CHAPTER 22

38.1K 1.2K 11
                                    

Brieve and Sophia × Fiona

Fiona's POV

After the small commotion about this damn love biteyeah, I'm calling it 'love bite' because they forced me. They said that this is a sacred mark for their kinds and I need to respect it. Whatever— is our training. Seryoso na at totoo.

"Start!" seryosong sigaw ni Ash.

My training with Sophia and Brieve is starting. Ilang araw nalang ang meron kaya medyo minamadali namin ang training. Fast but accurate.

Nakatinginan kaming tatlo. Brieve is an air pouvoirer, Sophia is an earth pouvoir and I am a damn vampire who don't know how to use my power! Charmful vs. charmless, how pathetic.

Makahulugang tiningnan ni Sophia si Brieve. They're starting.

Pagkatapos ay bigla siyang sumugod sa akin. Agad namang nag-iba ang kulay ng mga mata ko. She is trying to punch my face, kick my weakest part and hit my body, in short, she is trying to take me down through physical injuries and pain.

Sinubukan niyang suntukin ako sa mukha pero nakailag ako at agad na sinuntok ang pisngi niya. Napaatras siya dahil sa ginawa ko at hinawakan ang namamagang pisngi. I can almost hear Blake's voice cursing me to hell. Napangisi ako.

I'm sorry, dude. Kapag magpakabait ako rito ay baka ako pa ang mapuruhan.

Sumugod sa akin si Sophia at biglang lumabas sa kamay niya ang isang latigo na mula sa ugat ng isang puno.

Mabilis akong umiwas nang pinatama niya ito sa akin. Ngunit bigla ring umatake si Brieve at pina-init ang temperatura ng hangin sa gawi ko.

Dahil dito, agad na namuo ang mga pawis sa katawan ko. Para akong nakababad sa isang mainit na tubig. Putspa, porket may kapangyarihan sila.

Pwede akong ma-dehydrate at manghina ngayon at iyon nga ang gusto nilang mangyari. And I won't give them the satisfaction.

Mabilis akong gumalaw. Isa sa napansin ko ay hindi matalas ang mata ni Sophia at hindi agad nababasa ni Brieve ang galaw ko. May alas pa rin ako.

Never let your guards down.

Gamit ang super speed ko ay pinaikutan ko ang dalawa. At kagaya nga ng inasahan, hindi ako mahabol ng mga mata ni Sophia at hindi rin ako mabasa ni Brieve.

Una kong sinipa si Sophia dahilan para matumba siya.

"W-What the hell!" gulat niyang sigaw.

Mukhang hindi niya inasahan ang atakeng iyon.

Naka-defense position na si Brieve at handang sanggain ang atake ko. Ngumisi ako.

Huminto ako sa pag-ikot sa kaniya at tumayo ilang metro mula sa kaniya.

Nagtataka niya akong tiningnan. Hindi niya talaga mabasa ang mga galaw ko.

Nang umayos siya ng tayo ay doon ako umatake at pinatumba siya.

"Urgh!"

Lumayo ako sa kanila. Sabay silang tumayo. They're tough... but atleast I was able to hit them.

Naagaw ang atensyon ko sa babaeng lumilipad. She's flying for Pete's sake!

"Phia, now!" sigaw ni Brieve at agad namang naalerto si Sophia.

She raised her hands. Biglang lumindol at may lumabas na malaking ugat mula sa ilalim ng sahig sa likod ko.

Halos hindi ako makagalaw dahil sa biglaang pagpapalabas nila ng pouvoir. Heck! I am seeing a real air and earth Pouvoirer and that's awesome!

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon