Ikalabing-anim

89 9 2
                                    

"ANG lamig!" Sigaw n'ung isang babaeng kasama namin nang chineck niya ang tubig ng pool gamit ang paa niya. Hindi ko pa rin kabisado ang pangalan ng mga kasama ni Cha-cha. Ano naman ngayon?!

Nasa swimming pool lahat ng kassma namin. Kami lang ni Cha-cha ang hindi. 'Yung coach naman nila umalis muna dahil may naiwan sa bahay nila pero agad naman daw 'tong babalik rito. Mayaman ang coach nila Cha-cha kasi sa kanila ang guest house na 'to!

Grabe! Ang laki! Kung bored ka pwede kang pumunta rito. Kumpleto sila from billiards, basketball court, volleyball court, tennis court, may mini arcade pa sila, may dojo, shet! Hindi ako matatapos kung iisa-iisahin ko! In short, mayaman talaga ang coach nila!

Kung hindi ako patay na patay kay Darius, magkakagusto ako sa coach nila Cha-cha. Mga nasa mid 20's pa ang itsura nito, gwapo siya, mayaman at higit sa lahat ensured na ang future mo! Sana magkagusto ang coach nila Cha-cha sa kanya para gumanda ang future ng babaeng 'yun. Feeling ko kasi tatandang dalaga 'yun sa sobrang kasupladahan! Ipagdarasal ko na sana mangyari 'yun!

Tsk.

Agad na nagdugtong ang kilay ko nang makita ko 'yung babae na nagsabi na malamig daw ang tubig sa pool pero naligo! Tumalon pa! Bwisit! Ang arte! Sapakin ko kaya ah!

"What a carefree people!" Mahinang sabi ko nang sumunod ang iba at ngayon nagsasabuyan na sila ng tubig!

Kapag natalo sila, dapat bayaran nila ang nagastos ng coach nila sa kanila! Mga hayop sila!

Pero nagkamali ako sa kanila ng kaunti. Jinudge ko ang mga kasama ni Cha-cha sa club na mga... loser.

May ibubuga sila sa Judo. 'Yun nga lang hindi ako sure kung mananalo sila sa contest na sasalihan nila. Kung i-i-score ko sila ng one to ten, bibigyan ko sila ng five. Basics pa lang ang alam nila. Good luck na lang talaga sa kanila! Well, ramdam ko na tiyak mananalo si Cha-cha.

"Hayaan mo na. Paraan nila 'yan para maibsan ang pananakit ng katawan nila." Singit ni Cha-cha. Lumapit siya sa akin at may inilahad na in can beer.

Tinitigan ko 'yun.

"Don't tell me iinom ka? Sira ka?"

"Mas sira ka. Kita mong isa lang ang dala ko?!" Balik na tanong niya sa akin. Psh!  Inis na kinuha ko 'yun. "Huwag kang mag-alala five percent lang 'yan kaya hindi ka malalasing..."

Binuksan ko 'yung beer. Pero sa totoo lang wala ako sa mood na uminom. "Ano bang naisip mo at binigyan mo ako ng beer?" Tanong ko sa kanya.

"Nakakaawa ka kasi lalo na kapag halata na masyado kang inggit sa mga naliligo sa pool. Kaya inggitin mo rin sila ng beer mo."

Abnormal!

Napailing na lang ako. Useless rin naman 'to!

"Hindi rin naman nila 'to makikita kasi malayo tayo." Sabi ko. Oo malayo kami sa kanila. Mga 40 or 50 meters yata ang layo namin. Hindi ako sure. Nakaupo ako roon sa bench na nasa mini garden ng guesthouse ng coach nila Cha-cha. Tinitigan ako ni Cha-cha ulo hanggang paa.

"Why?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba giniginaw sa damit mo?" Tanong ni Cha-cha sa akin.  Tumingin ako sa damit ko.

Nakapajama lang ako. Manipis pa. Samantala ang isang 'to naka jacket at naka jogging pants.

Umiling ako.

Humiram ako ng damit kay Cha-cha para sa lakad na 'to. Hindi na ako umuwi sa bahay ng mga Sandoval para kumuha ng gamit. Feeling ko kung  uuwi pa ako, hindi ako makakasama.  'Yung undies ko naman, bumili ako sa mall kanina kasama na rin 'yung mga gamit na kakailangan ko sa lakad namin.  Kaya nga hindi ako naliligo sa pool ngayon kasi 'yung binili kong undies nilabhan ko muna. Pinapahanginan ko 'yun ngayon sa aircon sa kwarto namin ni Cha-cha para matuyo. No way in hell na susuot ako ng bagong biling underwear na hindi pa nalalabhan!

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now