Una

282 10 2
                                    

"NATALIA!" Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

Naitaas ko ang isang kilay. Bakit niya ako kilala-napatingin ako sa dala niyang paper bag.

May nakita akong tsokolate sa loob.

Tsk.

Alam na dis!

Alam ko na kung ano ang inilapit niya sa akin.

"Natalia..." napatingin ako sa mukha noong babae. Maganda ang babaeng 'to, mukhang mayamanin din. Makinis ang balat eh at 'yung paper bag na dala niya, sa pagkakaalala ko tag 130 'yun sa mall kaya masasabi kong mayaman talaga ang isang 'to. Pero sorry kahit milyonarya ka pa, ayoko. "Hi!" Nakangiting bati noong babae. Ah grabe. Ang bait talaga ng isang tao kapag may gusto silang pabor na ipagawa sa 'yo.  "Ako pala si Shaira." Pakilala niya sa akin. "Ahmmm..." nakita ko ang pamumula ng mukha niya kaya alam ko na tama ang hula ko sa kung ano ang rason niya bakit lumapit siya sa akin.

Malandi!

Plastik!

Huminga ako ng malalim. Tama na. Ayoko na. Baka masuka lang ako sa sunod na sasabihin niya.

"Hindi kita matutulungan kay Ronald." Sabi ko sa kanya. Kung ano man ang pumapasok sa utak niya, kailangan ko ng putulin. Ako lang ang mapapahamak eh.

Nagulat siya sa sinabi ko.

Eh?

Ano ba sa tingin niya ang magiging sagot ko, na tutulungan ko siya? Well noon tumutulong ako pero iba na ngayon.

Dapat maging hard ako sa kanya. Kasi kapag hindi ako naging hard, ako 'yung mamomroblema. Pang ilan na ba 'to ngayong semestre?

Ikaanim?

Kaya sorry na lang.

"H-huh?!" Tanong niya.  Maang-maangan pa. Nakita ko ang pagkapahiya niya. Namumula rin ang pisngi niya. Natumbok na kita gaga! Huwag kang masyadong maarte girl, mapupusunan kita.

"Gusto mong maging tulay ako? Tulay mo para kay Ronald..." pagkaklaro ko sa kanya. "Pwes, Shaira right?" Tanong ko ulit sa pangalan niya.

Tumango lang siya.

"I'm sorry. Pero hindi kita matutulungan." Psh. Paulit-ulit na lang ako rito na para bang sirang plaka. "Oo. Magkaibigan kami noon ni Ronald pero ngayon, ewan ko na lang! Kaya magiging useless na tulay lang ako kung ipu-push mo ang gusto mo." Sabi ko at naglakad na ako paalis sa kanya. Hindi ko na sinabi sa kanya na sa limang nagpatulong sa akin para mapalapit kay Ronald, silang lahat umiyak. Agad na riniject sila ni Ronald. Sinisi pa ako kung bakit nasaktan sila. Kainis.

Hindi ako nakarinig ng reaksyon mula kay Shaira, which is good-

"Hmmp!" Rinig kong anas noong babaeng 'yun. Oh God. Alam ko ang sunod na sasabihin ng Sharia na 'yun. Kasasabi ko lang ng good... Kaya bakit ganito.... Hay naku... "Ang sabihin mo may gusto ka doon sa kaibigan mo, at ayaw mo akong tulungan dahil gusto mo siyang masolo!" Napatigil ako sa paglalakad. Lord, gusto kong sumigaw at hampasin ang babaeng 'to para mahimasmasan pero baka ako pa ang mapagalitan kaya hindi ko na siya pinansin.

Bwisit! Story maker ka girl!

Naglakad na lang ako ulit.

Bahala ka sa buhay mo girl!

Wala akong paki sa 'yo! May importante pa akong gagawin.

Wala na akong klase at may gagawin pa akong report sa major subject ko kaya kailangan kong umuwi ng maaga para magawa ang mga bagay na 'yun.

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now