Ikalabing-siyam

82 6 7
                                    

DeathReign for you! Thank you for the support! 💕

------

I'm malandi!

Certified malandi!

May pa drama-drama pa ako kagabi tapos ano!?

Nagawa ko pang makipaghalikan kay Darius kanina?!

Nakakahiya!

Kung hindi pa dumating si ate Nene, hindi kami titigil sa paghahalikan! Teka...halikan ba 'yun? Or 'yun ang tinatawag nilang make-out?

Ahhhh!

Hinampas ko ang blower sa ulo ko. Gaga! Gaga! Gaga ka, Natalia! Kiss or make-out man ang tawag doon, isa lang ang ibig sabihin noon! Malandi ka! Marupok ka! Wala kang isang salita! Hindi mo kayang panagutan ang mga desisyon mo! Wala kang kwenta!

Utang na loob! Bakit ako ganito?! Pinalaki naman ako ng maayos ng magulang ko!

Sinuklay ko na lang ang buhok ko!

Aalis kami ni Darius ngayon, pupuntahan namin 'yung opisina ng internet provider para ibalik 'yung internet namin...

Kainis!

Tinatamad pa naman akong umalis ng bahay. Bakit hindi na lang si ate Nene o di kaya 'yung mga bagong helper nila ang papuntahin niya roon-Noooooooo!!!

Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko!!!

Hindi sa gusto kong masolo si Darius kaya gusto kong umalis sila ate Nene! Atsaka kung aalis man si ate o kung sinumang nilalang na 'yun, may makakasama pa rin kami! Kaya... ahm... Ano lang talaga... Ano... Kundi... Ano... lang... Tama! Tinatamad akong lumabas ng bahay! 'Yun lang talaga ang rason ko!

Hinampas ko ulit ang blower sa ulo ko! Bakit ba ako kinakabahan?! Ako lang naman ang nandito!? Wala naman akong kinakausap na iba! Utak ko lang naman ang kinakausap ko! Gaga!

Bumuntong hininga na lang ako.

Feeling ko, sa mga oras na 'to, papatayin ako ng mga babaeng advocate ng ano nga ulit 'yun... women powerful.... basta, something ganoon!

Kainis!

"Nat, papunta na si sir Darius sa garahe para ilabas ang kotse niya!" Narinig kong sigaw ni ate Nene sa labas ng pinto ko.

Kailangan ko na yatang bilisan ang kilos ko.

"Oo palabas na!" Sagot ko sabay hubad ng suot kong roba. Nakasuot na ako ng underwear ko eh. Lumapit na ako sa may kama kung nasaan ang damit ko.

"Bilisan mo! Kaya huwag ka ng mag make-up, matatagalan ka lang!" Habol na sigaw ni ate Nene.

Napatigil ako sa pagsuot ng damit ko at  masama ang tinging pinukol ko sa pinto!

Napapansin ko parang mas lumala yata ang trato niya sa akin! Noon pinagtutulungan nila akong barahin ni Cha-cha, ngayong siya na lang, nalaman ko na mas malala pala si ate Nene kay Cha-cha!

Speaking of Cha-cha hindi ko pala siya na textan o natawagan para ipaalam na okay lang ako. Baka nag-aalala siya sa akin... yata... hindi ako sure eh.

Speaking of text at tawag din...

Huminga ako ng malalim.

Napatingin ako sa bag ko, 'yung dinala ko kahapon. Nandoon ang cellphone ko na huling bukas ko roon ay noong hinanap ko ang number ni ninang Susan para makontak siya gamit ang cellphone ng ka-teammate ni Cha-cha...

Problema 'to!

Kapag kinontak ko si Cha-cha, kailangan kong i-unairplane mode ang phone ko... Kaya... Mababasa ko ang mga 'text' raw na pinadala sa akin ni Darius.

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now