Ikadalawampu't anim

64 4 3
                                    

AN: Medyo SPG! 🙈🙈🙈 Jusko po! Read at your own risk!

"Nat akala ko nasa entertainment room ka na..." gulat na sambit ni Darius. Nasa sofa kasi ako at nakatulala. No mukhang tulala lang ako pero ang totoo, ilang beses ko ng pinatay si Cha-cha sa utak ko.

Tumingin ako sa kanya at tumayo.

I know I sound like a party pooper pero..

"Darius sorry, pero wala ako sa mood na manood ng movie." Mahinang sabi ko sa kanya. Sorry kong KJ o party pooper ako. Pero wala talaga ako sa mood na magsaya ngayon lalo na sa ginawa ni Cha-cha.

I'm not happy right now!

Feeling ko sinampal ako ni Cha-cha ng salitang talunan!

Bakit hindi ko napansin na gagawin niya yun? 'Yung pagbagsak niya sa akin!

I'm a better judoka than her! Siguro nasabi ko na mas magaling siya pero pa-humble lang ako noon! Kung titingnan, mas marami akong award sa kanya! Mas maganda ang record ko! May nag scout sa aking university, siya wala! I take pride sa sense sa pakikipag-away ko! Kaya bakit hindi ko naramdaman ang evil intention ni Cha-cha sa akin!?

Dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yun?! Dahil kaibigan ko siya?! Damn it! Hindi tumatalo ang kaibigan!

Gusto kong i-reply ang ginawa ni Cha-cha sa akin! This time aware ako and swear to holy and unholy, hindi niya ako matutumba! Hindi niya ako matatalo! Bwisit siya!

Yeah. I'm one of those people who hates the word, 'matalo, talunan, loser'. Surprisingly, competitive ako. Hindi ko matanggap ang ginawa ni Cha-cha na 'pagpapahalik' niya sa akin sa lupa. She caught me off guard. That's cheating! Gusto kong gumanti! Pero ang hirap!

Kung susugod ako sa kung nasaan siya, doon sa guest house nung professor nila, baka mapahamak ako. Honor student ako, ayokong masira ang pangalan at records ko sa school. Baka tanggalin ako sa honor list o di kaya sa scholarship ko kapag sumugod ako roon ng pabigla-bigla. Eh place pa naman yun ng teacher! Okay lang sana kong sa bahay ng kaklase niya sila nag te-training pero hindi. Hello, baka magsumbong yung teacher sa school at patawan ako ng red card!

Hindi pwede yun!

Atsaka natakot rin ako sa karma baka ang karma ko ay mahawa sa COVID! Letche!

"May nangyari ba?" Tanong ni Darius. Nakokonsensya ako. Pero sorry. Wala ako sa mood para sa mga ganoon. Mas pumaibabaw pa rin ang inis at galit ko kay Cha-cha. Babawi na lang ako next time sa kanya.

"Na offend ba kita kanina sa kusina?" Tanong niya. Bakit hindi niya diretso na may 'nasabi ba akong masama sa luto mo?'? Baka sagutin ko pa yun ng totoo.

"No." Mahinang sagot ko.  "It's just..." nag-isip ako ng idadahilan sa kanya. At ang tanging naisip ko ay... "Ganito lang ako kapag malapit na period ko. Grumpy. Sorry." Siguro naman maiintindihan niya.

"What?" Gulat na tanong niya. Kumunot ang noo ko.

Bakit gulat na gulat siya sa sinabi ko?

Babae naman ako kaya talagang magkaka-period ako every month. Ano tingin niya sa akin menopaus na? Gago siya!

"Magkakaroon yata ako bukas kaya matutulog ako ng maaga para malakas ang alam mo na..." Anong alam mo na, Natalia? Syempre hindi niya alam! At hindi mo rin alam! Hindi mo nga alam kong kailan ka duduguin eh!

Hindi ako tulad ng mga babae na nagbibilang ng araw para malaman kong kailan sila dadatnan, in short, tulad ng mga taong may pakialam sa period nila. Naghihintay lang ako kailan ako dadatnan.

Ako kasi, motto ko, kung dadatnan, edi dadatnan! Kaya may dala nga akong extra panty at napkin araw-araw para kung dumating si period edi hindi ako matatagusan. Regular naman period ko kaya wala akong dapat ikabahala!

Akin ka na LangWhere stories live. Discover now