CHAPTER 20

40.9K 1.3K 21
                                    

FionAsh

 Fiona's POV

Di ako mapakali no'ng gabing iyon. 3 days... just 3 days.

Bigla akong napabangon. Mukhang hindi ako makakatulog ngayon. Lumabas ako sa kwarto ko at naglakad. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng Academy. Kitang-kita mula dito ang libo-libong bituin. Peaceful.

Nag-indian sit ako at tumingala, seeing how the stars shine with brightness. I sat there contented and calming my nerves. Damn, tatlong araw na lang bago ang 'the judgment' at nenyerbos na ako.

"You're still awake?"

"AY, KABAYONG NAKAHUBAD!" gulat kong sigaw at matalim na tinitigan ang bagong dating na lalaki.

It's past 12 midnight. How come gising pa siya?

"Gago ka talaga, Ash!" singhal ko sa kaniya.

Natawa lamang siya sa reaksyon ko.

"Pati kabayo hindi mo pinalampas, hinubaran mo pa talaga," sabi niya.

Umirap ako. "You and your dirty thoughts," sagot ko.

"What? Wala namang akong sinabing dirty ah?" aniya at umupo sa tabi ko bago tumingala upang makita rin ang mga bituin, tumingala na rin ako at nag-isip ng mga bagay.

"Ilan kaya ang stars ngayon?" wala sa sarili kong tanong.

That is a common question I always ask whenever I see those beautiful stars.

"Wait lang, bibilangin ko," sabi niya at umaktong nagbibilang ng mga stars.

"Baliw," I said to him knowing that he'll never count all of those stars.

"Tinatanong mo e."

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. We are busy thinking of things.

"Alam mo ba?" pagbasag niya sa katahimikan.

"Syempre hindi ko alam. Loko!" angal ko.

Napa-iling siya at bahagyang natawa bago nagpatuloy...

"I wish I am one of those stars," sabi niya dahilan kaya napalingon ako sa gawi nya.

"Why?" nagtataka kong tanong.

"I wish I can give light to everybody just like the stars," wala sa loob na sagot niya.

Nangunot ang noo ko. "You are everyone's light, Ash," anang ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Yeah right. I hope so," sabi niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

I just let him be. He needs it. He needs someone to lean on.

"Are you one of those everyone?" tanong niya sa akin.

"H-Huh?" nagtataka kong tanong.

"You said that I am everyone's light. Are you one of them?" tanong niya ulit.

I stared at his shining gray eyes. His face shows no emotions, but his eyes says it all. And all I can see now is a boy... looking for an answer... seeking for love.

Natahimik ako at napa-isip. Am I?

"Yes," sagot ko. After all, he is my other half. I've seen many sides of him and admitting that he lit my life is not a big deal. Well, at least, that's for me.

"But, I like it better if you're the sun," dugtong ko.

"Why?"

"Because you'll not just lit up everyone's life temporarily, but permanently."

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon