Prologo

590 10 2
                                    

"HOY!" Malakas na sigaw ko ng makita kong susuntukin ng pangit na lalaking 'yun ang kaibigan ko.

Napatigil siya sa gagawin niya at tumingin sa akin.

Matapang na tinitigan ko siya at nagmamadaling lumapit sa kanila. Mabilis na hinawakan ko ang kamay nung gustong manakit sa kaibigan ko na nakahawak sa kwelyo ng polo niya at pilit na inaalis du'n.

"Hoy Natalia! Gusto mong ikaw ang sapakin namin?!" Rinig kong sigaw ng kaibigan ng lalaking 'yun.

"Huwag kang makialam!"

"Umalis ka rito!"

Sabat pa ng iba niyang mga alipores.

"Natalia..." tawag sa akin ni Ronald na para bang binabalaan akong huwag sumali sa gulo. Si Ronald ay ang matalik na kaibigan ko.

"Tumahimik ka, Ronald!" Sigaw ko at kinagat ang kamay n'ung pangit na nakahawak sa kanya. Napasigaw sa sakit ang lalaking 'yun!

Mabilis na hinila ko ang kaibigan ko sa likuran ko at ako ang humarap sa mga pangit na kalaban niya.

Matapang na hinarap ko 'yung kalaban ni Ronald na si Warren pati na rin 'yung barkada niya na ngayon ay tinitigan ang kamay ni Warren na kinagatan ko. Masamang tinitigan ko sila ulo hanggang paa.

"Subukan niyong saktan ang kaibigan ko ulit, makikita niyo ang hinahanap niyo!" Malakas na sigaw ko sa kanila. Pinulot ko 'yung isang malaking bato at akmang ibabato ko sa kanila 'yun.

"Natalia!" Saway sa akin ni Ronald. Natatakot yata siya sa gagawin ko. Hmp! Concern ba siya sa mga lalaking to?! Eh inaway nga siya ng mga 'to eh!

Tiningnan ko lang ng masama si Ronald. Isa pa ang lalaking to eh! "Kaya ka inaaway ng mga mokong na 'to dahil sa mahina ka eh! Lumaban ka rin 'pag may time!" Pangaral ko pa sa kanya at bumalik ang tingin ko roon sa mga pesteng lalaking 'yun.

"Sumusobra ka na Natalia ah!" Sigaw ni Warren ng makarecover siya sa ginawa ko sa kamay niya. "Bakit ba kailangan mong kagatin ang kamay ko?!" Galit na sigaw niya.

Sumang-ayon naman yung alipores niya at binantaan pa ako na humanda raw ako.

Tsk.

As if natatakot ako sa kanila!

Mga mukha nila!

"Eh bakit niyo inaaway ang kaibigan ko?!" Mataray na tanong ko sa kanya. Si Ronald ang klase ng taong hindi nang-aaaway! Mabait na bata si Ronald. Kaya nga pinapalayo siya ng nanay niya sa akin dahil bad influence daw ako sa kanya! "Kung hindi niyo inaway ang kaibigan ko, hindi ko naman gagawin 'yun!" Dugtong ko pa. Wala akong pakialam sa kanila! Hindi ko nga sila pinapansin eh kahit na nagpapansin sila sa akin. Lagi nila akong tinutukso ng kung ano-ano pero never ko silang pinatulan! Pero iba ang sitwasyong ngayon! Sinaktan nila ang matalik na kaibigan ko kaya ito ako ngayon, inaaway sila! Humanda kayong mga pangit kayo!

Natigilan sila Warren sa sinigaw ko at nakita ko ang palipat-lipat ng makahulugang tingin ni Warren at ng kaibigan niya.

Kumunot naman ang noo ko ng makita ko si Warren na para bang nahihiya at napakamot sa ulo niya.

May kuto siya?

"Gusto lang nilang pansinin mo sila Natalia kaya inaaway nila ako..." napalingon ako kay Ronald ng magsalita siya.

Sinapak ko siya.

"Heh! Tumigil ka!" Sigaw ko kay Ronald! Kung ano pang pinagsasabi niya! Kung ganyan siya kina Warren hindi ito mangyayari! Atsaka ano? Gusto nila Warren na pansinin ko sila? Mga kulang sa pansin ba ang mga lalaking 'to? Parang hindi naman yata!

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now