Ikalawampu't pito

48 4 0
                                    

Dear mama and papa,

Sorry sa mga ginawa kong mga kalokohan na ginawa ko noong bata ako. Lalo na kapag napapa-trobol kayo sa mga ginawa ko. Sorry dahil minsan, sinasagot ko kayo o pasaway ako. Sorry ma. Sorry pa. Lagi niyong tandaan, mahal na mahal ko kayo. Sobra

P.S. Pakisabi rin kay ate Say-say na sorry sa mga kamalditahang ginawa ko sa kanya at mahal na mahal ko rin siya.

PPS. May ATM ako. Maliit lang ang laman noon pero pagkasyahin niyo. 696996 ang password noon.

PPPS. May utang 10k si ate Nene sa akin wala na akong planong singilin siya pero singilin niyo na lang siya ma, pandagdag sa pera ko.


Napatingin ako sa ginawa kong sulat.

Okay na ba to?

Short but sweet naman yong letter ko sa kanila.

Yosh.

Hinawakan ko ang kutsilyo at tinuro sa may puso ko ang matulis na dulo nito.

One. Two. Three...

Ahhhhh!!!

Tinapon ko ang hawak na kutsilyo ko sa lababo. Tumunog 'yun pero wala akong pakialam!

Bwisit!

Hindi ko kaya!!!

Hindi ko kayang patayin ang sarili ko!!

Someone, please kill me!

Ahhhhh!!!!

Kinuha ko ang letter ko at pinunit 'yun! Buti napigilan ko ang sarili ko na kainin ang mga 'yun!

Naalala ko lahat ng ginawa kong kagagahan kagabi! 

Ahhhhh!!!!!!!

Sinabunutan ko ang buhok ko!

Baliw ka, Natalia!

Baliw!

Baliw!

Baliw!!!!

Bakit mo ginawa na 'yun?!

Bakit mo naisip 'yun?!

Arghhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!

"Ah." Napalingon ako ng may nagsalita sa likuran ko. Uminit ang pisngi ko at kinabahan ng makita ko si Darius.

"Darius-

"Ikaw lang pala." Malamig na sabi niya.

Hindi ko tinuloy ang sasabihin.

Ang lamig ng pagkakasabi niya. Atsaka ano... parang mali na makita niya ako. 'Yun ang nararamdaman ko.

Umalis siya sa harapan ko na walang paalam.

Ouch!

Ano 'yun?

Nakagat ko ang labi ko.

Galit siya sa akin?

Naalala ko ang nangyari kagabi. Nag init ulit ang pisngi ko pero muli akong napatingin sa lugar na kung nasaan si Darius kanina.

Galit ba siya sa ginawa ko kagabi?

Alangan!

Kung ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon ni Darius kagabi. Magagalit din talaga ako sa ginawa ko. Feeling ko pinaglaruan ko siya kagabi!

Ano ang gagawin ko?!

Tama! Dapat mag sorry ako!

Pero tuwing lumalapit ako sa kanya, naalala ko ang mga pinaggagawa ko kagabi.

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now