Tatlumpu

74 2 0
                                    

"...one hundred fifty, one hundred fifty-one, one-five-two, one-five-three..."

Napatitig ako sa letter na sinusulat ko para kay Darius. Binitawan ko ang papel na hawak ko at kinuha ang papel na tinapon ko kanina!

"Arggghhhhh!!!" Sigaw ko at pinunit ang papel na hawak ko! Tumayo ako sa pagkakadapa ng higa at sinipa-sipa ang kama! "Ano 'tong nangyayari! Kanina three hundred twenty ang nasulat ko, tapos ngayong nag rewrite ako, one hundred fifty-three na lang?! Please explain!" At sumigaw ulit ako!

Nakakainis!

Ano 'to, magic?!

Pero hindi lang 'yun kanina pa ako nagsusulat, pero 'yung three hundred twenty ang pinakamahaba kong nasulat!

Argh!

Ang mas nakakainis, parang nagsusulat lang ako para matapos 'yung pinapagawa ko sa aming dalawa ni Darius! Hindi ko tuloy masyadong naexpress ang nararamdaman ko!

Nang kumalma ako, pabagsak na humiga ako sa kama.

"Hindi gumagana ang utak ko!" Mahinang sabi ko at kinuha ang papel na sinulatan ko ngayon-ngayon lang.

Binasa ko ulit ang sulat ko.

I'm not satisfied!

Ayoko nito! Pinunit ko ang papel na 'yun!

Ano ba tong nangyayari sa akin?!

Excited ako kanina kasi marami akong gustong isulat at marami ring ideas ang pumasok sa utak ko, pero hindi nakaya ng kamay ko lahat ng 'yun kaya nakalimutan ko na ang mga ideas na 'yun at hindi na nasulat.

Letche!

Argh!!

Tumingin ako sa phone ko ng mag vibrate 'yun.

Gumulong ako palapit sa bed side table para makuha ang phone ko.

Si Darius ang nag text.

Napanguso ako.

Dumaan si Darius rito sa kwarto para magpaalam na sa pool lang daw siya. Doon siya magsusulat ng letter niya. Then... Ngumiti ako ng maalala ko na humingi siya ng bond paper sa akin.

Tumawa ako ng mahina ng maalala ko 'yun.

Buti na lang may stock na bond paper sila Darius rito sa bahay nila!

Umiling-iling na binuksan ko ang text ni Darius.

"Kailangan ba talagang 1000 words?"

Nawala ang ngiti ko sa mukha at tumitig  lang ako sa text ni Darius.

Mabilis na bumangon ako sa kama. Lumapit ako sa bintana at tumabi roon sa kurtina. Pasekretong hinanap ko si Darius sa pool area.

Nakita ko naman agad siya. Nakaupo siya sa doon sa... anong tawag doon... sun lounger? Teka tama ba ang spelling ko? Higit sa lahat tama ba ang word na gamit ko?! Basta oy! 'Yung ginagamit ng mga mestiza at mestizo na higaan kapag nagbababad sila sa init ng araw para umitim daw sila! 'Yun na 'yun'! Nakatagilid si Darius sa side ko.

Ginawa kasi niyang upuan yung 'yun na 'yun' habang seryosong nagsusulat gamit ang mesa... oh! Inilipat niya pa talaga 'yung maliit na mesa sa may garden.

Wait.

Inilipat niya 'yung maliit na mesa sa may garden!?

Nanlaki ang mga mata ko.

Seriously?!

Ang bigat noon ah!

Trinay ko 'yung ilipat noong nag te-taping kami ng El Filibusterismo sa garsen nila noong fourth year high school ako, pero hindi ko nakaya ang bigat.

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now