CHAPTER 35

37.4K 1.3K 39
                                    

Visitors 02

Fiona's POV

Noong gabing din iyon ay hindi ako pinapansin ni Ash. Palagi siyang nakasimangot at mainit ang ulo, lalo na kapag ang topic ay ang bisita naming witches.

He's jealous.

I tried to approach him pero hindi niya ako pinapansin or iniiwasan lang. Whenever I try to open my mouth and talk, iniiwan niya ako kaya wala akong ibang magawa kundi tumahimik at pagmasdan siyang umalis.

Bwesit na lalaki. Maaayos ba namin 'to kung patuloy siyang iiwas sa 'kin? Gago.

Kahit sa hapunan ay walang imik kaming sumusubo. Kita ko nga ang pasimpleng pagtingin ng mga kasama namin sa amin. Jusko, para kaming mga bata kung magtampuhan. E pa'no ba naman, hindi ako hinahayaan ni Ash na magpaliwanag. Inuuna ang selos niya.

"Nag-away ba kayo?" usisa ni Singit King na si Blake.

"No."

"Yes."

Nilingon ko si Ash nang sabay kaming sumagot. Ako ang sumagot ng no dahil wala naman talaga akong naalala na nag-away kami e.

"At kailan naman tayo nag-away, ha?" nakataas kilay kong tanong.

Umirap lamang siya at hindi na ako pinansin.

"May LQ nga," rinig kong sabi ni Blake.

Inis kong binaba ang kutsara at hinarap siya.

"E pa'no ba naman, kung magselos akala niya naman ikakapogi niya 'yon!" parinig ko sa kaniya.

Tumikhim si Ash pero hindi pa rin ako nililingon.

"May iba kasi diyan, hindi nagsabing may KA-IBIGAN pala siyang witch!" tugon niya.

Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya. Ano raw?!

"Anong sasabihin ko kung wala naman akong sasabihin!" inis kong sagot.

This time, nilingon na niya ako at talagang hindi maipinta ang mukha niya ngayon.

"Ha! So anong ibig sabihin no'ng pa-'She's mine, she's mine' no'ng mangkukulam na 'yon?!"

"E malay ko bang witch siya?! Oo, kilala ko siya sa Mortal World at hindi ko ipagkakailang may feelings  siya para sa 'kin, e ano naman ngayon?"

"Ayon! Lumabas na rin! May ka-IBIGAN nga!" galit na niyang sigaw.

"WALA NGA! Kung iyan ang pinuputok ng butse mo, WALA. KAMING. RELASYON! Saka wala akong romantic feelings for him!" paliwanag ko.

"Kahit na! Hindi mo pa rin sinabi sa akin na may nanliligaw sa 'yo sa ibang mundo!"

"WOY! Unang una, hindi ko alam na may kapangyarihan pala siya or isa siyang witch at pangalawa, BA'T KO NAMAN SASABIHIN SA 'YO KUNG IYO NA NAMAN AKO?! MAG-ISIP KA NGA, BA'T KO SASABIHIN KUNG MASAYA NA AKO SA PILING MO?! WHY BRING UP THE OLD MEMORIES WITH OTHER GUY IF I CAN MAKE NEW ONE WITH YOU? KAYA KUNG IYAN ANG KINASE-SELOS MO, ITIGIL MO NA 'YAN DAHIL BAKA PUMUNTA NA TALAGA AKO KAY ALVIN! BWESIT!" sigaw ko.

Padabog akong tumayo at umalis sa bahay. Baka kasi kapag nag-stay ako doon ay tuluyang sumabog ang dalawang bulkan.

Doon ako tumambay sa malapit garden. Malamig ang simoy ng hangin at naka-night gown na ako kaya medyo malamig. I breathe in the fresh air and calmed my nerves. Ilang minuto akong nakatanaw sa langit bago maramdaman ang mainit na bagay na ipinatong niya sa balikat ko.

"Malamig dito. Suotin mo 'yan, baka magkasakit ka," aniya.

Nilingon ko siya nang umupo siya sa tabi ko.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon