CHAPTER 33

37.5K 1.1K 12
                                    

What?

Fiona's POV

"Jack, may isda akong nakuha! Dali, tingnan mo!" masayang sigaw ng babae sa lalaking nakaupo sa damo.

"Talaga? First time yan ah," biro ng kasama niyang lalaki.

Napasimangot na lamang ang babae na ikinatawa naman ng lalaki. Lumapit siya sa babae at hinimas ang tiyan niya.

"Hello, anak. Si daddy 'to, palaki ka diyan ha. At h'wag ding malikot para hindi mahirapan si mommy mo," pakikipag-usap niya sa hindi pa umbok niyang tiyan.

"Loko ka, Jack! 1 week pa lang ang bata sa tiyan ko. Hindi mo pa 'yan makakausap," natatawang sabi ng babae.

"Ano ba, Thea. KJ mo talaga," sabi niya at hinalikan sa noo ang babae.

Tinitigan ni Jack ang babaeng nasa harapan niya.

"Mahal kita, Althea. Mahal ko kayo ng magiging anak ko, tandaan mo 'yan," puno ng sinseridad na sabi ni Jack at hinalikan siya sa labi.



Napa-upo ako mula sa pagkakahiga, hinahabol ko ang aking hininga na para bang kakagaling ko lang sa karera. That dream... That dream again.

Lumingon ako sa pinto nang may kumatok. Inayos ko ang buhok ko at kinapkap ang gilid ng mata, baka kasi may muta pa. Nang masiguradong maayos na ang itsura ko, tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumulaga sa akin ang isang lalaking mukhang assistant ang porma.

"Yes?"

"Ms. Evergreen, pinapapunta ka sa principal's office ng mga Officers," pormal niyang pahayag.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit daw?" nagtataka kong tanong.

First time atang pinatawag ako. It's either may ginawa akong masama which is sa pagkakaalala ko ay wala, or may meeting for the group.

"Hindi ko po alam. Nando'n na rin po ang iba," imporma niya.

Aw. A group meeting.

"Okay. Susunod ako," sabi ko.

Yumuko siya at umalis. Tsk. I really hate formality.

Sinara ko ang pinto at ginawa ang daily routines ko. Pagkakatapos no'n ay naglakad na ako papunta sa Principal's office.

Lumingon ako sa paligid. Sabado kasi ngayon kaya walang mga studyante. Siguro ay may umuwi or lumabas sa academy.

"Mahal kita, Althea. Mahal ko kayo ng magiging anak ko, tandaan mo 'yan."

Napahinto ako nang maalala ang panaginip ko kanina. 

Jack and Althea, who are you? Why are you bothering me? What's with the both of you?

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon