Ikadalawampu't dalawa

68 5 5
                                    

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong may humahaplos sa mukha ko. Pero dahil feeling ko panaginip lang 'yun, tumagilid lang ako ng higa at pinagpatuloy ang pagtulog ko...

Wait!

Diba padapa akong humiga sa kama kanina? Bakit nakuha kong tumagilid?! So nakatihaya na ako?

Napabalikwas ako sa pagbangon.

Napatingin ako sa paligid ko! Ako lang mag-isa sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Panaginip ko lang yata 'yung may humahaplos sa mukha ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

Pati panaginip ko ang weird!

Ahhhhh...

Bumalik ako sa pagkakahiga. Gusto ko lang humiga sa kama! Kinuha ko ang phone ko na nasa bedside table katabi ang cellphone ni Darius. Tumingin ako sa phone ko kung ano na ang oras. Yosh.

3:00 pm na.

Isa't kalahating oras pala akong natulog!

Kaya pala pagod pa ako dahil kulang ang tulog ko! Umupo ako sa kama at nag stretch-stretch. Kahit na kulang ang tulog ko, hindi ibig sabihin noon, babalik ako sa pagtulog. Kailangan ko ng bumangon. Baka hindi ako makatulog mamayang gabi eh. Pagkatapos kong mag stretch, sinipa-sipa ko ang kumot na nasa baba ko-huh?

Tumingin ako sa babang part ng katawan ko. Nakakumot ako? Nanlaki ang mga mata ko... Wait bakit feeling ko exposed... Oh my God! Mabilis na inalis ko ang kumot! Nakakahiya! Nakataas ang hem ng dress ko at expose na expose ang panty ko!!

Letche! Tuluyan na akong bumangon at inayos ang damit ko! Oh my! Pumasok ba si Darius sa kwarto at nakita niya ang ayos kong 'yun!?

Sana hindi niya nakita! Well, hindi naman pangit ang panty ko. Bago nga 'yun eh. Color red pa nga!

Argh!

Pero hindi 'yun ang dapat na iniisip ko!

Nakadapa ako kanina! Wala akong natatandaan na nagkumot ako!

Kaya sino ang naglagay ng kumot sa akin? Si Darius?! So nakita niya ang panty ko?! Sana hindi! Sana hindi siya ang nagkumot sa akin!

Pero ang dapat na problemahin ko... Ano kaya ang posisyon ko kung nakita man niya ako?

Nakabukaka kaya ang binti ko?! Tapos tulo laway pa ako?!

Wahhhhhhh!!!

Nanghihinang napaupo si Natalia sa kama.

Lord kunin Niyo na po ako!!!!

Napasuntok-suntok ako sa kama!

Bakit ba hindi ako nagpalit ng damit bago natulog!? Anong nakain ko?! Kaya nga pajama girl ako at hindi ako pwede sa mga lingeree-lingeree na 'yan dahil ang likot kong matulog! Nang minsang mag lingeree ako, kinabukasan nasa baba na siya ng kama at nakahubad na ako! 'Yun tuloy inubo at sinipon ako! Kaya sure ako, nakakahiya ang ayos ko kanina!

Teka!

Napatigil ako sa pagsuntok sa kama.

Oh baka naman... totoo talaga na mayroong helping fairies? Baka nga! Totoo sila! Kasi member ako noon sa high school.. Ano nga ulit pangalan ng organization.. ah wait org ba 'yun or club... Basta tungkol 'yun sa pagpangangalaga kay mother Earth! Every month, nag co-coastal clean-up kami at tree planting! Kaya siguro, bilang ganti sa pagtulong ko at pagmamahal kay mother Earth noon, tinutulungan ako ng mga fairies ngayon... helping fairies to be exact!

Tama!

Kasi sa members ng group na 'yun, ako lang ang seryoso sa pagtatanim ng puno at paglilinis ng dagat! Ang iba kasi, nandoon lang for selfie o di kaya... grrr... ginagawang paraan para makapaglandi!

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now