CHAPTER 34

36.4K 1.2K 44
                                    

The Visitors 01

Fiona's POV

Kinabukasan ay maaga akong naghanda. Bilin kasi ni Mr. Lim na dapat ay hindi kami ma-late kaya maaga rin akong nag-ayos. Pagkatapos kong gawin ang mga daily routines ko ay lumabas na ako sa kwarto. Ngunit hindi ako makaangal nang may biglang humila sa akin papunta sa katabi kong kwarto. Ni-lock niya ang pintuan at ito namang malikot kong isip ay iba agad ang iniisip. Si Ash... Hindi man lang niya ako in-inform na ngayon pala niya gustong makipag-usap.

Woy, Fiona. Behave. Mag-uusap lang kayo. H'wag mag-isip nang kung ano.

"You're too easy to read," biglang imik niya.

"H-Ha?"

"H'wag kang mag-aalala. Mag-uusap lang tayo. Kaya behave," aniya.

Nahihiya akong napayuko. Bwesit na isip kasi e! Mas malandi pa kesa sa 'kin.

"U-Uh... Ano bang pag-uusapan natin?" pag-iiba ko ng topic.

"You."

Napalunok ako dahil sa sobrang seryoso niyang boses. May mental disorder talaga 'tong lalaking 'to e.

"A-Anong a-ako?" maang-maangan ko.

Huta. 'Wag kang kabahan, Fion. Mag-uusap lang kayo.

"Hmm?"

Lumapit siya sa akin. As in, malapit talaga sa mukha ko. Mga ilang inches na lang! Halos maduling ako dahil sa sobra niyang lapit. Punyeng mukha 'to oh. Hudas na gwapo! Yam.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga naiisip. Para akong baliw na umiling-iling. Maghunos-dili kang malandi ka! Nasa harapan mo iyang pinapantasya mo!

Nangilabot ako nang ngumisi siya.

"Bakit ba ang likot ng isip mo? Hmm?" aniya at mas inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Our nose are already touching. Nag-nose to nose kami at halos natuod na ako sa kinatatayuan ko.

Jusko po. Tulungan niyo po akong ilayo sa tukso.

"A-Ash, l-lumayo k-ka n-nga!" bulong na sigaw ko sa kaniya.

Base sa pananalita ko, halatang matindi ang epekto niya sa akin. Mariin akong napapikit. Stop me, people. Marupok ako kapag ang kaharap ay isang Ash Primo McKnight.

"Oh? Ba't ka nanginginig?" mapang-asar niyang tanong.

Fuck you to the 100th power talaga, Ash!

Kahit nanghihina ay ginamit ko ang kapangyarihan ko upang makalayo sa kaniya.

Nakahinga ako nang maluwag nang magawa ko ito. Hoh! Ang init. Mamamatay ata ako rito sa sobrang kaba!

Rinig ko ang mahina niyang tawa. At talagang nasisiyahan pa siya sa reaksyon ko. Tsk.

Ash - 1
Fiona - 0

Hah! Makakabawi rin ako. Itaga niyo 'yan sa utak niyo.

"A-Ano ba?! Tatawa ka nalang ba diyan or gusto mong malaman kung bakit ako preoccupied these past few weeks?!" inis na medyo nahihiya kong basag sa kaniya.

Tumikhim pa siya at tumayo nang maayos. Kumikinang pa rin sa saya ang mata niya at halatang nagpipigil pa rin ng tawa. Inis ko siyang tinapunan ng light ball na agad naman niyang sinuklian ng dark ball dahilan upang sumabog ang maliit na espasyo sa kwarto niya.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon