CHAPTER 25

36.6K 1.2K 31
                                    

Brown Eyes

Fiona's POV

The training with Ace went well. Well, except for the fact that he almost killed me. After the training, I decided to unwind.

I was busy punching the punching bag. Nandito ako ngayon sa gym ng academy at naisipang magpalipas ng oras dito.

Huling araw ko na bago makipag-duel bukas. I need more strength. Kaya kahit medyo maraming tao ngayon sa gym ay naisipan ko pa ring magself-training. Walang kwenta training ko kasama si Ace e. 

Hindi maipagkakailang nakakaagaw na ako ng atensyon ngayon dahil sa lakas ng mga suntok ko sa punching bag na para bang gigil na gigil ako.

Pinagpapawisan na rin ako at hinihingal ngunit patuloy pa rin ako sa pagsuntok. I am wearing a black leggings and a black sports bra at rubber shoes. Hindi ko kinakahiya ang aking katawan dahil sa tagal nang pamumuhay ko ng mag-isa at dahil sanay na ako sa mabibigat na trabaho, nagkaroon ako ng curves at magandang katawan.

Nahinto lang ako sa pagsuntok nang biglang bumagsak ang punching bag at sirang sira na ito. Napangiti ako. I did it. 

Hinubad ko ang gloves at kinuha ang tubig na hawak-hawak ni Mr. Trainer na kasalukuyang nakanganga. Tinunga ko ang laman nito at binigay ulit sa kaniya ang walang laman na bottle. Hinawakan ko ang panga ni Mr. Trainer at sinarado ang nakanganga niyang bibig dahilan upang mabalik siya sa kasalukuyan.

I smirked. "Baka kasi pasukan ng lamok."

Bumaba ako sa ring at agad naman nila akong binigyan ng daan. I can feel her keen eyes on me pero hindi ko ito pinansin at umaktong hindi ko alam na pinagmamasdan niya ako.

Kahit sagabal ang buhok ko, hindi ko pa rin ito nilugay dahil sa marka ni Ash. It's not that kinakahiya ko ito pero I want to surprise them. I have plans.

Hinintay kong unti-unting maubos ang mga tao sa loob ng gym. Prente lamang akong nakaupo sa gilid at hayaan siyang titigan ako.

Agad akong umiwas nang bumalusok papunta sa akin ang isang dagger.

Halatang gulat ang kakaunting taong natitira sa biglaang aksyon kong ito pero halatang nalilito rin sila kung saan nanggaling ang dagger na iyon dahil nilingon nila ang paligid. Nakayuko lamang ako at hindi sila pinansin.

Ramdam ko ang nagbabadya niyang atake. Ha! Wanna play, huh?

Sunod-sunod na daggers ang lumipad papunta sa akin at akin namang iniiwasan.

Nagsisimula nang magpanic ang iba at agad na umalis sa gym.

"Miss Fiona! Umalis na tayo dito! Delikado!" sigaw ni Mr. Trainer.

Umiling ako. "Nah. I'm fine. You go first," balewala kong sinabi.

Kahit nag-aalinlangan ay umalis din siya. Hanggang sa ako nalang mag-isa ang natira sa loob. Ops. No, may kasama pala ako.

"Invisibity, huh?" nakangisi kong sambit.

Ramdam ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Kalauna'y nagpakita siya at nakangisi ngunit nanatili akong nakayuko.

"You're good, Ms. Vampire girl" turan niya.

Umiling ako. "Uh-ha. I'm better," sagot ko at dahan-dahan siyang nilingon.

Nang mag-abot ang aming mga mata ay napaatras siya.

"Hi, Ms. Headmistress," bati ko sa kaniya.

"T-Those— red e-eyes..." utal niyang sambit.

Mas napangisi ako. "Why?"

"Akala ko ba alam mong bampira ako?" I smirked.

Ang gulat niyang reaksyon ay napalitan ng pagkalito.

"Who are you?" tanong niya.

