CHAPTER 28

36.5K 1.3K 56
                                    

Fiona × Ash pt. 2

Fiona's POV

Sinugod ko siya ngunit mabilis siyang nawawala. Good thing is I'm a vampire kaya madali akong makaramdam. I am good in sensing and I can immediately sense if someone is watching or is about to attack me. Naramdaman ko ang pagsulpot niya sa gilid ko kaya lumingon ako sa gawi niya at sinuntok siya sa mukha pero agad siyang nawala. That's one of his perks, mabilis din siyang kumilos. The next thing I know, nasa likod ko na naman siya, lumingon ulit ako sa kaniya at sinubukang suntukin siya pero nawawala talaga siya. Gano'n lang ang pabalik-balik na nangyayari. He's playing with me. This jerk.

Ngunit sa huling suntok ko ay sinalubong niya ang kamao ko at pina-ikot ito dahilan para mabali ang buto ko.

"Argh!"

Binitawan niya ang kamao ko kaya lumayo ako sa kaniya. Ngumisi ako at ininat ang braso kong nabali, unti-unting nawala ang sakit at bumabalik sa dating kondisyon ang katawan ko. Fast healing.

Ngunit hindi pa man ako nakakapaghanda ay sinugod na niya ako at sinaksak ako sa tiyan gamit ang matutulis niyang kuko. Napadaing ako sa sakit. Walangya! Ano bang klaseng kuko ang meron siya? 

Sunod-sunod ang mga atake niya: sipa, suntok, tadyak at kalmot, you name it. Halos mapahiga na ako sa sobrang bilis ng mga atake niya.

Sarap niyang sabihan na, 'Hello! I'm your girlfriend for Pete's sake!'

Pero alam ko ring ayaw niya akong saktan. Napapansin ko sa ekspresyon niya ang kan'yang pagngiwi tuwing dumadaing ako. Tsh.

Bago pa man niya ako masuntok ulit ay mabalis akong lumayo sa kaniya. Napatingin ako sa katawan ko, puno ng sugat at ang damit ko ay kulay pula na dahil sa mga dugo. Bwesit talaga ang lalaking 'yon! Sayang ang damit oh!

"Hinay-hinay, Ash. Masyado kang strong," ngisi kong sabi.

Sinuklian niya rin ako ng ngisi.

Unti-unti namang naghihilom ang mga sugat ko. Mas napangisi siya.

"Oh, babe. I know, I'm hot. But you look hotter when you heal," he said and winked.

Damn you, Ash! You really know how to make me blush.

Umiling ako at mabilis na kumilos papalapit sa kaniya at sinubukang suntukin siya pero kagaya ng inaasahan ay bigla siyang nawala at lumitaw sa kanan ko kaya agad ko siyang siniko without looking at him. Natamaan ang ilong niya kaya dumugo ito. Medyo napaatras pa nga siya at hinawakan ang dumudugong ilong. Mas lumawak ang ngisi niya sa labi. Pinagalaw niya ang kamay niya at may lumabas na itim na usok mula doon. Ako naman ang napa-atras dahil sa nakita. Alam ko kung ano 'yon! Minsan na iyong nabanggit ng isa sa prof ko sa klase.

"Dark poison," mahina kong sambit.

Kapag lumapat ang usok na iyon sa katawan mo at unti-unti kang malalason hanggang sa tuluyan kang mamatay. Itinapat niya ang kamay niya sa direkyon ko at pinakawalan ang usok mula sa kamay niya na ngayo'y papunta sa akin.

Gulat na gulat ako dahil sa biglaan niyang paggamit ng dark poison saakin.

"SERIOUSLY, ASH?! ARE YOU TRYING TO KILL ME?!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

Tumakbo ako papalayo ngunit sumusunod sa akin ang usok. Hindi ko alam ang gagawin! Halos magulantang ang buong sistema ko dahil sa pagsulpot ni Ash sa harap ko. Napahinto ako sa pagtakbo at lumingon sa likod ko, nakasunod pa rin ang usok. Lumiko ako para maiwasan si Ash kaso parang bula lang siya kung mawala at lumilitaw sa harapan ko, lahat ng dinadaanan ko ay nakaabang siya.

The Dangerous Princess: The Red-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon