Ikadalawampu't lima

47 5 0
                                    

Naloko na!

Sinabi ko na magluluto ako!

Pero ang tanong ano ang lulutuin ko?

Eh prito lang ang alam ko!

Alangan naman na piniritong isda at itlog ang kainin namin habang nanonood kami ng palabas! Pwede rin naman na 'yun ang ulamin namin sa dinner pero.. kasi... feeling ko... unappropriate siya...

What if halikan ako ni Darius bigla tulad ng ginagawa niya lately?! Mag-aamoy isda ako?! Nakakadiri 'yun.

Argh!

Bwisit?!

Nakakabusog ang landi Natalia?!

Bwisit ka!

Pero ayoko talaga mag prito ng isda!

Bwisit naman oh!

Ang yabang ko pa!

Napatingin ako sa bacon at tosino.

Eh masyadong advance naman sa akin 'tong bacon at tosino!

Baka masayang lang to kung 'yun ang lulutuin ko... lalo na kung susunugin ko lang. Mamahalin pa naman ang bacon at tosino nila.

Bakit ba hindi bumili ng hotdog si Darius!? Akala ko mayroon. Pero chorizo lang ang mayroon!

Minsan pahamak talaga ang pabida-bidang ugali at bibig ko! Argh!

Tumingin ulit ako sa ulam na nasa ref nila.

Kumpleto ang gulay, mga rekados, karne sa ref nila... pero prito nga lang alam ko! Nagsisimula na akong magluto ng totoong pagkain nang mabusy si ate Say-say sa ka-MU niya kaya natigil ang pratcice session namin. Argh! Gusto kong humingi ng tulong sa food panda pero wala naman yun rito sa amin at nagsabi ako kay Darius na ako ang magluluto! Bwisit!

Kaya pala concern na concern si Ninang sa amin. Kasi mamatay lang yata talaga kami sa gutom rito!!

Huminga ako ng malalom. Okay, relax. Kaya ko 'to.

Ang huling tinuro sa akin ni ate Say-say na putahe ay adobo. Yosh. Nakapagdecide na ako! Adobo. Ito ang ulam namin sa dinner! Tapos yung kakainin namin habang nanonood...

Bahala na nga...

Pumunta ako sa cabinet na puno ng tsokolate at junkfoods!

Kinuha ko yung nachos at inilabas yung cheese nila... Mamaya ko na bubuksan yun para ilipat sa bowl. Magluluto muna ako ng ulam... Oh wait! Kung ngayon ako magluluto baka malamig na ang ulam namin mamaya... Shet! Pwede ko namang initin diba?!

Argh!!!

Utak mo Natalia gamitin mo rin minsan!

Bwisit naman oh!

Bumalik ulit ako sa ref at kinuha yung karne... Karne ng baboy. Adobong baboy ang gagawin ko!

Inilabas ko rin yung toyo, paminta, garlic sibuyas, suka, luya, kamatis... ano nga ba ulit ang kailangan... ah bahala na nga, sasarap naman lahat kapag may... tsaran!!! Magic sarap!!!

Inilagay ko yun lahat sa lamesa.

Ano nga ulit unang step noon..

Tama...

Ilagay yung kaldero sa stove... inilagay ko nga ang kaldero sa stove at binuksa... letche! Paano nga ulit buksan ang stove nila Darius?! Paano to i-on?!

Sa ibaba pang baking... sa taas, plain lang... paano nga i-on to?! Argh!!!

"Bakit ba kasi ang sosyal ng pamilya nila?! Bakit hindi butane gamit nila?! O di kaya gas stove?! Ah kainis!" Wala sa sariling sambit ko.

Akin ka na LangМесто, где живут истории. Откройте их для себя