CHAPTER 24

36.6K 1.2K 21
                                    

Ace × Fiona

Fiona's POV

I woke up in daze. Ang isip ko ay hindi nakapukos sa kung saan ako ngayon. Lutang na lutang ako. Nihindi ko nga namalayan na kanina pa kumakatok si Sophia at nakapasok na rin siya.

Naabutan niya akong nakaupo sa kama at nakakunot ang noo. Agad niya akong nilapitan.

"Fiona, Fiona, are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at medyo blurred pa nga ang imahe niya. Putek, anong klaseng panaginip ba kasi iyon?

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Pinapatawag ka na doon. Magsisimula na ang tra—"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"ASAN SIYA?! ASAN SI— OH GOD, FIONA!" sigaw ni Ash at niyapos ako ng yakap.

Nag-aalangan ko siyang niyakap pabalik.

"A-Anong nangyari?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Umiling siya. "Naramdaman ko mula sa bond ang sakit at may bumabagabag sa iyo. Akala ko na may nangyari na sa 'yo," sagot niya.

Bond?

As if nabasa ni Sophia ang nasa isip ko. Pinaliwanag niya ang tungkol sa bond.

"Pagkatapos markahan ang iyong kapareho, magkakaroon kayo ng strong bond. At ang bond na ito ay parang link na nakakaramdam ng damdamin niyo sa isa't isa. Dahil sa bond niyo, naramdaman ni Ash ang iyong naramdaman kaya nag-alala siya sa 'yo."

Tumango ako. Hinagod ko ang likod ni Ash upang pakalmahin siya. "Okay lang ako, Ash. Masamang panaginip lang," sabi ko.

Mas humigpit ang yakap niya at inamoy ang buhok ko.

We were like that for a couple of minutes until Sophia decided to interrupt.

"Uhm. Kailangan na nating umalis, Ash, Fion. Naghihintay na sila doon."

Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Ash. "No. Hindi siya makikipag-training ngayon."

Napanganga ako. "N-No, Ash! Itutuloy natin ang training."

"Pero hindi ka okay. You're staying here."

"I'm fine, Ash!"

"Don't lie to me. I can feel it through the bond."

Ewan ko lang kung dapat ba akong matuwa sa bond na iyan or mainis.

"Hindi. Pupunta ako. Kaya ko naman."

"But—"

"No buts."

-----

Pagkatapos ng ilang pagtatalo ay ako ang nanalo at tumuloy sa training.

Ngayon, kaharap ko na ang the cold prince of Magic World. Lol.

Tumikhim si Ace at tinitigan ako nang masama. He's looking at me like I'm a real dangerous enemy.

"I want to end this shit now. I will not be holding back my desire to take you down kaya kung gusto mo pang masikatan ng araw, be alert," paunang babala niya.

Mukhang tama si Brieve, he's serious and aggressive.

"Nuh. The feeling is mutual. Just bring it on," hamon ko sa kaniya.

Ngumisi siya at agad na nagpalabas ng tubig. Nag-iba ang kulay ng mga mata ko at mabilis na kumilos upang mailagan ang tubig na nagbabadyang tumama sa akin.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon