Ikasiyam

86 9 1
                                    

Bumungad sa mga mata ni Natalia ang kulay na asul na kwarto. Hindi pamilyar sa kanya ang kwarto kung nasaan siya. Napatingin si Natalia sa pinto ng makarinig ng kaluskos. Doon niya na-realize na dapat hindi siya mag muni-muni!

Agad na pumasok sa isipan ni Natalia ay kung nasaan siya at bakit siya nandoon! Atsaka si Darius nasaan?

Ang huling natatandaan niya ay nasa sasakyan siya ni Darius at papunta sila sa kung saan.  Hindi niya natanong ang lalaki. Habang nagbabyahe sila, dahil na rin siguro emotional exhausted siya hindi niya namalayan na nakatulog siya sa sasakyan ng lalaki at heto na nga, nandito na siya sa kwartong 'to pagkagising niya.

Mabilis na tumayo si Natalia sa pagkakahiga sa kama. Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'yun! Natatakot siya sa anong pwedeng mangyari sa kanya! Nakita niya ang bag niya, kinuha niya 'yun at binitbit. Nakahinga siya ng maluwag na ganoon pa rin ang damit niya. Psh. Para namang pagkakainteresan ni Darius ang katawan niya, naisip ni Natalia. Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng isang ulam.

Hindi siya nagpadala rito at nagmamadaling lumabas sa kwarto. Maingat ang naging galaw niya kahit na wala naman siyang taong nakikita.

Hindi niya rin alam kong tama ba ang dinadaanan niya. Ang gusto lang niyang makaalis.

"Hmmmm...." rinig niya. May isang babaeng nag hu-hum...

Napatigil siya sa paglalakad at sumilip doon sa pinagmumulan ng boses. Una, pamilyar ang boses ng babae. Kumunot ang noo ni Natalia dahil pamilyar ang bultong 'yun sa kanya...

"Cha-cha..." tawag ni Natalia sa babae. Busy itong nagluluto.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Oy madam gising ka na pala..." bati ni Cha-cha sa kanya at bumalik sa pagluluto. 

Nawala ang kabang niya ng makita si Cha-cha..

"Ahmm..."

Sinuyod ko ng tingin ang buong kusina. Hindi 'to bahay nila Darius.

Lumapit ako kay Cha-cha.

"Hmmm..." si Cha-cha na hindi man lang lumilingon sa akin. "Umupo ka diyan, kakain na..." utos niya habang naghahalo roon sa kaldero. Pero hindi ako gumalaw.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya imbes.

Lumingon siya sa akin.

"Hindi ka pa nakakapunta sa rest house sa ng mga Sandoval?" Tanong niya. Bumalik ang tingin niya sa niluluto. Pinatay niya ang apoy at humarap sa akin.

Nasa rest house ako ng mga Sandoval? Bakit? Bakit ako rito dinala ni Darius?

Nakita niya ang mukha kong naguguluhan. 

"Hindi ka pa talaga nakapunta rito?" Tanong niya ulit. Umiling ako sa tanong niya.

"Nakapunta na. Pero kasi sa labas kami or sa tent..." kaya hindi ko napansin na rest house pala nila 'to...  atsaka matagal na rin ng huling punta ko rito. 'Yun 'yung bago bumalik si Darius sa Maynila. "Pero teka bakit ako nandito?" Naguguluhang tanong ko. Ito ang nasa utak ko kanina pa. Bakit nandito ako?  "At bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Nasaan rin si Darius?

Nagkibit-balikat lang siya at humarap sa pagkain na niluto niya. Nagsasaing siya ng kanin ngayon. Nang pinindot niya ang cook sa rice cooker ay humarap siya sa akin ulit.

"Nga pala, kung hinahanap mo si sir Darius wala siya rito. Nasa bahay. May inaasikaso." Imporma niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Wait lang.

Dito ako dinala ni Darius.

Tapos nandito si Cha-cha.

Akin ka na LangМесто, где живут истории. Откройте их для себя