"I'm Fiona Renee Evergreen, the vampire girl," I said.

Umiling siya. "Huwag mo akong pag-laruan, Evergreen," banta niya.

I innocently raised an eyebrow. "What? Diba ikaw ang naunang nakipaglaro sa akin?"

Tahimik lang siya.

"You know, Headmistress, kung gusto mo talagang malaman kung sino ako, just wait for tomorrow. You'll know it. You'll know me," sabi ko at iniwan siya doon.

----

Unknown's POV

"It's almost mine. Almost," nakangisi kong bulong.

----

Veronica's POV

[A/N: Remember her? Siya 'yong nakilala ni Fiona sa palengke.]

Hinihingal akong nagising. Lumabas ako mula sa maliit kong kwarto at pumunta sa kusina. Nagsalin ako ng tubig at agad na uminom nito.

"Bwesit na matang iyon. Ano ba kasi 'yon?" hinihingal kong tanong sa sarili.

Mariin akong pumikit. Agad na nakita ko ang kulay brown na mga matang iyon kaya agad akong napamulat.

Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa baso. Ang mga nakakakilabot na matang iyon. Sino ka?

Hindi ko namalayang nalaglag na ang basong hawak ko sa sahig dahilan upang mabasag ito.

Agad na umilaw ang paligid at pumasok sa kusina ang madalim na mukha ng step sister ko.

"You, bitch! Kakaunti na nga lang ang baso natin, binabasag mo pa! E kung ikaw kaya ibenta ko para magkapera kami rito! Punyeta! Malas ka talaga! Pabigat! Malas!" sigaw niya sa akin at sinampal ako.

Dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya ay napaupo ako sa mga bubog. Napaungol ako sa sakit.

Natawa ang kaharap ko. "Ha! Buti nga sa 'yo! Linisin mo 'yan! Bayaran mo rin iyang nabasag mo!" sigaw niya at pinatid ako bago lumayas.

Nakita ko ang step brother at step mother na walang emosyong nakatingin lang sa akin bago sumunod sa demonyo kong kapatid.

Yes. I don't have any ally here.

Kahit masakit ang pwetan ko dahil sa mga bubog ay pilit pa rin akong tumayo. Ayokong mas magalit pa sila sa akin at balatan ako ng buhay. Hindi ko alam kung bakit sila galit sa akin. Wala naman akong ginawa. Wala akong kasalanan sa kanila. Hays.

Tiningnan ko ang mga bubog at may bahid ng dugo iyon. Ha! Pati pwetan ko, hindi nila pinalampas. Mapait akong napangiti.

Paika-ika akong naglakad upang kunin ang walis at dust pan at sinimulan na itong linisan.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos ako sa pagliligpit. Pagkatapos kong maglinis ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko at napabuntong-hininga.

Can I survive any longer? Will I survive any longer?

Napailing na lamang ako at umupo sa maliit kong kama ngunit agad na tumayo nang maalala kong may sugat pa pala ako sa pwetan. Ngunit nagtaka ako nang wala akong naramdaman na sakit. Umupo ulit ako ngunit walang masakit. Anong nangyari?

Kinakabahan akong humarap sa salamin at binaba ang shorts at underwear ko. Mababakas pa rin ang dugo mula doon pero ang ikinagulat ko ay wala na mga sugat. Nawala ang nga sugat.

Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan ang mga natuyong dugo doon. P-Pero paano?

"AARRGGGHHH!"

Lumingon ako sa labas ng bintana kung saan kitang-kita ko ang La tour. Muling umungol ng malakas ang pinaniniwalaang  dragon. Siguradong dinig ito sa buong Magic World.

Nanlaki ang mga mata ko nang mahagilap ang kulay brown na mga matang iyon.

"Fiona..."

***

VOTE. COMMENT. FOLLOW.

Happy reading! Add me on facebook: Shanny Belleza.

— Shanny (Shainnnggg)

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon