Special Chapter

120 3 4
                                    

"OY, inaaway naman ng kapatid mo ang crush niya!" Rinig kong tawag ng kaibigan ni Darren sa kanya.

Tiningnan ko ang tinitingnan nila.

Ang batang 'yun na naman!

Si Natalia.

Bakit ba tuwing nakikita ko ang batang babaeng 'to, may ginagawa siyang gulo o parating naiipit siya sa gulo?!

And as usual, kaaway na naman niya ang kapatid ni Darren! Hindi kasama ni Natalia 'yung batang lalaking kasama niya palagi.

"Wah. Tingnan mo ang kapatid kong 'to."  Namomroblemang sabi ni Darren.

Nasabi ni Darren 'yun  dahil nang hinawakan ni Natalia ang kapatid niya, namula ang pisngi ng kapatid niya!

"Style niya bulok." Tumatawang komento ng isa pa naming kaibigan dahil hindi pa rin binibitawan ni Warren ang kamay ni Natalia.

"Saan pa ba magmamana, eh sa kuya!" Nanunuksong komento ng isa pang kaibigan namin.

Tumawa silang lahat sa sinabi niya maliban sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid at agad naman nawala ang ngiti ko.

"Pero parang hindi naman yata siya inaaway ng kapatid mo." Komento ko. Dahil kung nag-aaway sila, malamang nagsusuntukan, nagbatuhan na o nagsigawan na ang dalawa.

"Ah, you are right." Sagot noong isa.

"Woah! Nagkaka-crush na ba ang Natalia na 'yun sa kapatid ko?!" Pabirong tanong ni Darren nang makita namin na para bang hindi galit ang mukha ni Natalia habang kausap ang kapatid ni Darren. Nakikiusap nga pa yata ang babae eh.

"That's not gonna happen! Tomboy yata 'yang si Natalia eh. Puro lalaki ang kalaro at ang brusko kumilos! Mas lalaki pa nga 'yan sa kapatid ni Darren!" Mabilis na sagot ng kasama namin.

Tumawa ng mahina ang katabi ko.

"Naalala ko lang na babae siya tuwing kumakanta siya sa simbahan o nagsisimba dahil lagi siyang nagsusuot ng bistida!"

"Oy! Oy! Oy!" Excited na sabi ni Darren nang makita namin na parang hinahabol ni Natalia ang kapatid niya. "Lapitan natin, it's kinda interesting!" Sabi niya at hindi pa kami sumasagot, lumapit na siya sa dalawa. Humabol naman kami sa kanya.

"Hindi ka nga pwedeng sumama eh!" Rinig naming sigaw ng kapatid ni Darren.

"Sasama nga ako!" Nandidilat na sagot ni Natalia. "Kaya sige na oh!"

"Oy Warren! Ano namang nangyayari?" Tanong ni Darren nang makalapit kami.

"Eh." Ngumiwi si Warren ng tumingin siya sa amin. "Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ng kapatid ni Darren sa kanya.

"Kuya ni Warren, pagsabihan mo nga ang kapatid mo! Ayaw niya akong isama!" Naghanap ng kakampi si Natalia kay Darren.

"Saan?" Tanong ni Darren sa kapatid.

"Tingin mo mapapayag mo ako kapag nagpatulong ka sa kuya ko! Ha! Asa! Hindi kita papayagan sumama sa amin na manghuli ng gagamba!" Malakas na sabi ni Warren.

So 'yun pala ang nangyayari. Uso kasi ngayon ang mga gagamba sa lugar nila. May nag-aaalaga at pinapaaway na para bang sabong ang mga gagamba kaya marami ang nanhuhuli para ibenta.

But, tuwing gabi nanghuhuli nang gagamba ah.  Malaki daw kasi at mababagsik ang mga gagamba na pwedeng mahuli sa gabi!

Sasama ang batang 'to? Eh lalaki halos kasama niya ah!

"Aanhin niyo naman ang gagamba isasabo-

Tumingin si Natalia kay Darren. Naniningkit ang mga niya at ang sama ng tingin kay Darren.

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon