Ikalawa

175 8 0
                                    

"JACK and Jill, walang silbi, nahulog sa stero!" What the hell I'm singing?

Umiling-iling na lang ako. I just realized na umabot na ako sa edad na 17 wala pa rin akong na memorize na pambatang kanta. Nakakainis lang. Gusto ko kasing kantahan iyong mga cute na bata na nakikita ko ng mga pambatang kanta kaso wala akong alam kaya ang kinakanta ko sa kanila ay yung 'dalagang Pilipina'. Tsk.

"Diba sinabi ko 'wag ka munang tumawag sa akin..." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko 'yun.  Boses 'yun ng isang babae na sobrang hina. 'Yung parang bulong...

Napatingin ako sa paligid ko agad. Wala akong nakita ni isang tao. May naririnig ba akong hindi naririnig ng normal na tao?

Nasa tapat na ako ng mansion ng mga Sandoval at wala akong natatandaan na may mga maligno rito. Tambay kaya ako rito noon! Umuuwi nga ako ng sobrang gabi noon pero wala naman akong nakitang hindi dapat makita kaya ano 'tong naririnig ko?

Teka...

Napangiti ako.

Baka may kasambahay sila na nag a-ano! Ayiiieee! Tsismis na naman! Mahanap ko nga 'yung babae! I-chi- chika ko kay mama ito mamaya.

Napalingon-lingon ako. May narinig akong kaluskos ng dahon kaya napatingin ako roon sa gilid ng bakanteng lupa katabi ng mga Sandoval. Sa mga Sandoval pa rin ang property na 'yun. May nakalagay na barb wire at nakalagay na Private Property. May mga tanim ng kung ano-anong prutas at mahahaba 'yung talahib kaya hindi mo makikita 'yung sa loob. Dito nga kami nahuli ni Darius n'ung tumatakas kami ni Ronald sa mga tropa ni Warren. Atsaka marami ang tsismis na marami daw ang nag de-date dito. Kaya impossible talagang may mga elementong nakatira rito. Sa mga tahimik na lugar lang naman nakatira ang mga 'yun.

What the!

Kung mga nag de-date lang ang makikita ko, baka mabahiran ng kamunduhan 'yung virgin eyes. Nagdalawang isip tuloy ako kung makikiusyuso ba ako o hindi pero noong maalala ko yung dating katulong ng mga Sandoval na nagnanakaw kasama 'yung jowa niyang taga labas, nawala ang pagdadalawang isip ko. Dito kasi daw inilalagay yung ninakaw niyang gamit tapos kinukuha lang noong jowa niya tuwing gabi. Nahuli daw sila noong security guard ng subdivision kaya hello, selda sila ngayong dalawa.

Iniwan ko sa labas 'yung dala kong basket at pumasok sa loob ng talahiban. Dahan-dahan ang paglalakad ko-shit! Nangati ako bigla dahil sa mga talahib. Napatigil ako sa paglalakad at naging busy sa pagkamot. Naman oh! Ito ba ang napapala ng mga tsismosa? Minsan lang naman ako maging tsismosa ah! Leche!

"Baka mabulilyaso ang plano ko." Madiin na wika noong boses na narinig ko kanina. Napatigil ako sa pagkamot at napatingin ako doon sa pinagmulan ng boses. May nakita akong bulto ng isang babae. Mas matangkad siya sa akin. Nakasuot siya ng puting damit kaya nakikita ko siya ng mabuti. Mahaba rin 'yung buhok niya--teka--multo?! Hindi ko nakikita 'yung mukha niya at natatakot ako what if may dugo-dugo ang mukha niya kasi biktima siya ng salvage. Dahan-dahan akong lumapit... Eh kahit na takot ako gusto kong siyang makita! "Naririnig mo ba ang sarili mo?! Atsaka pwede ba mamaya mo na ako kausapin!"

Ahhh... na-disappoint ako.

Hindi siya multo.

"Ang sabi ko naman sa iyo ako na ang bahala! Maayos na ang plano ko kaya please 'wag mo naman sirain, Gerald!"

Lumakas pa 'yung boses noong babae kaya napatigil ako sa paglalakad. Gerald? Diba pinsan 'yun ni Darius-Tsk! Ang dami kayang Gerald sa mundo! Baka ibang Gerald ang tinutukoy niya! Aish! Makaalis na nga lang! Ang kati na   ng balat ko eh! "Sige bye na. Baka hinahanap na ako ni Darius!" Napatigil ako sa pag alis.

Darius?

Bakit napasok si Darius sa usapan? Atsaka bakit siya hahanapin ni Darius?  Napalunok ako. Sabi ni mama nandito si Darius para ipakilala ang nobya niya... So ang babaeng 'to.. Parang... no! Baka mali ang iniisip ko. Nasobrahan lang ako sa kapapanood ng teleserye!

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now