One - (Love-struck)

9.7K 368 36
                                    

[ Eden. ]

"Good morning handsome!" Bati ko sa sarili habang sinisipat ang gwapo kong itsura sa full length mirror ko sa kwarto ko.

Sinuklay ko gamit ang mga darili ko ang kulay ash gray kong buhok. Last week ko lang to pinakulayan at bagay na bagay sakin! Kahit ilang beses akong magpakulay ng buhok---hindi kasi ako matahimik sa buhok ko--- ay maganda parin ang buhok ko. Magaling kasi ako mag-alaga ng buhok. Katamtaman ang kapal ng kilay, magandang mga mata, matangos na ilong at manipis at mamula-mulang labi. May piercing din ako sa magkabilang tenga. Grabe! Gwapo na, cool pa! Sino kayang di mahuhulog sa gwapong nilalang na 'to?

Hindi ako matangkad, hindi rin ako maliit. Tama lang para sa edad ko. Hindi rin ako tadtad ng muscles pero lean naman ang katawan ko. Fit kaya ako! Wala akong abs pero hindi ako payat na ang sagwa tingnan para sa lalaki.

At kahit malaking tshirt at grey na sweatpants lang ang suot ko, ang hot ko pa rin. Grabe iba talaga pag Carillo.

May lahi rin kasi kaming spanish at korean kaya maputi at may pagkasingkit ako.

So all in all, mukha parin talaga akong artistahin.

Iba! Hahahahaha!

Pero totoo yun at hindi katawa-tawa.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdan habang malakas na kumakanta.

"Akoooooo na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundoooooo~!"

"Eden, shut up! Umagang-umaga, ang ingay ingay mo!"

Tumigil naman ako at saktong nasa baba na ko. Tiningnan ko si ate at sinimangutan sya.

"Ikaw naman, umagang umaga nagsusungit ka! Kaya ka pumapangit, eh."

"Manahimik ka!"

Sungit.

Siya si ate Edelle Carillo. Salungat ng sinabi ko kanina, maganda sya. Natural ang mahabang kulay brown nyang buhok. Sabi nga ng iba para kaming pinagbiyak na bunga. Mas matanda ng tatlong taon sakin si Ate at sikat sya sa school na pinapasukan nya. Ayon sa bestfriend nyang si ate Serendy, ako raw ang male version ni ate. Well, hindi ko naman maitatanggi yon. Lagyan nga lang ako ng wig tapos pagtabihin mo kami, maiisip mo talaga na identical twin kami. Ibig sabihin lang non, maganda ako pag naging babae ako. At gwapo sya kapag naging lalaki naman sya.

Hehe.

"O, pera. Bilhin mo 'tong mga nasa listahan." Binigyan nya ko ng pera at listahan ng mga pinabibili nya. Napipilitang kinuha ko naman yun.

"Ngayon na?" I whined.

"Oo ngayon na. Malapit lang naman yung grocery store, eh. Wala nang laman yung ref at kailangan na nating irefill. Alam mo namang ayaw ni Mommy na nawawalan ng laman ang ref natin. Saka darating si Sendy mamaya-maya, gagawa kami ng research proposal. Kaya ikaw na lang ang bumili, okay? Wag ka nang magreklamo, tatadyakan kita."

Sinimangutan ko sya, "Oo na, sige, magpapalit lang ako ng damit."

"Mag-almusal ka muna. Nagtoast ako ng bread, nandun sa lamesa. Pinagtimpla na rin kita ng milk." aniya.

"Wow. Buti naman may concern ka parin sa pagkatao ko!" Madramang asik ko kaya naman agad akong nakatanggap ng isang malutong na batok galing sa kanya. Sadista!

"Bilisan mo na kumilos!"

Kainis.

Matapos kong mag-almusal ay nagbihis na rin ako. Ang fashion sense ko ay sobrang above the average. Hindi talaga ako nakakalabas ng bahay kapag hindi maayos ang itsura at bihis ko. Mahilig talaga akong mag-ayos, eh. Nasabihan na nga ako na bakla ni ate dahil sa pagka-obsess ko sa fashion pero wala akong pake. Basta dapat gwapo ako palagi. Kahit naman bagong gising ay gwapo ako, kahit nga magsuot ako ng basahan eh. Gusto ko lang na palaging nakaayos. Walang makakapigil sakin. Balashajan.

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon