Ikalabing-pito

70 6 4
                                    

HUMINGA ako ng malalim nang lumabas si Darius sa kotse. Katatapos lang niya na iparada ang kotse niya.

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.

Grabe!

Ang tahimik at ang bigat ng atmospera rito sa kotse kanina. Feeling ko sinasakal ako! Hindi ako makahinga!

Buti na lang talaga at nakarating na kami sa bahay-ay hindi! Mabuti na lang at lumabas si Darius sa kotse para makahinga naman ako ng maayos! Malalagutan na ako ng hininga rito!

Yosh! Pwede na rin akong lumabas sa kotse!

Bubuksan ko na sana 'yung pinto nang maunahan ako ni Darius.

Eh?

Woah. Kahit na mukhang galit siya, pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto-heh! Ano naman ngayon?! Hindi 'to oras para isipin 'yan! Hindi ito oras para mamangha!

Nakayukong lumabas ako sa kotse. Hindi ako tumingin sa kanya! Napapitlag ako nang sinirado ni Darius ng sobrang lakas ang pinto ng kotse.

Oops!

Galit siya!

Mabilis na naglakad ako papasok sa bahay nila!

Ayaw kong maging pinto ng kotse niya!

"Nat!" Salubong sa akin ni Ate Nene nang makapasok ako sa bahay.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Ate...." para akong nakakita ng kakampi. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya.

"Ang ginaw mo." Gulat na sabi niya. Talaga? Hindi ko namalayan na giniginaw pala ako. Hindi ko naramdaman ang ginaw eh.

Binigyan ako ni Darius ng jacket kanina sa kotse pero hindi ko sinuot. Inilagay ko lang sa lap ko. Feeling ko kasi masusuka ako kapag sinuot ko 'yun. Ang bango kasi ng jacket ni Darius. Ang bango rin ng aircon ng kotse niya. Nag-aagaw ang amoy sa loob ng kotse. Actually wala namang problema roon pero idagdag mo pa ang kabang nararamdaman ko kaya ayun.... parang may gumugulo sa sikmura ko at anytime isusuka ko 'yun!

"Natalia kumain ka na ba?" Nanigas ako ng marinig ko ang boses na 'yun. The final boss is here. Mr. Darius Sandoval! Napalunok ako.

"Kumain na." Lumingon ako sa kanya. Lihim na nakagat ko ang dila ko nang makita ko ang seryosong mukha ni Darius.

"Sumunod ka sa akin sa kwarto." Mariing wika niya. Eh? Naglakad na si Darius papuntang kwarto namin. Hindi niya hinintay ang sagot ko.

Tumingin ako kay ate Nene. Parang nagutom ako bigla. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. "Kakain ak-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may maalala ako.

Teka nga lang.

Natatakot ako kay Darius. Pero bakit?

Kinakabahan din ako dahil kay Darius.

Pero bakit ako kinakabahan?

May kasalanan ba ako?

Wala naman diba?

Tumingin ako sa dinaanan ni Darius.

Kung tutuusin nga, ang lalaking 'yun ang may kasalanan sa akin! Dapat siya ang mas kabahan! Dapat siya ang mas matakot! Wait! Mali!

Dapat walang 'mas'!

Kasi hindi naman ako natatakot at kinakabahan kay Darius!

Hindi ko rin nararamdaman ang mga salitang takot at kaba ngayon kaya dapat na hindi ko gamitin  ang salitang 'mas'!

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now