Ikawalo

98 8 4
                                    

Anong ginawa ko?

Hindi ko alam kung ilang beses ko natanong ang bagay na 'yun sa sarili ko habang tulala at mag-isa sa kwarto ko.

Tumigil na sa pagtulo ang luha ko. Ang sakit na ng mga mata ko sa kakaiyak.

Napayakap ako sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan.

Nasa bahay lang ako. Mag-isa. Nasa hospital lahat ng kasama ko sa bahay. Nandoon kasi si mama, naka-confine.

Mabuti na lang talaga na may nakarinig sa sigaw kong humihingi ng tulong. 'Yung mga nakarinig sa sigaw, agad na tinulungan nila ako. Kinarga nila si mama at may tumawag ng ambulansya para madala soya sa hospital...

Wala akong lakas ng loob na sumama sa paghatid sa kanya lalo ng makita ko ang mukha ni papa na sobrang nerbyos pagkatapos niyang nakita ang kalagayan ni mama.

Tinanong ako ni papa kung ano ang nangyari kay mama. Napaiyak na lang ulit ako at hindi ko nasagot ang tanong  niya dahil umiyak ako. Si ate Say-say ang sumama sa kanya sa ambulansya.

Kaya nandito lang ako sa bahay. Nag-iisa at nagmumukmok.

Umuwi si ate Say-say rito kanina para kunin ang mga gamit ni mama kasi roon daw matutulog si mama sa hospital. Hinihintay pa kasi ang resulta ng mga test niya. Binalita rin ni ate sa akin na okay na si mama.

Tumulo ulit ang luha ko.

Di nga?

May iiyak pa pala ako? Akala ko wala na. Mayroon pa pala. Bwisit.

Pinunasan ko ang mukha ko. Ang sakit-sakit na nga ng mata ko, umiiyak pa rin ako!

Pero hindi papantay ang sakit na nararamdaman ni mama ngayon kumpara sa akin. Tiyak rin ako na sa mga oras na 'to, alam na rin ni papa ang katotohanan. Pati na nga rin yata si ate Say-say tapos kakalat na sa buong bayan ang totoong nangyari. Aabot 'yun sa mga Sandoval. Iniisip ko pa lang ang reaksyon ng mga Sandoval lalo na si Darius, parang nawawasak na ang puso ko!

Bwisit talaga! Hanggang ngayon, Darius pa rin, Natalia?!

Huminga ako ng malalim.

Sana mawala na lang ako!

Feeling ko kapag nawala ako, maayos na ang lahat ng gulong ginawa ko!

Wait.

Magkakabati na ba ang pamilya ko at ang pamilya ni Darius kapag nawala ako?

At kahit ayoko, matutuloy ang kasal ni Darius kay Richelle?

Ganoon ba ang mangyayari kapag nawala ako?

Maayos ba talaga ang lahat kapag nawala ako?!

Kung ganoon, aalis ako!

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko mabilis na pumunta sa closet ko. Binuksan ko 'yun at kinuha ko ang backpack na hinanda ko.

Binuksan ko muna ang bag ko at inilabas ang mga sulat na hinanda ko. May kina mama at papa, kay ate Say-say, kina ninang at tito at higit sa lahat kay Darius.

Kinuha ko ang sulat para kina mama papa at ate Say-say. Nakasulat rito ang buong katotohanan ng nangyari ng gabing 'yun. Inilagay ko sa kama ang sulat ko para sa kanila. Binalik ko sa bag ko ang iba. Ang kina ninang, tito at Darius... Hindi ko kayang ibigay ito sa kanila ngayon dahil nagmamadali ako. Siguro ipapa-LBC ko na lang. Basta ang kailangan ko ay makaalis sa lugar na to!

Iniayos ko muli ang laman ng bag ko pagkatapos ay mabilis na nagsuot ng sapatos.

Nang maayos na, lumabas na ako sa kwarto ko, palabas din ng bahay namin.

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now