Twenty Nine - (Raffle Winner)

4.2K 262 50
                                    

[ Third Person. ]

Nagulantang man sa hindi inaasahang pangyayari ay agad rin na bumalik sa wisyo si Eden nang marinig ang papalapit na mabibigat at mabibilis na mga yabag ng paa na nagmumula sa likuran niya. Natatarantang tumayo siya, muntik pa nga siyang matumba ulit pero buti na lang at naagapan niya dahil kung hindi ay siguradong babagsak na naman siya sa ibabaw ng lalaking asungot sa sahig. Gaya ni Eden ay mabilis rin na tumayo si Jiro at nakakunot ang noo na pinanood kung paano magbago-bago ang emosyon sa mukha ng babae sa harapan niya.

This girl is very easy to read, her emotions are written all over her face. And it's amusing how it rapidly changes like the color of christmas lights.

Pero habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar ang mukha ng nagpapanic na Miss Fairy na nasa harapan niya.

Hindi naman magkanda-ugaga si Eden, napakalakas ng kabog ng dibdib niya at di pa nakakatulong na nasa harapan niya ngayon si Jiro at tinititigan siya ng napakalalim!

"A-Ano bang... Hoy asungot, anong tinitingin-tingin mo dyan?!" Hindi maiwasang sumigaw ni Eden dahil naghalu-halo na ang iba't ibang emosyon sa dibdib niya, baka sumabog sya nito!

Pero nang sandaling marinig ni Jiro ang pamilyar na boses na yun, nakita niya na ang nawawalang piraso mg puzzle sa utak niya ay at tuluyan na itong nabuo.

Pamilyar na mukha, boses, yung napakamilyar na dimples na yun na kahit hindi ngumingiti ang may ari ay sumisilip parin tuwing gumagalaw ang bibig nito para magsalita! Hindi siya pwedeng magkamali!

The School's Fairy... Miss Fairy...

"Tangina! Fairy?!" Napapamurang bulalas ni Jiro nang sa wakas ay mahinuna niya na kung sino nga ba ang misteryosang babae na 'to na pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa labas. Puta! He even consired, although he immediately rejected the idea, to date this.... this faggot?! And he also called him beautiful! Beautiful like a doll!

Wtf.

Napasinghap naman si Eden na agad na nangunot ang noo, "Inaano ka ba?! Bakit mo 'ko minumura---"

"Ayun siya!"

"Bilis!"

Halos mabali ang leeg ni Eden sa bilis ng pagkakabaling niya ng kanyang ulo sa likuran at di niya mapigilang mapasinghap nang makita yung tatlong lalaki na nang-ambush sa kanya kanina sa harap ng banyo na ngayon ay tumatakbo papunta sa direksyon nila ni Jiro. Nakakatakot ang mga mukha nila, parang lalamunin siya ng buhay! Nakita niya pa yung sinipa niya sa itlog at di niya mapigilang mapamura sa isip niya. Kingina, nakakatakbo ka pa matapos makipagkilala sa sapatos kong may heels?! Saan ba gawa yang itlog mo? Sa titanium?!

"Takbo!"

Hindi agad narehistro ni Jiro sa utak ang mga pangyayari at nakita niya na lang ang sarili niya na hila-hila ni Eden habang mabilis itong tumatakbo. Nagtataka man ay nagpatianod siya, kunot ang noong lumingon sa likuran. Nang makita niya ang mga lalaking humahabol sa kanila ay lalo siyang nagtaka. Ano naman kayang ginawa ng fairy na 'to at hinahabol siya ng mga lalaking 'yon? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.

Noong una ay si Eden pa ang humihila kay Jiro, pero ilang sandali lang din ay bigla itong nagbago. Dahil sa sapatos niyang may heels ay nahihirapan siyang tumakbo tapos idagdag pa na mas mahaba ang mga biyas ni Jiro kaya di nagtagal ay nagkabaliktad din ang pwesto nila. Ngayon ay si Jiro na ang may hawak sa braso ni Eden at mabilis na tumatakbo para takasan ang mga mamaw na humahabol sa kanila.

Para silang mga bida sa pelikula. Ang pinagkaibahan nga lang, hindi isang babae at isang lalaki ang dalawang ito. Kundi pareho lalaki!

Hindi nagtagal ay natakasan rin ng dalawa ang mga lalaking humahabol sa kanila. May advantage nga naman kasi sila dahil mag-aaral sila ng unibersidad at mas maalam sa mga pasikot-sikot at pwedeng taguan.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now