Ikalabing-walo

71 4 2
                                    

Ang pangit!

Pinisil ko ang pisngi ko pati na rin ang  braso ko. Ew. Para yatang nagkalaman na talaga ako. Wala akong pakialam sa itsura ko, kaso lately, nararamdaman ko parang ang bigat ng katawan ko. Nahihirapan akong bumangon!  Kailangan ko na yatang bumalik sa 'healthy lifestyle' ko.  Pero bukas na...

Ang laki na rin ng eyebags ko. Hindi na ako mag pupuyat. Ay parang malabong mangyari 'yun. Every other day na lang ako magpupuyat para okay.

Yosh!

Mamaya, maaga akong matutulog. Tapos bukas, mag e-exercise ako. Healthy lifestyle, here I come!

Tumingin ulit ako sa salamin.

Yagit!

Kaya ayaw ko na sa mga teleserye eh! Mga bwisit sila sa buhay ko! Kapag nagigising kasi ang mga bidang babae, ang gaganda nila!

Nagsimula na akong magpunas at mag toothbrush.

Suprisingly, nakatulog ako ng maayos kahit na may nangyaring ganoon kagabi. At ngayon, sa totoo lang I don't feel anything...

Refreshing nga eh!

Hindi ako kinakabahan o natatakot sa ginawa ko kay Darius kagabi. Hindi rin ako kinonsensya, in short. Kung magkikita kami... I... wala lang.

Okay lang. Hindi ako 'yung tulad noon na parang sira. Kinakabahan kapag nasa malapit siya!

Namanhid na yata ako.

No.

Narealized ko lang kung saan ako lulugar sa marriage na 'to...

Ako ang asawa pero wala akong karapatang maglaro sa role bilang asawa. Inagaw ko lang naman kasi ang role na 'yun! Kaya dapat huwag na akong aasa na titingnan ako bilang asawa ni Darius. Isa lang akong dalagang pumikot sa kanya. Kaya dapat hindi ako... Dapat...

Umiling ako!

Shoo negative thoughts! Shoo! Shoo!

Ang aga-aga, Natalia!

Tama!

Eh ano naman ngayon!?

Kaya mo 'to, Natalia!

Pero hindi ibig sabihin noon na susunod agad ako sa kanya... na magpapaapi ako sa kanya! Syempre, kailangan ko ring pangalagaan ang sarili ko. Lalaban ako kapag inapi niya ako!

Nang okay na ang lahat, naka-toothbrush at nakahilamos, lumabas na ako ng kwarto para pumuntang kusina.

Tumingin muna ako sa kwarto ni Darius bago bumaba sa hagdan.

Gising na kaya ang lalaking 'yun? Okay lang ba siya? I mean... binalibag ko-

Argh!

Inis na umiling-iling ako.

Like I care!

Hmph!

Umirap na lang ako at bumaba na.

Napakunot ang noo ko nang may nakita akong isang babae sa sala. Kausap siya ni ate Nene.

"Nag tatrabaho po ako kahit Sabado at Lingo kaya pwede niyo ho akong tawagan..." 'yan ang narinig kong sabi noong babae kay ate. Nag hire sila ng bagong kasambahay? Pero hindi naman si ate Nene ang nakatoka roon kundi si manang Soleng...

Tumingin sa akin 'yung babaeng kausap ni ate Nene. "Magandang umaga po." Bati nito sa akin.

Tumango lang ako.

"Oh Natalia, gising ka na pala. Kumain ka na..." si ate Nene nang makita ako.

"Sige ho, alis na po ako..." paalam noong babae at umalis na.

Akin ka na LangDonde viven las historias. Descúbrelo ahora