Ikalabing-dalawa

96 8 3
                                    

"Congratulations!" Magiliw na bati sa amin ng isang  bisitang babae.

"Salamat..." sagot ni Darius.

"Salamat..." mahinang sabi ko.

Lihim na sumulyap ako kay Darius.  Magiliw siyang nakikipag-usap sa babae. May narinig ako tungkol sa business seminar ek-ek.

Pero nakatitig lang ako sa labi ni Darius.

Sumulyap si Darius kaya napatingin ako sa side na hindi niya nakikita.

Nakita niya ako nakatitig sa kanya?! Sa labi niya?! Oh my!

Huminga ako ng malalim.

Kalma Natalia! Kumalma ka gurl!

Argh!

Nababaliw na ako!

Halos two hours na ang lumipas nang halikan ako ni Darius pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang paghalik niya sa labi ko!

Nakagat ko ang labi ko.

Pero infairness, ang labi ni Darius ay...ah! Naalala ko na naman! Erase! Delete! Ayoko ng maalala!

Umiiling-iling ako para magising ako.

Act normal, Natalia! No! Hindi pala! Act angry-No mali!!!!! Act cool!! Tama! 'Yun ang gawin mo! Iparamdam mo na wala kang pakialam sa kanya. Dapat normal lang ang pakikitungo mo sa kanya. Galit ka man sa kanya pero dapat huwag mong ipakita na galit ka ano lang... act normal... ah! Bwisit na act-act na 'yan! Bobo ako sa republic act! Basta! Huwag kang magpapadala sa kilig-No! Hindi ako kinilig sa ginawa niyang paghalik sa akin!

Argh!!!!

Ang sarap iuntog ng ulo ko sa pader! Tapos isusunod ko si Darius!

Bakit kailangan niya akong halikan sa labi?!

Pwede naman sa cheeck!

'Yan tuloy hindi ko mapakalma ang puso ko!

Nakakainis!

Huminga ulit ako ng malalim at nag-angat ako ng tingin.

Asikasuhin mo ang mga bisita, Natalia! Tama! 'Yun ang gawin mo para ma distract ka!

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla inilagay ni Darius ang kamay niya sa bewang ko. Napasulyap ako sa kanya.

Eh!!!! Bakit?!

Wala na 'yung kausap niya at nakatingin  siya sa akin.

"Pagod ka na ba?" Mahina at malumanay na tanong niya.

Napalunok ako.

Concern ba siya sa akin?

Nakagat ko ang labi ko para mapigilan itong ngumiti.

Dahan-dahan akong humarap sa mga bisita bago umiling.

"Sure ka?" Paninigurado niya. Tumango ako.

Nakagat ko ang labi ko.

I... Parang may kakaiba. I mean... feeling ko... Ayoko mag assume ha! Pero... I feel like a real bride! Akala ko hindi ako magiging masaya sa araw na 'to pero hindi eh. Parang kasal ko talaga 'to! Hahaha. Kasal ko naman talaga 'to pero... kahit saglit nakalimutan ko ang rason kung bakit kami nagpakasal ni Darius.

Kahit hindi ito ang dream wedding ko pero dahil maganda ang kalabasan, masaya pa rin ako. Parang ganoon.

May nakita akong dalawang babae na palapit sa amin ni Darius. Hindi ko sila kilala. Kaunti lang ang nag attend sa kasal pero bigla na lang rumami ang tao nang mag reception na.

Akin ka na LangHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin