Ikadalawampu't tatlo

59 4 6
                                    

For you dadel61

Susunod na sana ako kay Darius sa bahay nang may biglang nag doorbell.

Lumingon ako at napakunot ang noo ko ng may nakita akong malaking box katabi noong delivery boy.

Shoppee?

Oh no!

Pero wala naman akong ini-order na darating- I mean wala ng darating na order ko dahil... hehehe... ini-ignore ko lang naman lahat ng tawag nila dahil wala akong pambayad.

Pero sa laki ng package na 'yun hindi akin 'yun! Baka kina ninang! Baka padala galing sa ibang bansa! Oh yeah chocolate!!!

Lumapit ako sa gate.

"Good morning ma'am, nandyan ba si sir Dariu-

"Ano 'yan?" Excited na tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa box na nasa tabi niya. Magka-height lang kami ng box at busy ako sa paghahanap n'ung anong tawag dun... resibo? Basta 'yung papel na nakadikit sa box na may nakasulat na pangalan ng nagpadala at adress nito pati na rin para kanino ang package...

"Ahmm... Delivery po..?" Matalim na tumingin ako sa lalaki. Pinipilosopo niya ako?! Gusto niyang ipahabol ko siya sa aso namin?! Ay gaga! Wala palang aso rito! Bwisit! Ako na lang ang tatahol! Ako na lang ang mag-a-adjust! Pinapainit ng lalaking 'to ang ulo ko!

"Kaya pala hindi ka agad sumunod..." lumingon ako ng may nagsalita. Si Darius! "Ah!" Nasabi niya ng makita ang box tapos tumingin sa akin. Bakit parang kinabahan siya? O baka guni-guni ko lang?

Whatever!

Lumapit na lang ako kay Darius at yinakap ang kaliwang braso niya.

"Bakit?" Tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Inaaway niya ako..." sumbong ko sabay tingin roon sa delivery boy.

Tumitig lang si Darius sa akin at umiling-iling! Inalis niya ang kamay niya sa pagkakayakap ko at lumapit roon sa delivery boy.

Napanganga ako.

Bakit ganoon ang reaksyon niya?! Dapat sa mga ganoong sitwasyon, inaway niya ang delivery boy na nasa harapan namin!

Kainis!

"Kayo po ba si Darius Sandoval?" Tanong noong lalaki sa kanya.

"Yes." Sagot ni Darius.

"Pakipirmahan po..." Kinuha ni Darius  ang papel na dapat pirmahan.

Pumunta ako sa likod ni Darius at binelatan 'yung lalaki habang pinipirmahan ni Darius ang package.

Gulat lang na tumingin sa akin 'yung lalaki.

Agad na pomormal ako ng natapos si Darius sa pagpirma.

Binuksan niya 'yung gate para maipasok 'yung box. Wow. Ang laki talaga!

"Darius ano 'yan?" Curious na tanong ko. Sinisirado na niya ang gate pagkatapos magpasalamat sa delivery boy.

Nakita ko na 'yung resibo.

Kanino galing...

From:

Cuandò-

Eh?

Hindi ko tinapos ang pagbabasa noon kasi nahihirapan ako.

Ano 'to?

Tropa ng Money Heist?

Binasa ko ang nasa baba.

Ecuador.

So galing sa Ecuador ang box na 'to?

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now