunta na ako sa bahay ni Madam Marie.

As I was walking, Samuel— a gay make-up artist— approached me.

"Fiona," panimula niya.

Tumigil ako sa paglalakad at bumuntong-hininga. "Hi, Sammy," sabi ko at pilit na ngumiti.

"Sana napag-isipan mo na ang alok ko sa 'yo noong isang linggo," aniya.

I stared at her. I remembered how she approached me last week and offer me this, I think, stupid offer. "I— I—" I can't. I don't want to. I will not. Pero hindi ko iyon alam kung paano sabihin na hindi siya mao-offend.

"Please, Fion. Alam mo namang isa ka sa pinakamaganda rito e. There's a big possibility na manalo tayo sa beauty pageant na iyon. Please, give it a chance," pagsusumamo niya at pinaglapat pa ang dalawa niyang kamay. Yes. He offered me to join a beauty pageant which will be held in the city. Stupid, right?

"P-Pero—"

"Fiona, please... Ako na bahala sa lahat. Just say yes."

It's funny to think na para siyang manliligaw ko na pinipilit akong pasagutin. But just like what I believe, no one can force someone's feeling. They don't have the right. It is not good. She can't force me.

"I'm sorry. Hindi talaga para sa akin ang pageant pageant na iyan," sabi ko nalang at lumakad na. Rinig ko pa ang pagmumura niya at reklamo niya. Tss. People.

Kalauna'y nakarating na ako sa bahay ni Madam Marie at dumiretso sa likod ng bahay nila. Binati ko pa ang hardinero nila, si Mang Gilbert, at kinuha ang hose at walis tingting.

"Okay! Ready to go!" bulong ko sa sarili at sinimulan ng maglinis.

----

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang biglang dumating si Madam at tiningnan ako.

"Madam, may kailangan ka po ba? Patapos na po ito," ani ko.

Umiling siya at medyo lumapit sa akin. "Fiona..." medyo nag-aalinlangan niyang tawag sa akin.

Huminto ako sa paglilinis at hinarap siya. "Po?" sagot ko.

Huminga muna siyang malalim. I can conclude that it's a bad news, and I'm starting to hate it.

"It's important." How she acts right now, mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

"Hindi ka na makakapagtrabaho ulit dito," malungkot na anunsyo niya.

Napanganga ako at umiling.

"Bakit po?" tanong ko. "May nangyari po ba?"

Umiling siya. "Binenta ko na ang mga baboy ko. Iba na ang may-aari nito. Sorry, iha. Kailangan ko kasi ng pera."

Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kaniya. Tumalikod ako at tumingala upang pigilan ang luha ko. T-This... This is...

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon