CHAPTER 12

41.6K 1.4K 29
                                    

The Academy

Fiona's POV

Lumabas ako sa kwarto ko pagkatapos maligo at magbihis. Nakaabang sa akin si Ash sa labas. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan ko. And there it goes, my heart started to beat faster than usual.

Lumingon siya sa akin at umayos ng pagtayo. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mula paa hanggang ulo. Namula tuloy ang mukha ko. He's freaking checking me out.

"Ehem," peke kong tikhim.

Tumingin siya sa akin. "Tara na," sabi niya.

Tumango lang ako at sumunod lang sa kaniya.

Nang nakalabas kami sa bahay daw nila ay may pasikot sikot pa kaming dinaanan bago narating ang naglalabasang studyante sa kanilang classrooms. Ang iba ay nagugulat kapag nakikita si Ash at binibigyan siya ng daan at ang iba naman sumusulyap sa akin na para bang may malaking question mark sa kanilang ulo.

Marami kaming bulong-bulungan na naririnig pero wala kaming pinansin ni isa.

Narating namin ang napakalaki nilang canteen. Ang laki nito at parang isang buong bahay na ang size nito.

"Binibini! Ash!" dinig kong sigaw ni Blake.

Lumingon kami sa gawi nila. Nasa gitnang table sila at center of attraction talaga.

Hinila ako ni Ash papalapit sa kanila at biglang umapaw ang kakaibang sensasyon dahil sa pagkakadikit ng palad niya sa pulsuhan ko.

What is this?

"Hi! Dali kayo, gutom na ako!" sigaw ni Blake at hinila si Sophia upang kumuha ng pagkain ngunit sinikmuraan lamang siya ng dalaga kaya wala siyang ibang nagawa kundi kumuha ng pagkain ng mag-isa.

"Anong gusto mo?" tanong ni Ace kay Brieve.

"The usual," sagot niya at ngumiti. Tipid na ngumiti rin si Ace bago pumunta sa counter.

Tatayo na sana ako upang kumuha rin ng pagkain ko nang pigilan ako ni Ash. "Where are you going?"

Nalilito ko siyang tiningnan. "Kukuha ng pagkain," I answered, stating the obvious.

Tumaas ang kilay niya at tumayo. "No. You'll stay here. Ako ang kukuha ng pagkain mo," aniya at lumayas na.

Okay?

Wala akong nagawa kundi umupo nalang ulit with Sophia at Brieve.

An awkward silence filled the table.

"You know what, bakit parang iba ang pakikitungo sa 'yo ni Prime? He's never like that," basag ni Sophia sa nakakabinging katahimikan.

Gulat at lito ko siyang nilingon. "Hmm. H-Huh?"

Umiling nalang siya at nag-shrug.

"By the way, kung ano man iyon, I hope you'll not break his heart."

"Excuse me?" taas kilay kong tanong. Ano bang pinagsasabi nila?

"You look like you have connection, 'ya know."

"Sophia," awat ni Brieve.

"What? Sinasabi ko lang ang mga napapansin ko," sabi niya as if normal lang ang sinasabi niya.

"Hindi kaya werewolf ka at mate mo si Primo?" Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God! What if tama ak—"

"Sophia! Baliw ka na," pagputol sa kan'ya ni Brieve.

"What? Just taking the possibilities."

"No. Hindi ako werewolf. I don't even believe in that," sagot ko naman.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon